CHAPTER 14

783 8 3
                                    

"Tin-Tin..." halos pabulong na lang na pagkakasambit ni Slater sa pangalan niya.

Nakatitig pa rin si Tin dito.

"May I ki---"

Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang lapitan sila nina Jerico at Jessica.

"O palit na ulit. Ang awkward ng tugtog."

Hinila na siya ni Jerico palayo kay Slater. "Teka, are you crying?"

Umiling siya. "Wala 'to. Naiiyak lang ako sa kanta."

"O Ivan, maaga ka yata?" puna ni Slater sa binata nang pagdating niya ay datnan niya ito kasama ang kapatid niya. Kakauwi lang niya galing Subic.

"Ah oo, Kuya."

"Nililigawan mo ba 'tong kapatid ko?"

"Naku Kuya, hin---"

Tinakpan ni Ivan ang bibig ni Fretzie kaya hindi nito naituloy ang sinasabi. "Oo, Kuya. Pwede naman po 'di ba?"

Tumango siya. Why not? Kakilala naman nila ito at alam niyang hindi mapapahamak ang kapatid niya dito. "Sige, ikaw na bahala sa kanya. Ingatan mo 'yan kung hindi, lagot ka sa 'kin."

Umakyat na siya sa taas.

"O, narinig mo si Kuya Jan, bahala na daw ako sa 'yo kaya sagutin mo na 'ko."

"Whatever, Ivan! Ang kulit mo."

Pagpasok ni Slater sa kwarto ay ibinagsak niya ang sarili sa kama. Ang sakit-sakit ng ulo niya dahil magdamag siyang hindi nakatulog sa kakaisip kay Tin at sa mga nangyayari sa kanila.

Nagsisisi na talaga siya sa ginawa niya. Kung pwede nga lang ibalik ang panahon at baguhin ang nagawa niya ay ginawa na niya.

"Tin-Tin..."

"Ang sama mo Fretz. Sige na, sagutin mo na 'ko."

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong pang-aasar sa'kin, may lakas ng loob ka pang magmadali? Para ipaalala ko lang sa'yo, una, nilagyan mo lang naman ng pagkarami-raming hot sauce yung spaghetti ko, then nilagyan mo ng face paint ang mukha ko habang natutulog, tapos inihagis mo pa yung palaka sa'kin..."

"Ikaw nga din, lagi mo ako pinagtatawanan at tinatawag na nerd dati eh. Gumaganti lang kaya ako."

"At ang pinakamasaklap pa sa lahat ng pinakamasaklap, pinunit mo lang naman ang nag-iisa kong picture kasama si Sam Concepcion. Kainis!"

"Ano'ng magagawa ko, kulang na lang kaya sambahin mo yung picture na yun. Kainis ka din!"

"Ewan ko sa'yo, Ivan! Hindi kita agad sasagutin kaya manigas ka!"

Agad?

"Ahh... Pero sasagutin mo 'ko? Kelan? Tagal naman!"

"Ewan ko sa'yo!"

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para sagutin mo na 'ko?"

"Ewan ko sa'yo!"

"Ayan ka na naman, unlimited na naman. Seryoso ako, lahat gagawin ko, sagutin mo lang ako."

.

.

.

.

.

"Kahit ano?"

"Oo, kahit ano."

"Sure?"

"Sure na sure."

"Cross your heart?"

"Cross my heart, mamatay man ang pinakamamahal kong si Keggie."

Haha! Pati ang walang kamalay-malay na pagong nadamay. Todo na 'to! Haha!

"Sige..."

.

.

.

.

.

"Tulungan mo akong pagbatiin ang kuya ko at ang ate mo."

"Sus, yun lang pala eh. Sige, game! Basta sasagutin mo ako ah."

"Sige."

“Teka. Paano si Kuya Eco? Kawawa naman.”

“Ngee! Ang sabi ko, tulungan mo akong mapagbati si Kuya at ang Ate mo. Hindi ko sinabing paghiwalayin natin ang Ate mo at si Kuya Jerico.”

Ahh… Okay! Basta sasagutin mo talaga ako ‘pag okay na sila ha?”

“Oo nga…”

"Wait lang, pengeng paper at ballpen. Kung wala kang ballpen kahit lapis na lang o kaya marker... or kahit uling lang. Basta pwede ipansulat."

Seryosong nagsulat si Ivan nang maiabot na ng nagtatakang si Fretzie ang hinihingi nito.

"O, pirma ka. Katunayan na sasagutin mo na ako kapag naging okay na sina Ate Tin at Kuya Jan."

"Kailangan talaga may ganito?"

"Oo, para wala kang takas."

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon