Patuloy pa rin sa pagre-review si Tin nang marinig niyang tumunog ang door bell nila. Dali-dali siyang tumayo upang alamin kung sino ang nasa labas.
"Slater?" sambit niya pagkabukas ng pinto.
Ngumiti ito. "Hi, Tin-Tin! Pwede pumasok?"
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nang tuluyan itong makapasok ay noon niya napansin ang dala-dala nitong katamtaman na laking box. Tuluy-tuloy ito sa dining room.
"Ano 'yan?" tanong niyang nakasunod dito.
"Hmm..." inilapag nito iyon sa dining table saka kumuha ng dalawang platito, tinidor at kutsilyo sa kusina nila. "Siyempre ang favorite mo."
"Banana cake?" na-excite na tanong ulit niya.
Binuksan nito ang box saka nag-slice ng ilang piraso.
"Yup. Tikman mo," iniabot nito sa kanya ang isang slice.
Tinikman niya. Medyo iba ang lasa nun kaysa sa banana cake na lagi niyang binibili sa favorite bakeshop niya.
"What do you think?"
"Okay lang."
Napangiwi ito. "Okay lang, as in tamang pwede lang?"
Natawa siya sa ekspresyon ng mukha nito. "Okay lang, as in masarap. Mas masarap 'to dun sa lagi nating binibili." Sumubo ulit siya nang malaki.
Ngiting-ngiti ito. "Really?"
"Yup. Saan mo ba nabili 'to?" Tuloy lang siya sa pagkain.
"Actually hindi ko binili 'yan."
"Ah okay. Sino nagbigay?"
"Hindi rin binigay sa 'kin 'yan."
"Don't tell me..."
"Yup. Ako ang nag-bake nyan," proud na proud na sabi nito. "Remember dati, nag-promise ako sa'yo na pag-a-aralan ko ang pagbe-bake nyan?"
Naalala nga niya ang promise nito. Pero hindi naman niya akalain na seseryosohin nito yun.
Napangiti siya. "Aww, thanks!"
"Masarap ba talaga? Baka naman sinabi mo lang yun."
Hinampas niya ito sa braso. "Ano ka ba, masarap talaga! Actually pwedeng-pwede ka nang magtayo ng sarili mong bakeshop."
Tumawa ito. "Makabola ka naman, wagas!"
Inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo Slater, ang kulit mo! Ano ba nilagay mo dito? Masarap talaga siya."
"Wala, pagmamahal lang."
"Ano?" tanong niya. Hindi kasi niya naintindihan ang sinabi nito.
Mukhang nabigla naman ito. "Ah... Wala. Ang sabi ko, kain lang nang kain."
Matapos pagsaluhan ang dalang cake ni Slater ay hindi muna ito umalis. Nagkwentuhan lang sila ng tungkol sa kung anu-ano. Masarap talagang kausap ito, may humor at sense ang mga sinasabi.
Dahil napasarap ang kwentuhan nila ay hindi na nila namalayan ang oras. Naputol lang iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Tiningnan niya iyon at nalamang si Jerico ang tumatawag.
"Hello, Jerico?" tumingin siya kay Slater na seryosong nakamasid lang sa kanya.
"Princess, nasaan ka na? The show will start in 15 minutes."
Patay! Nakalimutan ko.
"Papunta na 'ko. Medyo traffic lang," pagsisinungaling niya.
"Okay." Tinapos na nito ang tawag.
"Slater, sorry nakalimutan ko aalis pala ako ngayon."
"Saan ka pupunta? Gabi na ah."
"May show kasi sina Jerico ngayon. Nakapangako ako na manonood ako. Bihis na ako ha, salamat sa cake."
Dali-dali na siyang umakyat sa kwarto niya at mabilisang naghanda. Nang bumaba ulit siya ay wala na si Slater.
"Oh my gulay bakit ba nawala sa isip ko?"
Lumabas na siya ng bahay at ini-lock ang pinto. Wala pa kasi ang mga magulang at maging ang kapatid niya.
Bubuksan na lang niya ang gate nang may biglang bumusina.
"Slater?" nilapitan niya ito.
"Hop in. Ihahatid na kita."
"Naku, huwag na. Dadalhin ko na lang ang kotse ko."
Bumaba ito ng sasakyan. Napansin niyang nakabihis na rin ito. "Huwag ka nang makulit. Tingnan mo nga, gabi na oh. Delikado para sa'yo ang bumiyahe mag-isa ng ganitong oras."
Marahang itinulak siya nito papasok ng kotse nito. "Sakay na."
"Pero---"
"'Wag ka nang makulit, Tin-Tin." Ito na rin ang naglagay ng seat belt sa kanya kaya wala na siyang nagawa.
Matapos isara ang gate nila ay sumakay na rin ito. "Where to?"
Pagdating nina Slater at Tin sa venue ay nagsisimula na ang fashion show. Marami na ring tao at hindi maiiwasan ang makisiksik sila sa mga yun.
"Excuse us," niyakap niya si Tin na nasa harapan niya upang protektahan ito sa mga pumapalakpak at naghihiyawan na mga manonood na nadaraanan nila. Saka lang sila huminto nang makahanap ng maganda-gandang pwesto.
"OMG! Ang hot ni Jerico!"
"Jerico akin ka na lang!"
"I love you, Jerico!"
Tilian ang mga kababaihan nang si Jerico na ang rumarampa. Hindi niya maiwasan ang hindi sulyapan si Tin.
Nakita niyang nakangiti ito habang titig na titig kay Jerico. Mukhang proud na proud ito sa boyfriend nito.
And what do you expect Slater? Sa kanya na mismo nanggaling na mahal niya ‘yan, natural lang na maging proud siya!
Sa naisip ay nakaramdam na naman siya ng lungkot at panghihinayang.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)