CHAPTER 37

594 7 4
                                    

Araw ng Sabado ay maagang nagising si Tin dahil may usapan sila ni Slater na pupuntahan nila ang wedding planner na pinsan nito para kausapin tungkol sa nalalapit nilang kasal.

Nang makapagbihis na ay nagpasya siyang uminom muna ng kape habang hinihintay na dumating ang nobyo.

Hindi nagtagal ay narinig na niyang dumating ang sasakyan nito kaya inubos na niya ang kape saka excited na tinungo ang gate.

"Good morning!" nakangiting bungad niya dito.

Hinalikan siya nito.

"Tara na?"

"Tin-Tin may sasabihin ako, huwag kang magalit ah."

Kumunot ang noo niya.

"Ano yun?"

"Kasi..."

Mukhang hindi nito alam kung paano sasabihin ang anumang sasabihin nito.

"Kasi ano?"

"Kasi hindi ako makakasama ngayon pumunta kay Diane."

Ang Diane na tinutukoy nito ay ang wedding planner na pinsan nito.

"What?! Bakit?"

"Tumawag ang boss ko kanina, kasama daw ako sa ipapadala ng company namin sa seminar somewhere in Davao."

"Huh?! Bakit hindi mo kaagad sinabi? Sana hindi na ako gumising ng maaga."

Inakbayan siya nito.

"Sorry na wifey, kahit ako hindi ko alam. Biglaan kasi eh. Huwag ka na magalit."

Pinilit na lang niyang unawain ito.

"O sige, tawagan mo na lang si Diane para hindi na niya tayo hintayin."

"Huwag. Natawagan ko na siya kanina at sinabi ko na ikaw na muna ang makikipag-usap sa kanya. She's expecting you kaya tumuloy ka na ha," malambing na ungot nito sa kanya.

Kahit nawalan na siya ng ganang tumuloy ay um-oo na lang siya. Nakakahiya sa pinsan nito.

"That's my girl!" Hinalikan siya nito. "Thanks wifey, bawi ako next time."

"Naku dapat lang!" kunway masungit na sabi niya.

"Oo, pangako."

Paulit-ulit na hinalikan siya nito.

"Aba teka lang muna," iniharang niya ang kamay dito. "Nakakarami ka na ah."

"Bakit ba? Eh tatlong araw akong mawawala kaya siguradong mami-miss ko 'to"

Pagkasabi niyon ay tinabig nito ang kamay niya saka siya muling hinalikan.

Tulad ng sinabi ni Slater ay mag-isa na lang nakipagkita si Tin sa pinsan nito.

Kahit noon lang niya na-meet ang babae ay kaagad napalagay ang loob niya dito at sa tingin naman niya ay magaling rin ito kaya alam niyang walang magiging problema.

Nang matapos niyang makausap ang babae ay dumiretso na siya ng uwi.

Papagabi na nang maisipan niyang tawagan si Slater para kamustahin. Nakailang dial na siya pero hindi ito sumasagot. Nagpasya na lang siyang maligo muna.

Pagkatapos maligo ay tiningnan niya ang cellphone niya. May dalawang missed calls mula dito at isang message.

Sorry wifey, bawal ang cellphone kanina sa seminar. Nasa hotel na ako ngayon. I miss you already. I love you! :)

Napangiti siya sabay dial ulit sa number nito. Nakarinig muna siya ng apat na ring bago may sumagot.

"Hub---"

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon