Wala pang alas-sais ng umaga ay ginising na si Slater ng kapatid niyang si Fretzie. Niyaya siya nitong magsimba at sumang-ayon naman siya. Bago pa siya iniwan nito ay sinabihan pa siya nito.
"Ang haggard mo tingnan, Kuya! Magpa-pogi ka nang husto ah, baka mamaya sabihin nila pumangit ka. Naku, mapapa-away pa 'ko."
Iiling-iling na lang siyang nagbihis. Eksaktong matapos siyang maghanda ay kinatok ulit siya ni Fretzie para tanungin kung tapos na siya.
Bakit parang excited 'to?
Napa-isip siya. Wala namang something special sa araw na 'to. Hindi ko naman birthday, at hindi rin niya birthday. At lalong hindi naman niya first time magsimba.
Nagkibit-balikat na lang siya. Tinungo na nila ang kotse niya at tinahak ang daan patungong simbahan.
"O, nandito rin pala sina Ate Tin eh. Tara Kuya, dun na lang sa tabi nila tayo maupo."
"Hmm... Sa iba na lang kaya?" Lumingon-lingon sa paligid si Slater.
Hinila siya ni Fretzie. "Sa tabi na lang nila Kuya. Bakit ayaw mo dun? Para naman silang others niyan."
Wala nang nagawa si Slater kundi ang pagbigyan ang kapatid. Gusto naman talaga niya ang idea ng kapatid na sa tabi nina Tin sila pumwesto, kaya lang ay naisip niyang baka mailang lang si Tin.
"Oh hi, Fretzie!"
Napalingon si Tin sa direksyong tinitingnan ni Ivan nang marinig niyang magsalita ito.
Ngumiti siya. "Hi Fretz!"
"Hi Ate Tin!"
Napansin niyang parang siniko nito ang taong nakaupo sa tabi nito. "Kuya, batiin mo naman sila." Pabulong lang ang pagkakasabi nito pero narinig pa rin niya iyon.
Kuya?
Nang sumandal nang maayos si Fretzie ay noon niya nakitang nakaupo pala sa tabi nito si Slater. Nagulat man ay hindi siya nagpahalata.
"Slater."
"Hi..."
Mayamaya ay tumayo si Ivan.
"O, bakit?" takang tanong niya dito.
"Usog ka dito, Ate. Palit tayo. Fretz halika, dito na lang tayo."
Dali-daling tumayo rin si Fretzie. Lumipat din ito ng pwesto.
Himala, mukhang magkasundo ngayon ang dalawang 'to?
"Ate Tin, pausog naman ng konti. Hindi ako kasya," ngiting-ngiting sabi ni Fretzie.
Umusog siya. Huli na para matanto niyang nasa tabi na pala siya ni Slater.
Nagkatinginan sila.
Easy ka lang, Tin! No big deal.
Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang ibang mga nagsisimba at napuno na ang upuan nila. Magkadikit na sila nang husto ng binata. Hindi na lang siya kumibo. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang misa kaya doon na natutok ang atensiyon niya.
"Let us now pray with confidence..."
Nag-atubili pa siya kung hahawak siya sa kamay ni Slater, at mukhang ganun din ito. Pero sa huli ay inabot din nito ang kamay niya.
Our Father...
Pasimple siyang bumitaw dito nang matapos ang The Lord's Prayer. At muli, nagsalita ang pari.
"Let us now offer each other the sign of peace..."
"Peace be with you Ate," humalik sa pisngi niya si Fretzie. Pagkatapos nun ay humalik din ito sa kapatid nito.
"Peace be with you, Fretz."
Tulad ng ginawa ni Fretzie, humalik din sa kanya si Ivan. "Peace be with you Ate. Peace be with you, Kuya Jan."
"Peace be with you, Ivan… Peace be with you, Tin."
Napilitan siyang lingunin si Slater. "Peace be---"
Dahil marahil sa biglaan niyang paglingon at tangkang paghalik nito sa pisngi niya ay hindi sinasadyang sa labi niya dumiretso ang halik nito. Pareho pa silang halatang nagulat pagkatapos.
"Ehem!"
Napalingon siya sa katabing si Fretzie, ngiting-ngiti ito. Gayundin si Ivan.
Nang matapos ang misa ay sabay-sabay na lumabas na sila ng simbahan.
"Kuya, kain naman tayo kahit sa malapit lang na resto."
"Sige, Fretz."
Tumingin si Fretzie sa kanila ni Ivan. "Sama kayo, Ate Tin."
"Oo nga, Ate. Sama tayo, tapos mamasyal din tayong apat," sang-ayon ni Ivan.
Hindi siya sumagot.
Narinig niyang nagsalita si Slater. "Ayaw yata ng kapatid mo, Ivan."
"Gusto niya Kuya. Hindi naman KJ ang Ate ko. 'Right, Ate?"
Ano ba, Ivan! Ate mo ako, pero bakit mo ako nilalaglag?
Napipilitang tumango na lang siya.
"Ate Tin, ikaw na dito sa harap. May pag-uusapan lang kami ni Ivan."
Nang umupo na sina Ivan at Fretzie sa likod ng kotse ay wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa passenger's seat.
Sa isang coffee shop sila nakarating.
"Ako na ang mag-o-order. Ano'ng gusto nyo?"
"Tin-Tin, eto oh." Inilapag na ni Slater sa tapat ni Tin ang ipina-order niya.
"Salamat," tipid na sambit niya. Napansin niya ang slice ng banana cake. "Teka, hindi akin 'to."
"In-order ko talaga 'yan para sa'yo. Favorite mo 'yan 'di ba?" nakangiting sabi nito sa kanya.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Salamat."
Matapos kumain ay nagyaya si Fretzie sa isang amusement park.
Kahit saang rides sila sumakay ay silang dalawa ni Slater ang pinagsasama nina Ivan at Fretzie. Wala na silang magawa kundi ang pagbigyan ang dalawang bagets sa gusto ng mga ito lalo pa't mukhang enjoy na enjoy magkasama ang mga ito. Bagama't naiilang dahil sa presensiya ni Slater ay masasabi pa rin niyang nag-enjoy siya nang husto lalo pa't ni minsan ay hindi ito nagtangkang ungkatin ang mga nangyari sa kanila dati.
"Sa horror trail tayo," yaya ni Ivan sa kanila.
"Ngee. 'Katakot dun. Sa iba na lang kaya?" sabi naman ni Fretzie.
"Hindi, basta dumikit ka lang lagi sa'kin. Then kung natatakot ka talaga, iha-hug na lang kita."
"Hoy Ivan, baka nakakalimutan mong nandito ako. Ayusin mo 'yang mga hirit mo," biro ni Slater dito.
"Joke lang po, Kuya."
Natawa siya sa mga ito. "Tama si Fretzie, Ivan. Sa iba na lang dahil hinding-hindi mo rin ako mapapapasok diyan. O kaya kung gusto mo talaga, kayo na lang dalawa ni Slater."
"Ayoko, Tin-Tin. Samahan na lang kita," tanggi ni Slater.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Slater.
"O sige, Ivan. Payag na 'ko. Basta 'wag mo 'ko pabayaan ah," makahulugan ang ngiting sabi ni Fretzie.
Ang bilis naman magbago ng isip nito?
"Diyan muna kayo ni Ate Tin Kuya ha. Leggo, Ivan!"
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)