CHAPTER 28

704 6 4
                                    

Sinipat ng tingin ni Tin ang wall clock.

Naku, almost one hour na pero hindi pa rin siya nagpaparamdam…

Mukhang napikon nga sa kanya ang boyfriend niya.

Hindi na siya makapali. Pabalik-balik siya sa paglalakad habang kinakagat isa-isa ang mga kuko.

"Ano ba Ate, nadi-distract ako sa'yo!" reklamo ni Ivan. Kasama nito si Fretzie, nanonood ng pelikula ang mga ito.

"Ate bakit?" tanong ni Fretzie.

"Wala, sige iwan ko muna kayo."

Patakbong lumabas na siya ng bahay at nagtungo sa bahay nina Slater. Aminado naman siyang kasalanan niya kaya siya dapat ang magpakumbaba.

Pagdating sa bahay ng mga ito ay hinanap agad niya ito. Nakita niya itong nakaupo sa may pool side, patalikod sa kanya.

"Pssssst!"

Hindi ito lumingon.

"Slater!"

Wala pa rin itong reaksiyon.

"Mamang Pogi!"

Wala talaga. Napakamot siya sa ulo.

Huminga muna siya nang malalim. "Lalaking mahal na mahal ko!"

Sa wakas, lumingon din ito!

Nginitian niya ito pero inirapan lang siya saka muling tumalikod.

Aba...

Umupo siya sa tapat nito pero ibinaling nito ang tingin sa ibang direksiyon.

Napasimangot siya. Hinawakan niya ang ulo nito saka pilit na iniharap ito sa kanya.

Seryosong nakatitig lang ito sa kanya, walang imik.

"Slater naman eh..."

"Ewan ko sa'yo!"

Nag-isip siya. Mayamaya ay tumikhim.

"Buhay ko'y nasa 'yo... Matitiis mo ba ako oh baby? Huwag sanang magtampo... Sorry, pwede ba?" huminto siya sa pagkanta. "Sorry na oh..."

Nakita niyang kumibot ang labi nito. Mukhang napapangiti na pero pinipigilan pa.

Inulit-ulit niya ang pagkanta hanggang sa tuluyan na itong mapangiti.

Finally!

Nakahinga na siya nang maluwang. Niyakap niya ito nang mahigpit.

“Slater…”

"Gaya-gaya ka ah."

"Sorry ha. Sorry talaga. Huwag ka na magalit." Idinikit niya ang mukha sa balikat nito.

"Tingnan mo 'to, porket nakaligo na 'ko, gumaganyan ka na."

"Eh nagbibiro lang naman ako kanina, sineryoso mo naman."

Niyakap na rin siya nito. "Whatever Tin-Tin!"

"Totoo kaya!" Kinagat niya ang balikat nito.

"Aray!" reklamo nito. "Sadista ka talaga. Ang sakit-sakit na nga ng katawan ko tapos ginaganyan mo pa 'ko."

Nakonsensiya naman siya.

"Sorry sorry." Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka pumunta sa likod nito. "Akin na, ima-massage kita."

"Sige."

Nang akmang huhubarin nito ang t-shirt nito ay hinila niya ang laylayan niyon. "Uy huwag!"

"Bakit?"

"Basta lang..." Ang totoo ay naiilang siya. Okay lang naman sa kanya na makitang walang t-shirt ito dahil sanay naman siya doon. Pero ang hawakan ito ng...

O tukso… layuan mo ako!!!

Nanunukso ang mga matang tumitig ito sa kanya. "Tin-Tin ah, kung anu-ano siguro ang naiisip mo." Tumawa ito. "Sabi ko na nga ba at pinagnanasaan mo 'ko eh."

Nag-init ang pisngi niya. "Hindi uy!"

"Eh bakit ka namumula diyan?" hirit pa nito.

Kinurot niya ito. "Utang na loob Slater... Gusto mo ng masahe o hindi?" mataray na tanong niya para pagtakpan ang pagkapahiya.

"Gusto siyempre!"

"Kung ganun, manahimik ka na diyan."

Hindi na nga ito umimik.

Nag-umpisa na siya sa pagmamasahe dito.

Makalipas ang mahigit limang minuto ay hinawakan nito ang dalawang kamay niya saka hinalikan ang mga 'yun. Pagkatapos ay nahiga ito.

"Tin-Tin?"

"Bakit?

Tinapik nito ang space sa tabi nito. "Dito ka."

Nahiga nga siya sa tabi nito. Ang braso nito na nagsilbing unan niya ay yumakap sa kanya.

"Tin-Tin?"

"Bakit?"

"I love you."

Nakangiting sumiksik siya lalo dito.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon