CHAPTER 21

786 8 1
                                    

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik dyan," puna ni Jerico kay Tin habang nagbibiyahe sila pauwi.

"Wala 'to. May naalala lang ako."

"Si Slater?" tanong ulit nito na nakatutok ang atensiyon sa pagmamaneho.

Bigla siyang napalingon dito. "Huh?" kunwa'y tanong niya bagamat tama ito na si Slater nga ang naiisip niya. Naiisip niya ang mga nangyayari sa kanilang dalawa.

"Ang sabi ko, si Slater ang naiisip mo?"

"Hindi, basta..."

Itinabi muna nito ang sasakyan bago siya hinarap.

"Tin may itatanong ako sa'yo, pero gusto ko maging honest ka sa'kin."

Kinakabahan siya, seryosong-seryoso kasi ito sa pagkakatitig sa kanya.

"A-ano yun?"

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"

"Hindi sinasabi? Tulad ng ano?"

"Tulad ng tungkol sa inyong dalawa ni Slater."

"Naku, wala. Walang tungkol sa'min," kaila niya. Hindi siya makatingin nang diretso dito. "Tara na, uwi na tayo."

"Tin..."

Napapikit siya. Alam niyang kukulitin siya nito. "B-bakit?"

"Are you in love with Slater?"

Nagimbal siya sa diretsahang tanong nito. "H-hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin, Jerico."

"Alam mo Tin. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung ano si Slater sa buhay mo. I know that there is something going on between the two of you, something special. Hindi naman ako manhid eh, nararamdaman ko 'yun everytime magkakasama tayong tatlo or kapag kahit tayong dalawa lang." Bakas sa mukha at boses nito ang lungkot.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya hindi siya nagkomento.

"Kapag tayo ang magkasama, kahit ngumingiti o tumatawa ka, ramdam ko na hindi ka lubos na masaya. At alam kong dahil yun sa kanya. Maybe because somehow, at the back of your mind, you are wishing na sana siya ang kasama mo at hindi ako. " Pinipilit nitong kontrolin ang paggaralgal ng boses nito. "Tin tatanungin kita ulit, mahal mo ba si Slater?"

It took her a while before she decided to nod. Ayaw na niyang magsinungaling dito dahil pakiramdam niya, lalo lang niya itong masasaktan kapag hindi pa siya nagsabi ng totoo. "I'm sorry Jerico. God knows, pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko para sa kanya. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na ikaw ang mahal ko. Ikaw ang dapat kong mahalin… Ikaw ang gusto kong mahalin, Jerico." Hindi na niya napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagpatak mula sa mga mata niya.

"Pero iba ang sinasabi ng puso mo 'di ba?"

Nang makita niyang umiiyak na rin ito ay tumungo siya. Hindi niya kayang makita na nasasaktan ito dahil sa kanya. "I'm so sorry, Jerico. Sorry kung nasasaktan ka dahil sa'kin."

Kinuha nito ang dalawang kamay niya saka hinalikan ang mga 'yon. "Ssshhh... Don't be sorry, Tin. Wala kang kasalanan." Malungkot na ngumiti ito. "I love you very much so I'm setting you free."

"W-what do you mean?"

"I want you to be happy, at alam kong hindi ako ang taong makapagpapaligaya sa’yo. 'Wag mo 'kong alalahanin kasi sobrang napasaya mo na 'ko the moment you tried to love me back. Hindi mo man ako natutuhang mahalin sa paraang pinangarap ko, labis-labis na pagmamahal naman ang naipadama mo sa'kin bilang isang kaibigan. Okay na’ko dun." He cupped her face with his hands. "Napasaya mo na 'ko, princess. Oras naman ngayon para sarili mo naman ang paligayahin mo."

"Jerico…” patuloy lang siya sa pag-iyak.

Ayaw niya itong saktan pero iyon ang nangyayari. Kahit sinasabi nito na okay lang ‘to, kitang-kita sa mga mata nito na hindi yun totoo. Sana pagsalitaan na lang siya nito ng masasakit na salita, baka sakaling mabawasan ang guilt na nararamdaman niya.

Niyakap siya nito. “Tahan na. Alam mo namang ayaw kong nakikita ang prinsesa ko na umiiyak eh.”

Tinampal niya ito nang marahan sa likod. “Nakakainis ka kasi eh, ikaw na nga ‘tong naagrabyado, ako pa ‘tong inaalala mo. Sana sinumbat mo na lang ako nang sinumbat, mas matatanggap ko pa.”

“Ano ka ba, alam mo namang ‘di ko magagawa yun no. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako.” Hinarap siya nito. Pilit na ngumiti. “Sige na, tawagan mo na si Slater, let him know how you really feel.”

Malungkot na umiling siya. “Minsan ko nang sinubukan ‘yan, Jerico at napahiya lang ako. Ang sabi niya, kaibigan lang ang tingin niya sa’kin. At isa pa, may girlfriend na siya.”

Mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. “Kaibigan? I don’t think so. Lalaki rin ako kaya alam ko na higit pa sa isang kaibigan ang tingin niya sa’yo Tin.”

“Please Jerico, huwag mo na ipilit. Okay na kami na ganito, ayokong masira na naman yung friendship namin dahil na naman sa ganyan.” Pinunasan niya ang mga luha niya. “And like what I’ve said, may girlfriend na siya.”

“Okay, okay.” Umayos ito ng upo. “So, friends?”

Inabot niya ang kamay nito na nakalahad.

“Napakabuti mo, Jerico.” Ngumiti siya dito. “Sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at magmamahal din sa’yo nang totoo.”

Pinisil nito ang pisngi niya. “Hay naku princess. Wala pa ngang isang oras tayong nag-be-break, yan na agad ang gusto mong mangyari. Hayaan mo muna akong magmukmok,” pabirong sabi nito.

How she wish na nagbibiro lang talaga ‘to.

“Huwag ka nang magmukmok, hindi naman ako karapat-dapat ipagmukmok no.”

“Ewan ko sa’yo, Tin!”

Tumawa ito saka pinaandar na ang sasakyan.

I wish you all the best, Jerico. You deserve nothing but the best.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon