"Talaga?"
"Oo nga, ang kulit mo Jerico!" natatawang sabi ni Tin kay Jerico.
Kausap niya ito via Skype. Kinamusta nito ang relasyon nila ni Slater kaya kahit nag-aalangan ay sinabi na niya dito na balak na nilang magpakasal. Hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon nito. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niyang makitang mukhang natutuwa ito sa nalaman.
"Really princess, masaya ako para sa inyo ni Slater." Ngumiti ito.
"Thanks. Huwag kang mawawala ha, ayaw ko ng proxy sa best man namin."
Tumawa ito.
"Oo naman, basta sabihin nyo lang kung kailan at uuwi agad ako."
Bigla ay may nakita siyang lumapit na babae dito, hindi kita ang mukha nito sa webcam. Sandaling nag-usap ang dalawa.
Nang muling bumaling si Jerico sa kanya ay ngiting-ngiti ito.
"Sino yun?" tanong niyang may bahid ng panunukso ang tinig.
"Hmm..." mukhang nagdalawang-isip muna ito kung sasagot o hindi. "Stylist ko."
"Filipino rin?"
"Yup.”
"Saan mo siya nakilala?"
Sa nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ng kaibigan matapos kausapin ito ng babae ay mukhang may something na sa dalawa kaya na-curious siya.
"Ni-recommend siya ng landlady namin dito. Magaling siya actually, tsaka mabait."
"Ahh..." Tumango-tango siya. "Anong pangalan niya?"
"Ya---" Natigilan ito. "Teka nga, bakit ang dami mong tanong?"
"Wala lang. Masama ba?" Natawa siya. "Eh sa interesado ako sa kanya eh."
Napukaw talaga ng babae ang interes niya.
"Princess ah, walang ganyanan." Naging mailap ang mata nito. "It's not what you think."
Humalakhak siya.
"Hala, anong it's not what you think ka dyan? Nagtatanong lang eh."
Napakamot ito sa ulo.
Pumalatak siya.
"Defensive ka ah." Ngiting-ngiting tukso niya dito. "So, ano ngang pangalan?"
"Yannie."
Hmm...
-----------------------------------------------------------------------------
Pasado alas-otso na ng gabi nang matapos ang practice nina Tin para sa graduation nila. Sinundo siya ni Slater at nag-dinner muna sila bago tuluyang umuwi. Nang makarating sa kanila ay hindi na ito pumasok dahil na rin sa masyado nang gabi. Pagpasok niya sa kanila ay nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa isa na nagbibigay ng kaunting liwanag sa pasilyo. Malamang ay tulog na ang mga kasama niya sa bahay.
Paakyat na siya sa kwarto niya nang biglang mula sa kung saan ay may humila sa kanyang isang lalaki. Gulat na gulat siya pero hindi siya makasigaw dahil tinakpan nito ng kamay nito ang bibig niya. Nagsimula na siyang makaramdam ng panic.
Oh God, please help me!
Sino ang lalaki? Anong gagawin nito sa kanya? Takot na takot siya pero wala siyang magawa.
Kinaladkad siya nito patungo sa likod-bahay.
Dala na rin ng matinding pagkagulat at takot ay parang nawalan na siya ng lakas para sumigaw nang sa wakas ay alisin ng lalaki ang kamay nito sa bibig niya.
"C-Cocoy?!" bulalas niya nang makilala ang lalaki.
Matamang nakatitig lang ito sa kanya at hindi nagsalita.
Hindi niya napigil ang sarili, nahampas niya ito.
"Bwisit ka! Papatayin mo ba ako sa takot?!"
Nakabalik na pala ito? Ilang linggo ring nawala ito at ang mama nito dahil dumalaw ang mga ito sa mga kamag-anak sa probinsya.
"I heard you're getting married." Seryosong-seryoso lang ang mukha nito.
"Eh ano ngayon?" masungit na angil niya dito.
"You can't marry him!"
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito.
"Anong sabi mo?"
"I said you can't marry him!"
"And who the hell are you to tell me that?" Nag-init na ng tuluyan ang ulo niya. "Magpapakasal ako sa kanya sa ayaw at sa gusto mo!"
Tatalikuran na sana niya ito nang harangan siya nito.
"Please Tinney, don't do this to me," malungkot na sabi nito. "I love you at alam ko mahal mo pa rin ako."
Natawa siya.
"Ano? Sino nagsabi sa'yo?" Muli siyang natawa. "Ang tagal na nun Cocoy! Marami nang nagbago."
"Pero ako first love mo 'di ba? And first love could never be forgotten."
"Could never be forgotten unless it also happened to be the one who gave you your first heartache." Naiyak siya nang maalala kung gaano siya nasaktan nang malaman niyang pinagpustahan lang pala siya ng mga ito. "Nagpaliwanag ka na sa'kin noon Cocoy, at tinanggap ko na ang paliwanag mo. Pero tulad ng sabi ko, wala nang mababago sa nararamdaman ko. Si Slater na ang mahal ko."
"Tinney..."
Nagtangka itong hawakan siya pero umiwas siya.
"Please Cocoy, kung totoong mahal mo 'ko, rerespetuhin mo kung anuman ang desisyon ko. Masaya na ako sa buhay ko. Sana ikaw din." Pinunasan niya ang mga luha niya.
Nilagpasan na niya ito nang marinig niyang bumuntong-hininga ito.
"Kung sasabihin kong hahayaan na kita sa kanya, could you at least promise me na hindi mo na ako iiwasan?"
Natigilan siya at napaisip. Mayamaya ay nilingon niya ito.
"Maipapangako mo rin bang hindi ka na magbabanggit ng kahit na ano mang nangyari dati kung sasabihin kong oo?"
Hindi habang-buhay ay maiiwasan niya ito lalo pa't magkaibigan ang mga ito at ang pamilya nila kaya mas mabuti pang ayusin na nila kung anuman ang gusot na meron sa pagitan nila.
"Oo. I know it's gonna be hard, but I'll try."
After so many years, ngayon lang niya nagawang ngumiti dito. Ngiting totoo.
"Goodnight, Cocoy."
Muli na niyang tinalikuran ito at naglakad na papasok ng bahay.
"Thank you, Tinney."
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
Fiksi PenggemarWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)