"Slater."
Huminto sa pagkanta si Slater saka matamis na ngumiti kay Tin.
"Tin-Tin." Tinawid nito ang distansiyang nakapagitan sa kanilang dalawa saka iniabot sa kanya ang hawak-hawak nitong isang piraso na namang pulang rosas. "I'm glad you came."
Tuluyan nang pumatak ang luha niya saka tinanggap ang bulaklak. So, ito pala talaga ang naglagay ng bulaklak sa kotse at desk niya. Walang imik na nakatingin lang siya sa binata.
Kumunot ang gwapong mukha nito. "What's wrong?" pinahid nito ang luha niya gamit ang daliri nito. "Bakit ka umiiyak?"
Umiling siya, naiiyak pa rin. "Hindi ko lang in-expect 'to. So, ikaw ang pala ang naglagay ng rose sa kotse at desk ko."
"Oo. Bakit, iba ba ang in-expect mong gumawa nun?" tanong nitong medyo napasimangot.
"Hindi naman. Nabigla lang siguro ako." Napansin niya ang mga pasa nito sa mukha --- isa sa gilid ng labi at isa sa may pisngi.
"Napano 'yan?" kunot-noong tanong niya. "Napaaway ka ba?"
"Wala 'to. Huwag mo na lang pansinin."
Inalalayan siya nitong umupo na.
"Para sa'yo pala." Iniabot naman nito ang bouquet sa kanya.
Walang imik na tinanggap niya iyon saka inilapag sa gilid ng mesa.
"Tara, kain na tayo." Inilapit nito sa kanya ang platong may pagkain saka nagsalin ng wine sa mga baso.
Nakamasid lang siya dito. Nang mapansin nito iyon ay mukhang na-tensed ito.
"Uhm... Bakit?"
"Bakit mo ginagawa 'to, Slater?" sa halip ay tanong niya.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to." She sighed. "Naguguluhan ako sa'yo."
Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Tin-Tin, may kailangan kang malaman." Kinuha nito ang kamay niya saka hinalikan iyon. "I love you."
Biglang binawi niya ang kamay dito saka tumayo. "Anong sabi mo? Mahal mo 'ko?" Patuyang natawa siya. "Pinaglalaruan mo ba 'ko?"
Akmang tatalikuran na niya ito nang hawakan ulit nito ang kamay niya. "Tin-Tin please, huwag ka muna umalis. Let's talk."
Muli siyang umupo saka humalukipkip. "Ano pa bang pag-uusapan natin?"
"Totoo ang sinabi ko, mahal kita."
"Pwede ba Slater, umayos ka nga." Mababakas na ang inis sa boses niya. "Kelan lang, sinabi ko rin sa'yo yan. Pero ano'ng sinagot mo? Mahal mo 'ko bilang kapatid lang 'di ba? Pinagtawanan mo pa 'ko dahil nilagyan ko ng ibang kulay ang mga pinakita mo sa 'kin 'di ba?"
Muli na naman niyang naramdaman ang sakit nang maalala ang gabing pilit na niyang kinalimutan.
Tuluyan na siyang napahagulgol.
Dali-dali naman itong lumipat sa tabi niya. Paluhod na naupo ito habang hinahagod ang likod niya.
"Tin-Tin..." punong-puno ng pag-aalala ang tinig nito.
"Ang sakit-sakit ng ginawa mo, alam mo ba? Hindi mo lang alam kung gaano mo ako nasaktan at na-insulto. Pakiramdam ko ang cheap-cheap ko."
Yumuko ito. "I'm so sorry. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinagsisisihan lahat ng nasabi ko nung gabing iyon. Maniwala ka Tin-Tin, mahal na mahal na mahal kita. Mahal na kita dati pa nang higit pa sa isang kaibigan o kapatid."
"Kung talagang mahal mo 'ko, hindi mo ko sasaktan. Pero ano'ng ginawa mo? Gusto mo isa-isahin ko lahat ng pinagsasabi mo sa 'kin nun?"
"Look Tin-Tin, I never wanted to say whatever I've said that night but I don't have a choice."
Naguguluhang tumingin siya dito. "What do you mean?"
Nag-angat ito ng ulo. Titig na titig sa kanya. "Nung araw na yun, I was so excited to go home knowing I would be able to see you. Okay na lahat eh, planadong-planado ko na kung paano ko gagawin ang pagtatapat ko sa'yo."
Nakita niyang umiiyak na rin ito. It breaks her heart even more.
"I was about to tell you how I really feel that night but..."
"But?"
Huminga ito nang malalim. "Jerico... Jerico came to me and asked me if I like you. Kasi daw siya, in love daw siya sa'yo."
"Oh!"
He smiled bitterly. "What can I do? Jerico is a dear friend. He's been a very good friend since day one... I can't do anything but to give way."
Lalo siyang napahagulgol sa mga sinabi nito.
"Ayokong makasakit ng tao, lalo pa't ng isang kaibigan."
Wala pa rin siyang masabi dito.
"Nung magtapat ka sa'kin, gustong-gusto kong sabihin na mahal na mahal din kita. Pero hindi ko ginawa dahil nga kay Jerico." Muli nitong hinalikan ang kamay niya. "Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka nga nadala ka lang sa mga pinapakita ko sa'yo kaya naisip mo na in love ka sa 'kin. You're still young..."
"Hindi na ako bata, Slater! Alam ko na kung alin ang totoo at hindi sa nararamdaman ko," asik niya dito.
"I'm sorry. Akala ko noon kakayanin kong panindigan ang mga sinabi ko at mapaniwala kita na kapatid lang talaga ang tingin ko sa'yo. Hindi pala magiging madali lalo pa't nakikita kong masaya ka kay Jerico, kinakain ako ng selos." Muling nagyuko ito nang ulo.
Ang tagal na nakapatong lang sa tuhod niya ang nakayukong ulo nito habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. "I'm so sorry... Please, give me a chance... I love you so much..."
Ramdam niya ang sincerity at paghihirap ng loob nito.
"Paano si Jessica?" naalala niyang itanong.
Noon ito muling nag-angat ng ulo.
"Hindi ko talaga siya girlfriend." He cupped her face with his hands. "Nasabi ko lang na girlfriend ko siya para patunayan na wala talaga akong nararamdaman para sa'yo."
"How come pumayag siya? Don't you think na may gusto siya sa'yo?"
Umiling ito. "Wala. Idea niya talaga na tulungan niya akong makalimot. Nag-usap na kami at inamin niya sa 'kin na kaya pilit niya akong kinumbinsi noon na pumayag ay dahil siya pala mismo ang may gustong kalimutan. She told me she's in love with one of our old friend Carlo, but the guy is also in love with someone else. Believe me, nagkasundo na kami ni Jessica. Sinabi ko na sa kanya na kahit anong pilit ko, ikaw pa rin talaga ang laman nito." Itinuro nito ang dibdib.
Hindi na niya nakayanan ang emosyon niya at tuluyan nang bumigay. Iniangat niya ang ulo nito gamit ang dalawang kamay niya saka inilapit ang mukha dito.
"I love you, Slater..." siya na mismo ang kusang humalik dito na tinugon nito ng buong puso.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanficWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)