Huminto sa paghalik si Slater kay Tin at inilayo ang mukha sa kanya.
Nakangiti na ang mga matang pinunasan nito ang luha niya.
"Totoo, mahal mo talaga ako?"
Nakangiting tumango siya habang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha niya. Hindi talaga niya mapigilan, ang saya-saya niya.
Ito man ay naluluha pa rin. "I love you, Tin-Tin..." Ito naman ang humalik sa kanya.
Matagal bago natapos ang halik. Siya na mismo ang kusang lumayo dito. Habang ito naman ay pilit pa ring hinahabol ang mga labi niya.
"O, tama na yan..." natatawang tinampal niya nang marahan ang pisngi nito. Hindi sinasadyang natamaan niya ang pasa nito.
"Ouch Tin-Tin..."
Nag-aalalang hinaplos niya iyon. "Naku, sorry..."
"Masakit talaga."
Sandaling nag-isip siya.
"Sorry... Sorry... Sorry..." paulit-ulit na sabi niya habang paulit-ulit na kini-kiss ang pisngi nito.
Itinuro nito ang pasa sa gilid ng labi.
Nagdududang tiningnan niya si Slater. Nagpapaawa ang mata nito kaya pinagbigyan na din niya.
Hinalikan niya ang itinuro nito. Bago pa siya makalayo ay iginalaw nito ang ulo saka hinawakan ang likod ng ulo niya. Hinahalikan na naman siya nito.
Pabirong sinabunutan niya ang buhok nito para mailayo ang ulo nito.
"Abusado ka ah," natatawang sabi niya.
Napakamot ito sa ulo. "Last na lang."
"Tse! Upo ka na dun," inginuso niya ang upuan sa tapat niya. "kain muna tayo."
"Takaw!" nakasimangot na bumalik ito sa upuan nito.
Tiningnan niya ito nang masama.
Pinisil nito ang ilong niya. "Joke lang... Sige, kain na."
"Tin-Tin..."
Mumunting halik sa mukha ang nakapagpagising kay Tin. Nang magmulat siya ay ang nakangiting mukha ni Slater ang nakita niya.
"Nandito na tayo."
Nang tumingin siya sa paligid ay nasa tapat na sila ng bahay nila. Umayos siya ng upo.
"Ang daya-daya mo, tinulugan mo 'ko," kunwari'y nagtatampong sabi ni Slater bagamat nakangiti.
"Sorry naman..." inabot niya ang mga gamit sa likod. "Salamat dito ah," tukoy niya sa mga bulaklak.
"Huwag kang magpasalamat, may bayad yan."
Nanunukso ang ngiti nito sa kanya.
"Ay ganun? Hmm..." binuksan niya ang bag saka kumuha ng pera. "Eto oh, may sukli pa 'ko dyan," biro niya dito.
"Halika nga dito," kinabig siya nito. "Ikaw ha, kanina mo pa 'ko ginu-good time. Pasalamat ka mahal kita," sabi nito habang yakap-yakap siya nang mahigpit.
Pilit na kumalas siya dito. "Hep hep... Tama na 'yan, baka mamaya lumabas sina mama, akalain pa nila..."
"Ano?"
Ngumiti siya. "Wala... O, sige na, goodnight."
Mabilis na hinalikan siya nito sa labi. "Goodnight! I love you!"
Natatawang hinampas niya ito. "Loko-loko. Sige na, I love you too..."
Nang makababa ng sasakyan ay hindi muna siya pumasok. Hinihintay muna niyang umalis ito.
Binaba nito ang bintana. "Bakit? May nakalimutan ka?"
"Bakit 'di ka pa umaalis?" tanong niya.
"Ikaw, bakit 'di ka pa pumapasok?"
"Eh, hinihintay kitang makaalis eh."
"Eh, hinihintay din kitang pumasok eh..." panggagaya nito sa kanya.
Napakamot siya sa ulo. "Ang kulit mo talaga. Sige na, alis na."
"Ang kulit mo talaga. Sige na, pasok na."
Natawa na naman siya. "Argh, Slater!"
Tinalikuran na niya ito saka binuksan ang gate.
Bago tuluyang makapasok ay narinig niyang bumusina ito. Lumingon siya.
"I love you!"
Nakangiting nag-flying kiss siya dito. "Goodnight." Sinenyasan na niya ito para umalis na.
Hanggang sa makahiga na ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Tin. Ang saya-saya lang niya at nagkalinawan na sila ni Slater.
Pabiling-biling lang siya sa higaan. Hindi siya makatulog.
Mayamaya pa ay nag-ring ang cellphone niya. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang malaman kung sino ang tumatawag.
"Slat---"
"Di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip. O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko..."
Napahalakhak siya.
Kumakanta na naman ito!
"Sa bawat sandali ay nais kang makita..."
"Ang lakas talaga ng tama mo. Gabi na oy, matulog ka na!"
Narinig niyang tumawa din ito. "Silip ka muna sa bintana mo."
"Bakit ba?"
"Basta..."
Sumilip nga siya sa bintana. Nakita niya itong nakasilip din sa bintana sa may kwarto nito.
Kumaway ito sa kanya. "I love you."
Kaloka, kinikilig ako!
"I love you too."
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfikceWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)