CHAPTER 45

801 7 2
                                    

Habang naglalakad sa aisle si Tin ay hindi niya mapigilan ang hindi maging emosyonal. Sino ba naman ang mag-aakala na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila ni Slater ay sa kasal pa rin sila mauuwi.

Hindi na niya pansin ang lahat ng mga matang nakatingin sa kanya. Basta ang tanging nakikita niya ay ang naluluhang mukha rin ni Slater na naghihintay sa kanya sa harap ng altar.

Nang sa wakas ay tuluyang makalapit dito ay nakita niyang tuluyan nang bumagsak ang tila kanina pa pinipigil na luha ni Slater.

Nang kunin nito ang kamay niya mula sa daddy niya ay narinig pa niyang nagsalita ang ama.

“Magmahalan kayong dalawa ha, hindi sa lahat ng oras ay lagi lang kayong magiging masaya. Pero ang importante, kahit ano man ang problemang kakaharapin ninyo, nandiyan lang kayo lagi para sa isa’t isa at hindi pinapalipas ang isang araw na hindi ninyo iyon napag-uusapan.”

Lalo siyang naiyak nang marinig ang nanginginig na pagsasalita ng ama. Nakita rin niyang maluha-luha na rin ang ina, maging ang mga magulang ni Slater.

Nakangiting tinanguan niya ang ama.

“Yes Tito.”

“Call me Daddy.”

“Slater and Tin, having witnessed your vows for marriage before God and all who are assembled here, by the authority invested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!”

Nakangiting itinaas ni Slater ang belong suot ni Tin.

“I love you, Wifey…”

“I love you…”

Nang maglapat ang mga labi nila ay nagkislapan ang mga camera na sinabayan ng masigabong palakpakan.

Nagsimula na ring kumanta ang napili nilang wedding singer na si Fretzie.

I just had a dream that you were far away And that someone else was in your arms today Though I know its just a dream Still my fear is so extreme Coz I know that dreams could sometimes be so true And I’ll be blue

Then I told myself That I will stay the same Even if you hurt me, I will take the blame You are all I’m living for I would love you even more I would keep the pain inside my door… 

“Congratulations!”

“Thanks Jerico,” sabay na sabi nina Tin at Slater.

Nagtawanan silang tatlo.

“Nasaan na si Yannie?” tanong ni Tin.

“Papunta na yun,” nakangiting sagot nito. “Oh, heto na pala siya eh.”

Dumako sa babae ang tingin nila.

“Hi! Congratulations to the both of you!”

“Salamat. Thank you also for coming. By the way, I’m Slater.”

Nagkamay si Yannie at ang asawa niya.

“I’m Tin.” Bineso niya ang babae. “I’ve been hearing so much about you.”

Namula ito.

“I didn’t know na binebenta mo na pala ako sa mga kaibigan mo?” biro ni to kay Jerico.

Napakamot sa ulo si Jerico. “Sorry Yan, ang kulit kasi ni Tin eh, ang daming tanong tungkol sa’yo.”

“Syempre! Hindi magtatagal, kayo naman ang---“

“Naku, we’re just friends!” Mabilis na sansala ni Yannie sa sinasabi nya. “Really.”

Nang lingunin niya si Jerico ay nakangiti lang ito.

Matapos makausap ang dalawa ay ang iba namang mga bisita ang inasikaso nila.

“Hoy Sisterette,  may itatanong ako.”

“Ano yun?” Baling ni Tin sa kinakapatid na si Candy.

“Yung gwapong chararat na nakaupo dun,” inginuso nito ang isang mesa, “ano’ng namesung?”

Natawa siya. Baklang-bakla talaga ito.

“Bakit?”

“Basta lang,” nagkibit-balikat ito. “Sagutin mo na lang ako utang na loob!”

“Si Cocoy yun.”

Mayamaya ay nilapitan siya ni Slater.

“Halika wifey, ipapakilala lang kita sa mga pinsan ko from Cebu.”

Nag-excuse sila kina Candy saka tinungo ang kinaroroonan ng mga pinsan nito.

“This is Nathalie, Marjie, of course si Diane kilala mo na… Hmm… Jessie and her wife, Fritzie.”

Isa-isang binati siya ng mga ito.

“Welcome to the family Mrs. Young,” nakangiting sabi ni Fritzie sa kanya.

“Thank you Mrs. Young.”

Matapos ang kasal ay lumipad sina Slater at Tin papuntang Boracay kung saan sila nag-honeymoon. Regalo iyon sa kanila ni Jerico.

“Teka lang,” napahinto sa paglakad si Tin.

“Bakit?” nagtatakang tanong sa kanya ni Slater.

“’Di ba si Honey yun?”

“Talaga?”

Nang makita sila ng babae ay mukhang nag-alangan pa ito. Pero sa huli ay lumapit din ito sa kanila.

“Hi,” kiming ngumiti ito. “Balita ko nagpakasal na kayo. Congratulations.”

“Salamat,” tipid na sagot ni Slater.

Nang yayain na siya ng asawang umalis na ay muling nagsalita si Honey.

“Wait!”

“Bakit?” tanong niya.

“I just wanna say I’m sorry.”

Bago pa makapagsalita si Slater ay inunahan na niya ito.

“It’s okay, kalimutan na natin yun.”

“Sige na, we’ll go ahead. Tara na, wifey.” Inakbayan na siya ng asawa.

Nang talikuran na nila ito ay muling tinawag nito ang pangalan ni Slater.

“Really, I’m sorry.” Lumapit ito sa kanila saka hinawakan ang kamay niya. “Tin, I just wanna tell you na whatever you saw before, pakana ko lang yun lahat. I really like Slater that’s why I intended to ruin your relationship. Akala ko, maaakit ko siya pero napahiya lang ako. He just proved me wrong. Napatunayan niya sa’kin na mahal na mahal ka niya. Ang swerte mo kasi nagkaroon ka ng napaka-faithful and napaka-loving na asawa. I’m sorry talaga sa nagawa ko.”

Ngumiti siya saka hinawakan din ang kamay nito.

“Okay na, huwag ka nang ma-guilty.”

“We’re just the same. I’m as lucky as she is to have her,” sabad naman ni Slater.

Niyakap siya ni Honey.

“So, congratulations ulit? I wish you all the happiness na lang.”

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon