CHAPTER 13

740 7 0
                                    

Pagdating nina Tin at Jerico sa lugar kung saan ginaganap ang victory party ay kaagad na niyaya siya nitong lumapit sa isang grupo.

"Princess, I want you to meet some of my friends... si Xian and his girlfriend Kim, ito naman si Deniesse, si Yuri, Paul Jake, Tom... James and his girlfriend Ann... and of course, Seichii. Models din sila," nakangiting pagpapakilala nito sa mga kaibigan kay Tin. "Guys, prinsesa ko, si Tin."

Habang binabanggit isa-isa ni Jerico ay sabay tumatayo ang mga ito upang kamayan at ibeso siya.

"Ang ganda mo pala talaga bakla," puri ni Deniesse sa kanya. "Kaya naman pala lagi kang bukambibig nitong si Eco sa amin."

"Yeah, yeah..." dagdag ni Seichii. "You're so maganda. Your face, I rike (like) it huh?"

Natatawang nagsalita si Xian. "Behave ka lang, Seichii. Nandiyan si Eco oh."

"Oo nga..." sang-ayon ni Yuri. "Lahat na lang, maganda para sa'yo."

"Whatever guys! Ako, nagsasabi rang (lang) ng totoo. Tin is the most guwapa here. You Yuri, I don't rike (like) you anymore 'coz niraragrag (nilalaglag) mo ako ragi (lagi)." Si Xian naman ang hinarap nito. "And you, raraking (lalaking) pogi... just focus on Kim." Nakangiti ulit na tumingin ito sa kanya. "Don't berieve (believe) them. You're rearry (really) maganda. 'Pag kayo nag-break, una ako sa pira (pila) okay?"

Nagtawanan ang lahat.

Nagsalita si Jerico. "Shut up, man!"

Tumayo ang magkasintahan na sina James at Ann. "Excuse us guys. Sosolohin ko muna 'tong Popper ko."

"Thank you at sinamahan mo ako dito ah."

"What can I do? You left me with no choice," nakangiting sabi ni Slater kay Jessica.

"Bro? Jessica?"

Parehas pang nagulat ang dalawa nang mayamaya ay makita nila ang halatang nagulat din na si Jerico.

Malapad na ngumiti si Jessica dito. "OMG! Tingnan mo nga naman, you're also here."

Pahapyaw na in-explain ng kaibigan sa kanila kung bakit nandoon din ito.

"Wait guys, tawagin ko lang si Tin."

So, Tin-Tin is also here?

Naramdaman ni Slater na bumilis ang tibok ng puso niya.

Pagtalikod ni Jerico ay naramdaman niyang ikinawit ni Jessica ang kamay niya sa baywang nito.

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.

"Ang alam nila, girlfriend mo ako, remember?" Bahagya pa nitong pinisil ang ilong niya.

"Princess, halika. May sorpresa ako sa'yo. Excuse us guys."

Nagpahila lang si Tin kay Jerico at hindi na nagtanong.

"Tingnan mo kung sino ang nandito!"

Nag-angat ng ulo si Tin upang tingnan kung sino ang tinutukoy ni Jerico. Para lang masaktan sa nakita.

Si Slater, nakikipagtitigan kay Jessica habang ang kamay ay nasa baywang nito.

Pinili niya ang mag-iwas ng tingin nang lumingon ito sa kanila.

Hindi na niya nakita kung paanong parang napaso at biglang bumitaw si Slater sa babae nang makita siya.

Dahil sa idea na rin ni Jerico, na sinang-ayunan naman ni Jessica, ay nagsama-sama na lang ang apat sa isang mesa nang kumakain na.

"Ang tahimik naman ng dalawang 'to," puna ni Jerico kina Slater at Tin habang kumakain.

"Oo nga," sang-ayon ni Jessica. "Kanina pa kami salita nang salita nitong si Jerico pero parang hindi naman kayo nakikinig.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon