CHAPTER 2

947 10 0
                                    

Matapos maghugas ng pinagkainan ay dumiretso na sa sala si Tin. Naupo siya sa tabi ng nagbabasang si Slater.

"Tapos ka na, Tin-Tin?"

"Sir yes sir!" sumaludo pa siya dito. "Wala ka yatang trabaho ngayon?"

Itinabi na nito ang librong binabasa. "Wala. Bakit?"

"Wala lang. Bakit? Bawal na ba'ng magtanong ngayon?"

"Taray ah..." natatawang ginulo nito ang buhok niya.

"Slateeer! Kainis ka..."

"Hey hey hey! Ano yan?"

Nagulat pa sila nang marinig ang nagsalita. Sabay silang napalingon sa may pinto. Nakatayo doon ang nakangiting si Jerico.

"Nag-aasaran na naman kayong dalawa ah," napapalatak na puna nito. Tuluyan na itong lumapit sa kanila at naupo sa tabi niya sabay pisil sa ilong niya. "Hello to you, princess!"

Bilang ganti, sinuntok niya ang tiyan ng kaibigan. "Isa ka pang lalaki ka. Huwag mo 'kong matawag-tawag na princess lalo pa't ang tagal mong hindi nagpakita!"

"Uy! Na-miss mo 'ko no? Aminin..." kiniliti nito ang tagiliran niya.

Lumayo siya dito at sumiksik kay Slater. "Tigilan mo sabi ako! Slater, help!!!"

"Tama na yan, bro. Meron siya ngayon kaya masama siyang asarin," saway ni Slater kay Jerico.

"Uy, grabe ka naman Slater. Wala ako ngayon no! Huwag ka maniwala sa pesteng ito Jerico ha."

"Aba! Sinong peste ha?"

"Ikaw, pangit!"

"Woohoo! Pangit na nga, peste ka pa daw bro!" kantiyaw ni Jerico kay Slater.

"Heh! Huwag mong makantiyaw-kantiyaw si Slater, pangit at peste ka rin!" tumayo na siya.

"Hala ka Eco! Saan ka pupunta Tin-Tin?"

"Lilipat lang ako, naiipit ako sa inyo eh."

"So bro, buti nagparamdam ka?" pag-iiba ni Slater kay Jerico.

"Na-miss ko kayo eh."

"Ang sweet mo naman Jerico. Pero sorry hindi na bebenta yan," kunwa'y pagtataray ni Tin sa kaibigan.

"Totoo kaya! Kaya nga yayayain ko sana kayo gumala ngayon eh."

Dahil sa narinig ay parang automatic na nagtinginan sila ni Slater. Sabay pa silang pabulong na nagsalita.

"Gala daw!"

"Ayos!"

Matapos kumain sa isang restaurant ay naglakad-lakad muna sila sa mall. Tulad ng nangyari sa restaurant, hindi pa man sila nagtatagal sa mall ay may mga fans na namang lumapit sa kanila, karamihan ay mga babae, at bumati kay Jerico. Mayroong nagpa-picture at mayroon ding nagpa-autograph dito.

Nang makaalis na ang mga fans ay kaagad niyang kinantiyaw si Jerico.

"Ikaw na talaga, Jerico! Ikaw na ang sikat!" kinurot niya ang pisngi nito. "Ikaw na rin ang guwapo!"

"Wow, thank you kahit masakit kang mamuri."

"Ehem! Tara na guys, uwi na tayo."

"Uwi na agad? Slater naman, halos kakarating lang natin oh."

"Oo nga, bro. May lakad ka ba?"

"Wala naman, bro. Mukha lang kasing kahit saan tayo magpunta, hindi tayo makakagalaw nang maayos. Takaw-pansin ka kasi."

"Sabagay, may point si Slater. Ikaw naman kasi, bakit ba nag-model ka pa?"

"Kasalanan ko bang---"

Pinutol na ni Tin ang anumang sasabihin ni Jerico. "Ooops! Oo na, alam na namin yan. Hindi mo na kasalanang ipinanganak kang guwapo. Halina nga kayo." Hinila na niya ang dalawang kaibigan.

Dahil sa naudlot na paggala ay napagpasyahan nalang nilang tatlo na bumalik nalang sa bahay nina Slater at manood nalang ng pelikula.

"Teka, may sakit ba si Aga diyan? Bakit siya namatay?" tanong ni Tin. Nakasalang sa DVD player ang pelikula nina Aga Mulach at Kristine Hermosa, ang All My Life.

"Oo nga, bakit siya namatay?" tanong din ni Jerico.

"Hay! Ewan ko sa inyo. Hindi naman kasi kayo nanunuod eh, daldalan kayo ng daldalan."

Dahil sa sinabi ni Slater ay nagtinginan sina Tin at Jerico. Nagtatanong ang tingin ni Jerico na sinagot naman ng kibit-balikat ni Tin.

Hanggang sa matapos ang pelikula ay wala na ni isa man ang nagsalita.

Papanhik na si Tin sa hagdan para matulog nang makasabay niya si Fretzie.

"Ate Tin, did something happen? Bakit parang masungit si Kuya Jan-Jan? Ang ganda-ganda pa ng mood niya kaninang umalis ako ah."

"Ewan ko nga rin diyan sa Kuya mo. Bigla nalang siyang nanahimik. Kapag kinausap mo naman, parang kailangan pang piliting sumagot."

Maging kaninang naghahapunan sila ay kibuin-dili sila nito. Lalo na siya.

"OMG Ate, hindi kaya may dinaramdam si Kuya?"

"Naku Fretz, baka may masamang nakain lang yang kapatid mo. Kung anu-ano kasi ang nilalantakan kaninang nanonood kami ng movie eh."

"Pwede rin," sang-ayon nito. "Hala, kawawa naman si Kuya. Baka hindi natunawan."

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon