"Tinney..."
Upang hindi magmukhang bastos ay napilitan si Tin na lingunin ang lalaki. Pilit din siyang ngumiti dito.
"Oh hi, Cocoy!"
"Kamusta ka na?"
Kamusta?
Lihim siyang napaismid. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya noon, may lakas pa pala ito ng loob na kamustahin siya. Kung wala lang talaga silang kasamang ibang tao ay hinding-hindi niya ito kikibuin.
"Ako? Naku, okay ako. Masaya actually."
"Really?"
"Yep dude. Alam mo na ang mga taong in love, laging masaya."
"In love? May boyfriend ka na?"
Lalo siyang nainis sa lalaki. Bakit parang hindi ito makapaniwala na may boyfriend siya?
Anong akala mo sa'kin? Hindi sineseryoso?
"Oo naman!" pilit na pilit pa rin ang ngiti niya.
Lumingon siya sa gawi kung saan niya iniwan si Slater at nakita niyang nandoon pa rin ito, nakamasid sa kanila.
"Ahm... Mom, Dad, Tita... Excuse lang po ah, maiwan ko po muna kayo."
Nang tumango ang mga ito ay dali-dali na siyang lumapit sa nobyo.
Nang tuluyang makalapit kay Slater ay inakbayan siya nito.
"Sino yung mga yun?"
"Si Tita Emerald yun, kapitbahay namin sa States."
"And?"
"Anong and?"
"Yung isa?"
"Ahh... anak niya, si Cocoy..." napipilitan niyang sagot.
"Cocoy?"
Tumango siya. "Tara, kain na tayo."
Hinila na niya ito.
Dis-oras na ng gabi nang matapos ang party. Laking pasasalamat na lang ni Tin na hindi siya iniiwan ni Slater, kahit papaano ay hindi nagkakaroon ng pagkakataon si Cocoy na makalapit sa kanya. Ang totoo ay ayaw niya munang makausap ang lalaki.
"Buti hindi ka pa sumabay kina Tita na umuwi?" tanong niya kay Slater. Nasa sala sila at nagkukuwentuhan.
"Wala lang," humilig ito sa balikat niya. "Bakit parang gusto mo na 'kong pauwiin, huh?"
Natawa siya. "Hoy mama! Suspicious ka naman masyado, nagtatanong lang eh."
Idinaan na lang sa tawa ni Slater ang sinabi ni Tin. Kung sasagutin lang niya ang tanong nito kanina ay isa lang ang siguradong magiging sagot niya.
Hindi ako uuwi hangga’t hindi umaalis ang Cocoy na yun.
Iba ang pakiramdam niya sa lalaki. Kung makatitig kasi ito kay Tin ay parang may ibang gustong ipahiwatig. Ayaw lang niyang sabihin iyon sa girlfriend niya dahil baka sabihin na nito na masyado siyang seloso.
Magsasalita ulit sana siya nang dumaan si Cocoy. Napatuwid siya ng upo saka sinundan ito ng tingin.
"Bakit nandito pa yun?" hindi napigilang tanong niya kay Tin.
"Eh, dito daw muna sila titira habang nagbabakasyon sila," walang anuman na sagot nito.
"Ano?! Bakit?!"
Kung ang pag-alis pala ng lalaki ang hihintayin niya ay tutubuan lang siya ng ugat sa kakahintay.
"Kasi po wala na silang bahay dito, naibenta na nila noon."
"Pero bakit dito?" tanong ulit niya.
Bwisit ah! Wala bang ibang matutuluyan ang mga yun?
Hindi naman sa pagiging bastos, pero hindi lang talaga niya gusto ang idea na titira ang Cocoy na yun kina Tin.
"Sa probinsya pa ang mga kamag-anak nila eh. Baka dadalaw na lang siguro sila sa mga yun, ewan ko."
"'Kay."
Nakita niyang naghikab si Tin.
"Inaantok ka na?" malambing na tanong niya dito.
"Medyo," ito naman ang humilig sa balikat niya.
"Tara, hatid na kita sa kwarto mo."
"Ihahatid pa talaga?" amused na tanong nito.
Oo, mahirap na.
"Anong masama dun? Dati naman kitang inihahatid sa kwarto mo ah."
Pinitik nito ang ilong niya. "Eh bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang naman eh."
Niyakap niya ito. "Hindi naman, nagpapaliwanag lang. Tara na."
Binuhat niya ang asong si Zap na nakadapa sa sahig.
Tulad ng sinabi niya, inihatid na niya ito sa kwarto nito.
"Thanks ha, goodnight." Kinuha nito sa kanya si Zap.
Hinalikan niya ito.
"Goodnight. I-lock mo ang pinto ha, saka wag ka na lalabas."
Napataas ang kilay nito. "Bakit naman?"
"Basta lang."
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)