"Uh-oh! I think I better go."
Nag-excuse sa dalawa si Fretzie.
"Ano sabi 'to?!" ulit na tanong ni Tin kay Slater nang silang dalawa na lang ang naiwan.
"Huh?" mukhang clueless na tanong din nito.
"Eto!" nanggigigil na itinuro niya ang bakas ng lipstick na dumikit sa damit nito.
Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang tinutukoy niya.
"I-I don't know. Hindi ko alam saan ko nakuha 'to."
"Huwag mo akong gawing tanga Slater! Malinaw na kiss mark yan!"
"Anong kiss mark?!" napalakas ang boses nito.
Lalo siyang nanggigil.
"At ako pa ngayon ang pinagtataasan mo ng boses?"
"Sorry Tin-Tin, nabigla lang ako." Muli siyang kinabig nito. "Please, let's not make a big deal out of it."
She pushed him away.
"Ewan ko sa'yo!"
Naglakad na siya palabas ng bahay ng mga ito.
"Tin-Tin naman, sandali lang!" malambing na sabi nito. Nakasunod ito sa kanya habang pilit na inaabot ang kamay niya.
"Heh! Bahala ka sa buhay mo!"
Binilisan na niya ang paglakad.
Sinundan na lang ng tingin ni Slater ang papalayong si Tin.
Nang tuluyang makapasok ito sa gate ng bahay ng mga ito ay saka siya bumalik sa kanila at dumiretso sa kwarto.
Muli niyang tiningnan ang sinasabi nitong kiss mark. Nagpalakad-lakad siya habang iniisip kung saan niya posibleng nakuha iyon.
Hindi kaya...?
Binalikan niya sa isip ang nangyari sa parking lot ng bar na pinuntahan kanina.
Ang natatandaan niya ay muntik nang matumba si Honey at inalalayan niya ito kaya sa dibdib niya ito tumama.
Napapitik siya sa hangin.
"Tama! Tumama ang mukha niya sa dibdib ko," kaya malamang sa hindi ay iyon ang dahilan kung bakit may bakas ng lipstick siya sa damit.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nagtungo na sa bahay nina Tin para magpaliwanag.
Dinatnan niya ang mga magulang ng nobya sa sala.
"Hello Tito, Tita. Si Tin-Tin po?"
Ang mommy nito ang sumagot.
"Kanina pa nga nagkukulong sa kwarto eh, ewan pero hindi maipinta ang mukha kaninang pagbalik niya."
Napangiwi siya.
"Ahh..."
Nagdududa ang tinging nagtanong ang daddy ni Tin.
"Teka, nag-away ba kayo?"
Napakamot siya sa ulo.
"Hmm… Konting misunderstanding lang po."
"Hala sige, puntahan mo na at nang mapag-usapan ninyo kung ano man yun."
Matapos magpasalamat sa dalawa ay tinungo na niya ang kwarto ni Tin.
Kumatok siya.
"Tin-Tin..."
Hindi ito sumagot kaya pinihit niya ang door knob. Naka-lock iyon. Muli siyang kumatok.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)