Kasalukuyang nasa isang bookstore si Tin upang mamili ng materials na gagamitin niya para sa isang school project. Hanep talaga ang isang professor niya, kaka-resume pa lang ng klase ay may pinapagawa na naman agad ito. Pagkatapos ng klase ay doon siya dumiretso.
"Tin-Tin?"
Gulat na nag-angat siya ng tingin. "Slater? Ano ginagawa mo dito?"
"Tinawagan kasi ako ni Fretzie, nagpapabili ng photo paper. Kaya heto, pagkagaling ko sa trabaho, dumaan ako dito." Tumingin ito sa shopping basket na bitbit niya. "Okay na 'yan?"
"Ah, oo. Magbabayad na lang ako."
"Akin na." Inagaw nito ang basket mula sa kanya. "Ako na magbabayad."
Nagtangka siyang bawiin ang basket pero iniiwas nito iyon. "Ako na."
"I insist."
"O, ako na magbibitbit niyan," sabi ni Tin nang mabayaran na ni Slater ang mga pinamili.
"Tin-Tin ah, ako na. Huwag ka na makulit."
"Okay."
Nang naglalakad na sila palabas ng bookstore ay biglang kumalam ang sikmura ni Tin.
"Kain tayo?" nakangiting yaya ni Slater sa kanya.
"Huwag na, hindi naman ako nagugutom eh."
Natawa ito. "Naku, Tin-Tin. Tara na, dinig na dinig kong nagrereklamo na yang mga alaga mo no." Hinila siya nito sa kamay.
"Adik!" sabi na lang niya dito para pagtakpan ang pagkapahiya.
Pumasok na sila sa isang fast food chain para kumain.
Matapos kumain ay nagkayayaan na silang umuwi dahil papagabi na.
"Sabay ka na sa 'kin?" alok ni Tin kay Slater. Alam kasi nyang coding nito nang araw na yun at nabanggit nito kanina na nag-commute lang ito.
"Sige," ngiting-ngiting sabi nito.
Nang marating nila ang kinapaparadahan ng kotseng binili para sa kanya ng daddy niya ay inihagis niya dito ang susi. "O, ikaw na lang ang mag-drive."
Nang nasa may intersection na sila ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil doon ay bumagal ang usad ng mga sasakyan.
"Oh my gulay, ang malas naman," nasambit tuloy ni Tin.
Nakalipas na ang 15 minutes pero nasa intersection pa rin sila.
Ini-on ni Tin ang stereo.
Lagi kong naaalala Ang kanyang tindig at porma At kapag siya ay nakita Kinikilig akong talaga Di naman siya sobrang guwapo Ngunit siya ang type na type ko Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko…
"Uy Tin-Tin, favorite mo!"
Nahawa siya sa sigla ng boses nito. "Oo nga," nakangiting sang-ayon niya saka sinabayan ang kanta. Nagulat na napahinto siya nang biglang sabayan ni Slater ang chorus.
"Mr. Kupidooo... Ako nama'y tulungan mooo!!! Bakit 'di panain ang kanyang damdamin... At nang ako ay mapansiiin!!! Mr. Kupidooo... Sa kanya'y dead na dead akooo!!! Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooooo!!!"
Natawa siya nang malakas nang pumiyok si Slater. Pilit na inaabot kasi nito ang kanta pero hindi talaga kaya.
Huminto ito. "Ang sama-sama mo, pinagtatawanan mo ako," hinaluan pa talaga nito ng pagtatampo ang tono ng boses nito.
Nauwi na sa paghalakhak ang tawa niya at halos maluha na.
Mayamaya ay napansin niyang seryosong tumitig ito sa kanya. Sa paraan ng pagtitig nito ay parang napakarami nitong gustong sabihin.
Uh-oh! Huwag mo 'kong titigan nang ganyan, parang awa mo na!
Natigilan siya. Nagsimula na naman kasing tumahip nang malakas ang dibdib niya.
"W-why?"
Matagal bago ito umiling saka ngumiti. "Wala. I'm just happy na narinig ulit kitang tumawa nang ganyan. And I'm so glad to know that I was the reason behind that laughter."
Natameme siya.

BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
Fiksi PenggemarWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)