"Hi, Ate Tin!" masiglang bati ni Fretzie nang datnan niya itong nagsu-swimming sa pool sa likod ng bahay ng mga ito. "Swimming tayo."
"Sige, mamaya na lang. Hmm... Ang kuya mo?" Hindi pa kasi niya nakikita ito simula kanina. Linggo naman kaya imposibleng may trabaho ito.
"Ewan ko dun, kaninang makita ko siyang paalis, ang sabi may pupuntahan daw."
Ano naman kaya ang pupuntahan nun? O baka "sino"?
Natapos na ang lunch at dinner ngunit wala pa ring Slater na nagpapakita. Kanina pa niya ito sinusubukang tawagan pero naka-off ang cellphone nito.
Nasaan ka ba Slater? Sana naman naisipan mo man lang tumawag para walang nag-aalala sa'yo dito. Argh!
Nakahiga na siya para matulog nang marinig niyang dumating ang kotse nito. Dali-dali siyang bumangon upang salubungin ito.
Uh-oh! Bakit parang excited ako? Hindi. Hindi ako excited, gusto ko lang malaman kung saan siya nagpunta at kung bakit hindi man lang nagpaalam or tumawag.
Kailangan talaga magpaalam sa'yo, Tin-Tin?
Aba, siyempre! Hmm... I mean, kaibigan niya 'ko at kasama pa sa bahay. Wala naman sigurong masama kung magpapaalam siya kung male-late man siya ng uwi. Tama, ganun 'yun!
Tumakbo na siya palabas ng kwarto. Eksaktong paakyat na ito ng hagdan nang magkasalubong sila nito.
"Slater."
"Oh, Tin-Tin?" Ngumiti ito.
"Where have you been? Bakit ngayon ka lang? I've been trying to call you pero naka-off cellphone mo."
"Ahh, low batt eh. Bukas nalang tayo mag-usap, okay. Goodnight, Tin-Tin." Hinalikan siya nito sa noo saka na siya nilampasan.
Ganun lang? Kainis!
Padabog na bumalik siya ng kwarto.
"Argh! Nakakainis kang lalaki ka! Hindi ka na nga nagpaalam at lalong hindi ka na nga nagpakita buong araw, tapos ganyan ka pa! Kainis! Kainis! Kainiiiiiiis!" Pinagsusuntok niya ang kawawang unan na nadampot niya.
What the heck is happening to me? Natigilan siya bigla nang ma-realize ang ginagawa. Ang OA naman yata niya mag-react. Magkaibigan lang sila pero kung makaasta siya, daig pa niya ang isang girlfriend na in-snob ng boyfriend niya.
"Yeah right. Magkaibigan lang kami, as in mag-ka-i-bi-gan!" pabulong na sabi niya sa sarili. "Pero nakakainis pa rin. Hmp!"
Nangingiti si Slater sa tuwing maalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Tandang-tanda pa niya ang excitement sa mukha ni Tin nang masalubong niya ito sa hagdan pagdating niya. Kitang-kita din niya kung paanong nabura ang excitement na iyon sa sinabi niya.
Ang totoo, hindi rin niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisipan niyang umalis kahapon. Wala rin siyang planong magpagabi nang todo. Hindi naman talaga niya alam kung saan siya pupunta, nagkataon lang na nakita niya sa isang coffee shop ang mga naging kaibigan niya way back college na sina Carlo, Wendy, at Jessica. Niyaya siya ng mga ito to make up for the lost time so they ended up going to the mall, watched a movie, then went to the bar afterwards.
Upang bumawi sana kay Tin ay nagpasya siyang puntahan ito sa kwarto nito. Kakatok na sana siya nang marinig niya ang pagsisintir nito sa kanya. Kaya sa halip na tumuloy ay nag-enjoy nalang siya sa pakikinig sa labas ng kwarto nito. Bumalik lang siya sa sariling kwarto nang mapagtanto ang ginagawa. Bakit ang sarap sa pakiramdam niya na nagkakaganun ang kaibigan nang dahil sa kanya?
Mayamaya ay nakita niyang pababa ang kaibigan sa hagdan. Nakabihis na ito.
"Papasok ka na, Tin-Tin?"
Ni hindi siya nito nilingon kaya inulit niya ang tanong niya.
"Oo." Hindi pa rin ito lumilingon sa kanya. "Fretz, sasabay ka ba sa'kin?"
"Yes, Ate. Wait lang."
"Hatid ko na kayo," alok niya. Lumapit na siya sa kaibigan.
"Huwag na, mamaya ma-late ka pa sa work mo."
"Hindi, ano ka ba."
"Huwag na nga sabi eh."
Bumaba na rin si Fretzie. "Sige, Kuya. Ihatid mo na kami, para hindi na kami mag-taxi. Leggo!"
Wala na itong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
You're an angel, Sis! Hindi niya napigilan ang ngumiti.
"Thanks, Kuya! Bye Ate Tin. Ingat kayo!"
"Ikaw rin, Fretz."
"Be a good girl, Fretzie!" paalala ni Slater sa kapatid.
"Kuya naman eh. Hindi na ako girl, lady na kaya ako..." reklamo ni Fretzie.
"Whatever, Lil Sis!"
Nang makapasok na sa gate ng University na pinapasukan ang kapatid ay saka lang pinaandar ng kaibigan ang kotse upang siya naman ang ihatid.
"Ang lalim naman ng iniisip ng isa diyan. Hindi ka kaya malunod niyan?" pukaw ni Slater makalipas ang ilang minutong hindi pa rin niya ito kinikibo.
Hindi niya ito pinansin.
Muling nagsalita ito. "What's wrong, Tin-Tin?"
Nagtanong ka pa! Nagtatampo siya dito dahil in-snob lang siya nito kagabi. Alalang-alala siya dito kahapon tapos ganoon lang ang isasalubong nito sa kanya? Hmp! Ang totoo, naiinis din siya sa sarili niya dahil masyado niyang ginagawang big deal 'yun. Alam niyang wala siya sa lugar para makaramdam ng ganoon pero hindi talaga niya mapigilan. At hindi niya maintindihan kung bakit.
"Tin-Tin..."
"Ahh, wala. Namimiss ko lang sina mommy."
Bagamat mukhang hindi ito kumbinsido ay hindi na ito nagsalita pa.
Nang araw na iyon ay nag-undertime si Slater sa trabaho. Napagpasyahan niyang sunduin sina Tin at Fretzie at i-treat ang mga ito. Pasakay na siya ng kotse nang mag-text ang kapatid. Male-late daw ito ng uwi dahil may tatapusin pang project kasama ang mga kaklase. Gayunpaman ay hindi nagbago ang plano niya. Tinahak na niya ang daan papunta sa pinapasukan ni Tin.
Nang makarating sa pakay na lugar ay pinarada nalang niya ang kotse sa tapat ng University at hindi muna bumaba. Hindi niya pinaalam sa kaibigan na naroon siya para sorpresahin ito.
Makalipas ang halos 15 minutes ay nakita na niya si Tin na palabas ng gate at...
"Sino ang lalaking 'yun? Bakit nakaalalay kay Tin?" tanong niya sa sarili.
Lalong kumunot ang noo niya nang sa di kalayuan ay sumakay ang mga ito sa isang nakaparada ring kotse.
Nang umandar ang sinasakyan ng mga ito ay sumunod siya.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanficWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)