CHAPTER 33

625 4 0
                                    

Dahil sa sobrang inis kay Cocoy ay nakasimangot na bumalik si Tin sa bahay nila. Dinatnan niya sa sala si Slater na pinapanood kumain si Zap.

"O, saan ka galing?" Tumayo ito para salubungin siya.

"Kanina ka pa?" sa halip ay tanong niya.

"Medyo. Teka, bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Hindi pa man siya nakakasagot ay dumating na rin si Cocoy. Tinanguan lang nito si Slater saka na sila nilampasan.

"Don't tell me... magkasama kayo?" kunot-noong tanong nito.

Pabagsak na naupo siya sa sofa. "Of course not!"

"Whoa!" Tinabihan siya nito saka inakbayan. "Galit agad? Nagtatanong lang naman ako."

Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya o talagang pilit lang ang naging pagtawa nito.

"Kumain ka na ba?" pang-iiba niya sa usapan.

"Nag-coffee lang."

Tumayo siya at hinila ito sa kamay. "Tara, kain na lang tayo."

"Tin-Tin..." pukaw ni Slater kay Tin nang kumakain na sila.

Tinapunan siya nito ng nagtatanong na tingin.

"Tell me, may problema ba? Ang tahimik mo kasi masyado."

Simula kaninang pagbalik nito ay hindi na ito masyadong kumikibo. Hindi siya sanay, nakakapanibago.

Umiling ito.

"Wala 'to, wag mo na lang akong pansinin."

"Wag pansinin? Pwede ba yun eh pinag-aalala mo ako sa ikinikilos mo?" pilit pa rin niyang pinapakalma ang boses.

"Slater please, not now."

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumahimik. Binilisan na lang niya ang pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya saka ito nilapitan. Nilalaro nito ang pagkain sa plato nito gamit ang kutsara.

"Tawagan mo na lang ako 'pag kailangan mo na 'ko." Hahalikan na niya sana ito sa pisngi nang magbago ang isip niya. Sa halip ay naglakad na lang siya palabas ng bahay ng mga ito.

Kahit anong pilit niya ay hindi niya mapigilan ang sariling huwag mainis dito. Para saan pa at naging boyfriend siya nito kung hindi nito magawang i-open up man lang sa kanya ang kung anumang saloobin nito?

Nang tuluyang makaalis si Slater ay naihilamos na lang ni Tin ang kamay sa mukha niya.

"Argh!"

Sumasakit ang ulo niya. Ayaw sana niyang maglihim sa nobyo pero alam niyang sa oras na sabihin niya dito ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Cocoy noon ay natitiyak niyang magagalit ito sa lalaki. Ayaw niyang pati ito ay madamay sa gusot sa pagitan nila ng lalaking unang minahal at unang nanakit sa damdamin niya.

I'm so sorry, Slater.

Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ni Slater bago mapagtagumpayan ang huwag bumalik sa bahay nina Tin. Kahit naiinis siya dito ay may bahagi pa rin ng puso niya ang gusto itong samahan at damayan sa anumang bumabagabag dito.

But it seems like she doesn’t want you to meddle with whatever stuff it is right now!

Kaya sa halip na bumalik nga sa bahay ng nobya ay napagpasyahan na lang niyang umalis sa kanila. Nagmamaneho lang siya pero walang tiyak na pupuntahan. Nang madaanan niya ang isang bar ay nagpasya siyang bumaba at doon ibuhos ang frustration at inis na nararamdaman.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon