"What?! Hindi ka makakauwi ngayon? Bakit?"
Pinigil ni Slater ang matawa. Ang totoo ay ginu-good time lang niya si Tin at ang totoo ay balak niya lang sorpresahin ito ‘pag bigla na lang siyang nagpakita.
"Ewan ko ba sa boss ko, ayaw kaming pauwiin muna. Ililibre daw kami sa outing," pagdadahilan niya.
"Bahala ka na," gigil na gigil na sabi nito.
"Huwag kang magalit ah, wala akong kinalaman dito."
"Ewan ko sa'yo, Slater! Naiinis ako!"
Bago pa makasagot muli si Slater ay tinapos na ni Tin ang tawag. Pinatay na rin muna niya ang cellphone niya sa sobrang disappointment na nararamdaman. Nag-expect siyang makikita na ito mamaya pero ano ang ibinalita nito? Hindi daw ito makakauwi!
Ganoon na ba ito katakot sa boss nito para hindi makatanggi? Dumadagdag pa sa inis niya ang isiping nandoon din at kasama nito si Honey.
Argh!
Isinubsob niya ang mukha sa throw pillow na nasa sofa.
"Tinney, are you okay? What's wrong?"
Napalingon siya sa nagsalita. Nilapitan siya ni Cocoy. Mukhang nag-aalala ito.
"Don't mind me, okay lang ako." Muli siyang sumubsob sa throw pillow.
Pumalatak ito.
"I know you too well, hindi ka okay."
"Fine! Hindi ako okay! May magagawa ka ba?"
Nagkibit-balikat ito.
"Only if you will allow me."
"What do you mean?" kunot-noong tanong nito.
"Let's go somewhere and have fun!"
Gabi na nang makabalik ng bahay sina Tin at Cocoy. Nag-joyride lang sila gamit ang sasakyan niya. Ito ang nagmamaneho.
"Thanks, nag-enjoy ako." Nakangiting nilingon niya si Cocoy.
"Basta ikaw."
Pagpasok nila ng bahay ay nagulat na lang siya nang datnan si Slater na nakaupo sa sofa kasama si Zap.
Mukhang nabigla rin ito nang makita silang dalawa ni Cocoy.
Tinapunan niya ng tingin si Cocoy. Mukhang na-gets naman nito ang nais niyang iparating kaya iniwan na sila nito.
"O, akala ko ba---"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang tumayo ito at tinungo ang pintuan habang hawak-hawak ang aso.
"Slater, wait!" sinundan niya ito.
Bago pa nito mabuksan ang gate ay hinila na niya ang damit nito.
"Ano ba, kausapin mo nga ako! Ano bang problema mo?"
Humarap ito sa kanya.
"Gusto mong malaman kung ano ang problema ko?" kunot na kunot ang noo nito. "I was planning to surprise you sa pag-uwi ko pero ako pa pala ang masosorpresa. Bakit magkasama kayo ng Cocoy na yun?"
"Ano namang masama dun? Ikaw nga tatlong araw mong kasama ang Honey na yun eh." Inirapan niya ito.
"So gumaganti ka ganun?" Sarcastic na ngumiti ito. "For goodness’ sake Tin-Tin, trabaho ang dahilan kaya magkasama kami!"
"Wow, Slater! At ako? Anong gusto mong palabasin kung bakit magkasama kami ni Cocoy?"
Hindi ito umimik.
"My gulay, Slater! Para ipaalam ko sa'yo, excited ako kanina paggising ko kasi alam ko na uuwi ka na? Pero anong napala ko? Na-disappoint lang ako nung sabihin mong hindi ka pala makakauwi. Nagkataon lang na nandyan si Cocoy to cheer me up! Ano ba!"
"Eh kasi nga ginu-goodtime lang kita nung sabihin ko yun, gusto lang kita i-surprise! At saka bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng maglibang sa'yo, siya pa? Napapabayaan mo pa si Zap."
"Argh!" Natampal niya ang sariling noo. "At pati yang aso dinadamay mo? FYI, hindi ko siya napapabayaan! At saka kasalanan ko bang si Cocoy lang ang nandiyan kanina?" Kinuha niya ang aso mula dito. "Akin na yan! Huwag muna tayo mag-usap."
"Tin-Tin..."
Tinalikuran na niya ito.
"'Night, Slater!"
Pagpasok niya sa kwarto ay pabagsak na umupo siya sa kama saka binalingan ang hawak-hawak na aso.
"Bakit ganyan ang amo mo ha?" tanong niya dito. "Kung naiinis siya na magkasama kami ni Cocoy, bakit kailangan pa niyang idamay ikaw? Sasabihin pa niyang napapabayaan kita."
Parang nakakaintindi ang aso, nagyuko ito ng ulo.
"Oh Zap..."
Niyakap na lang niya iyon.
Paggising ni Tin kinabukasan ay bumungad sa kanya ang nagkalat na rose petals sa kwarto niya. Sa tabi niya ay may isang tangkay ng rose na may kasamang note.
Sorry na :( Peace na tayo okay?
Dali-dali siyang naghilamos at bumaba. Dinatnan niya si Ivan sa sala.
"Nagpunta ba dito si Slater?"
"Yes, Ate. Pero umuwi din kasi tulog ka pa daw," ngiting-ngiting sagot ng kapatid.
Iniwan na niya ito saka nagtungo kina Slater. Wala siyang nadatnan sa sala ng mga ito kaya dumiretso siya sa may pool side.
"Hi, Fretz! Ang kuya mo?"
Napalingon sa kanya ang nagpapa-araw na si Fritzie.
"Ayan oh," ngumuso ito.
Humarap siya sa likod niya at nakitang nandoon nga si Slater.
"Sorry!" sabay pa nilang sabi sa isa't isa.
"Ayieeeeee! Wait lang, hindi yata ako nababagay dito."
Nang makaalis si Fretzie ay nagkatinginan ulit sila saka sabay na natawa.
"Sorry wifey..."
Nagyakap sila.
"No, sorry hubby."
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)