Tulad ng dati ay dinaanan ni Slater si Tin para ihatid sa eskwelahan nito. Ang ipinagkaiba lang ngayon ay mas maaga siya.
"O, Kuya, bakit ang aga mo?" puna ni Ivan nang masalubong niya ito sa gate.
"Nasaan ang ate mo?" sa halip ay tanong niya.
"Ang alam ko naliligo pa."
"Ahh okay. Teka, bakit ang aga mo rin atang lumabas ngayon?"
Napakamot ito sa ulo. "Wala lang."
"Ahh okay."
Tutuloy na sana siya nang tawagin siya ni Ivan.
"Bakit?"
"Si Fretzie, gising na?"
Tulad ng bilin ni Slater kay Tin ay hinintay niya ito sa waiting shed malapit sa parking lot nang matapos ang last subject niya. Hindi pa siya nagtatagal doon ay nakita na niyang dumating ito.
"Shall we?" yaya nito matapos siyang halikan sa pisngi.
"Sige."
Pagbukas nito ng pinto ng sasakyan ay nagulat siya nang makitang nakaupo sa likod yung sexy at magandang babae na nakita niya dati sa opisina ng nobyo.
"Hi," tanging nasabi niya sa babae.
Nag-hi din ito sa kanya.
"Ahm... Tin-Tin, si Honey. Honey si Tin-Tin, girlfriend ko. Nagkita na kayo before, right?"
Honey?
Nagkamay sila ng babae.
Habang nagbibiyahe sila ay nalaman niyang nasiraan pala ito ng sasakyan kaya pinakiusapan nito si Slater na sumabay ito sa kanila.
Nang sa wakas ay makarating na sila sa tapat ng tinitirahan ng babae ay saka lang siya parang nakahinga nang maluwang.
"Thanks, Slatey."
Ang sakit sa tenga, narinig na naman niya ang Slatey nito.
Bumeso ito sa boyfriend niya saka ngumiti nang matamis. Pagkatapos ay sa kanya naman.
"Sige Tin-Tin, una na 'ko."
"Sige."
"Bye Honey!" kumaway ang boyfriend niya dito.
Letse! Ang dami-daming pangalan, bakit Honey pa?
Hindi niya maiwasan ang hindi pagmasdan ang babae habang naglalakad ito papasok ng bahay. Pati paglakad nito, ang sosyal tingnan.
Edi ikaw na, ikaw na lahat!
Nangako tuloy siya sa sarili na seseryosohin na niya ang pagda-diet niya.
Araw ng Sabado, madilim-dilim pa nang gumising si Tin para mag-jogging. Nakalabas na siya ng gate nang biglang may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Cocoy na nasa likod niya, mukhang magjo-jogging din ito.
"Pwede pasabay?" nakangiting tanong nito.
Walang kibong nagsimula na siya sa pag-jogging.
"Tinney wait!"
Tumuloy siya sa park at doon nagpaikot-ikot.
Kahit hindi niya pinapansin si Cocoy ay patuloy lang ito sa pag-agapay sa kanya.
Nang mapagod ay naupo muna siya sa damuhan. Tumabi ang lalaki sa kanya.
"Tinney..." basag nito sa katahimikan.
Parang wala siyang narinig, hindi niya ito nilingon.
"Tinney," ulit nito.
Nang hindi pa rin niya ito pinansin ay hinawakan siya nito sa kamay.
Napapitlag siya.
"Bakit ba?" iritadong tanong niya dito.
"Tell me, galit ka pa rin ba sa'kin?"
Nang hindi na naman siya sumagot ay nagpatuloy ito.
"Ang lapit-lapit mo kasi pero 'di naman kita maabot. I mean yeah, we're living under the same roof, but here you are, you act as if I don't exist."
Wala pa rin itong narinig mula sa kanya.
Narinig niyang napahugot ito ng malalim na hininga.
"So tama ako, you're still mad at me."
Nang akmang tatayo na siya para iwan ito ay kaagad siya nitong hinawakan sa braso.
"Tinney please, once and for all, let's talk. Ayusin na natin 'to, for old times' sake."
Tuluyan na siyang narindi dito.
"For old times' sake?” ulit niya sa huling sinabi nito. “May nalalaman ka pang ganyan pagkatapos ng panlolokong ginawa mo sa'kin?"
Nang hindi ito kumibo ay nagpatuloy siya.
"You made me believe that you love me. And when I decided to love you back, anong natuklasan ko? Na niligawan mo lang ako dahil sa letseng pustahan ninyo ng mga kaibigan mo!” sumbat niya dito.
Hindi pa rin ito kumibo.
“Kita mo na? Ni hindi ka makasagot kasi alam mo sa sarili mo na totoo ang sinasabi ko.”
Akmang tatalikuran na niya ito nang sa wakes ay magsalita ito kaya natigilan siya.
“Yeah, it maybe started that way pero hindi ko pinagsisisihan yun kasi kung walang nangyaring ganun, hindi ako magkakaroon ng guts na makalapit sa’yo. At lalong hindi ako magkakaroon ng chance na mahalin ng isang tulad mo. Believe me Tinney, we only did that coz my friends wanted to give me courage to pursue you. Kasi naman ikaw, you’ve always been throwing me that ‘hey you, back off’ look.”
Marahas na nilingon iya ito.
“Ahh! So kasalanan ko pa pala? Sorry ha!” matapos ngitian ay inirapan niya ito.
Aaminin niya, naging masungit nga siya dito noon, maging sa lahat ng lalaking nagpakita ng interes sa kanya, kasi naman ay hindi pa siya handa noon na pumasok sa isang relasyon. Pero dahil nga naging persistent ito ay nagiba nito ang lahat ng depensa niya.
“Hindi!” todo-todo ang pag-iling na ginawa nito. “What I’m trying to say is kahit pinagpustahan ka namin, totoo naman lahat ng pinakita ko sa’yo. I really loved you Tinney, perhaps, love you still.”
Hindi niya in-expect na ganun ang isasagot nito. Totoo daw na minahal siya nito?
I really loved you Tinney, perhaps, love you still.
Nagkibit-balikat na lang siya.
“Fine! But it doesn’t change anything, I’m already in love with someone else.”
Akala niya ay titigil na ito pero nagkamali siya.
“I don’t care, As long as you’re not yet married, I still have the chance to win you back.”
Argh!
Padabog na tuluyan na niyang tinalikuran ito.
Hindi ba’t kaya siya nagpasya noon na sa Pilipinas na lang ituloy ang pag-aaral ay dahil gusto na niyang makalimutan ito? Kahit isinikreto nila sa lahat, sa pamilya at maging kina Jerico at Slater, ang tungkol sa kanilang dalawa ay totoong minahal niya ito kaya labis siyang nasaktan sa ginawa nito. At totoong nagtagumpay nga siyang kalimutan ito dahil naging masaya siya sa company ng dalawang kaibigan niya.
I hate you Cocoy! Bakit kailangan mo pang bumalik?
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)