CHAPTER 23

736 6 0
                                    

Pagkatapos mag-almusal ay lumabas na si Tin at tinungo ang kotseng nakaparada na sa tapat ng bahay nila. Habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ay may napansin siyang isang red rose na nakaipit sa windshield niyon na may kalakip na note. Lumingon-lingon siya sa paligid. Kaninang ilabas kasi niya ang kotse mula sa garahe ay wala pa yun. Nagtatakang kinuha niya ang bulaklak at binasa ang nakasulat sa papel.

A beau'T'I'-ful mor'N'ing to an equally beau'T'I'ful woma'N' :)

Ngee???

Nagkibit-balikat na lang siya saka sumakay na ng kotse at nagtungo sa eskwela.

Pagpasok niya ng classroom ay halos nandoon na lahat ng mga kaklase niya. Halos lahat ay nakatingin sa kanya.

Ano'ng meron? Nakakapanibago naman.

Alanganing ngumiti na lang siya sa mga ito saka nagtuloy-tuloy sa pwesto niya.

Oh my gulay...

Kinuha niya ang isa na namang pulang rosas na nakapatong sa desk ng upuan niya na may kasama ding note. Umupo muna siya bago binasa ang nakasulat.

I'll 'S'ee you 'L'A'T'E'R' :)

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Muli niyang binasa ang note.

I'll 'S'ee you 'L'A'T'E'R' :)

Ayaw man niyang isipin pero may pakiramdam siyang alam na niya kung kanino galing ang dalawang bulaklak. At pilit man niyang pigilan, napapangiti talaga siya.

O, ayan ka na naman Tin! Hindi ka na nadala.

Ipinilig na lang niya ang ulo saka itinuon ang atensiyon sa pagbabasa ng lectures habang wala pa ang professor nila.

Nang matapos ang klase ay nagtungo na si Tin sa parking lot. Nagtaka pa siya nang datnan niya sa kinapaparadahan ng kotse niya ang kapatid na si Ivan kasama si Fretzie na mukhang kakagaling lang din sa eskwelahan. Malamang ay sinundo ng kapatid niya.

"Hi, Ate Tin!" masiglang bati sa kanya ng dalaga.

Nginitian niya ito. "Hello! Bakit kayo nandito?"

"Yayayain ka sana namin mag-early dinner." Nakangiting sagot ng kapatid niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Bakit? Ano'ng meron?"

"Wala lang, Ate. Treat daw tayo ni Ivan."

"Isang malaking himala!" Tumawa siya. "Ano'ng nakain mo kapatid at naisipan mong manlibre?" Biro niya kay Ivan. Alam kasi niyang kuripot pa ito sa lahat ng kuripot.

Pumalatak ang kapatid niya. "Basta, wag ka na magtanong Ate. Minsan lang ako manlibre kaya tara na."

"Ay ayoko! Magmumukha pa akong chaperon eh. Kayo na lang."

Napakamot sa ulo si Ivan.

"Ate Tin naman, sumama ka na please..." paglalambing ni Fretzie sa kanya habang hawak-hawak ang kamay niya. "Hindi na lang kami tutuloy kung hindi ka rin lang sasama."

"O, naring mo yun Ate. Kasalanan mo pag hindi 'to natuloy." Pangongonsensya ni Ivan. "Ang tagal ka namin hinintay dito tapos hindi mo man pala kami sasamahan."

Ginulo niya ang buhok ng kapatid. "O sige na, sasama na 'ko. Tama na yang pangongonsensiya." Pumalatak siya. "Pasalamat ka hindi ko magawang ipahiya 'tong si Fretzie."

Yumakap sa kanya si Fretzie. "Yehey! Thanks, Ate!"

"You're really an angel, Fretziebabes! Hayaan mo, may kiss ka sa'kin mamaya," todo-ngiting sabi ng kapatid sa dalaga sabay kindat dito.

"Uy Ivan, walang ganyanan. Nakakahiya kay Ate Tin."

"Bakit ka naman mahihiya? 'Di ba lagi kang nanghihingi ng kiss sa'kin?"

Nang lingunin niya si Fretzie ay pulang-pula na ito.

"Naku Ate Tin, huwag kang maniwala sa unggoy na 'to!" Hinampas nito si Ivan. "Break na tayo! Hmp!"

"Uy, joke lang. Ate, nagbibiro lang ako. Ang totoo, ako talaga ang laging nanghihingi ng kiss sa kanya."

Natawa siya sa dalawa. "Ewan ko sa inyo! Tara na, sakay na kayo. Bago pa tayo langgamin dito."

"Ako na mag-da-drive, Ate. Hindi mo naman alam saan ko kayo ililibre eh."

"Opo, Kuya."

“Naks! Bongga ka naman pala kapag nanlibre Ivan!”

Hindi makapaniwala si Tin na sa isang five-star hotel sila dinala ng kapatid.

“Ate talaga. Tara na sa elevator.”

Magkaka-agapay silang tatlo na sumakay sa elevator. Pinindot ni Ivan ang button papuntang rooftop.

“Rooftop talaga?”

“Basta Tin, wag ka na marami pang tanong. Ako ang kuya mo ngayon.”

“Kay! Sorry naman.”

Nang makarating sila sa rooftop ay bumungad sa kanya ang romantic set-up ng lugar --- dim ang lighting, nagkalat ang petals ng red roses sa paligid, at sa gitna ay may isang pandalawahang mesa na may naka-serve nang pagkain sa dalawang plato. Maganda ang pagkaka-ayos ng mesa, may pagkain, may wine, may mukhang mamahalin na kandilang nakasindi  sa gitna, at may malaking boquet ng red roses din.

“Teka, bakit ganito dito? Para lang ata sa inyong dalawa ‘to eh.”

“Hindi Ate, para sa’yo talaga yan. Sige, alis na kami. Enjoy Ate!”

“Ano?!” Naguguluhan siya.

Akmang aalis na sina Ivan at Fretzie nang hilahin niya ang kapatid sa kamay.

“Teka, bakit ninyo ako iiwan? Sino bang may pakana nito? Baka mamaya ma-rape pa ‘ko dito.”

“Chillax Ate. Walang mangyayaring masama sa ‘yo dito. Sige na, upo ka na dun.”

Nang hindi pa rin siya tumitinag ay marahang tinulak na siya ni Fretzie.

“Sige na, Ate. Go go go!”

Wala na siyang nagawa nang tuluyang mawala sa paningin niya ang dalawa.

Nang magsimula siyang humakbang palapit sa mesa ay nagsimula ring tumugtog ang instrumental version ng isang love song. Hindi niya mapigilan ang sariling kantahin sa isip ang kanta.

I just had a dream that you were far away

And that someone else was in your arms today

Though I know it’s just a dream

Still my fear is so extreme

Coz I know that dreams could sometimes be so true

And I’ll be blue

Nagulat pa siya nang biglang may marinig siyang kumanta sa likod niya.

Then I told myself that I will stay the same

Even if you hurt me, I will take the blame

You are all I’m livin’ for

I would love you even more

I would keep the pain inside my door

Napahinto siya sa paghakbang pero tuloy pa rin sa pagkanta ang lalaki sa likod niya.

It’s enough for me that I have come to love you, I see

Because the heart I have could only want you

I just want you to remember even if it takes forever

I would wait until the world is through

When all that’s left is only me and you

Hindi niya mapigilan ang hindi maging emosyonal nang may bigla siyang maalala.

Naluluhang dahan-dahan siyang lumingon sa lalaki.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon