CHAPTER 8

798 7 0
                                    

Malapit nang gumabi nang magpasyang umuwi na sina Jerico at Tin.

"Thank you Jerico ha, sobrang nag-enjoy ako."

Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse nito nang pigilan siya nito.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

Kumunot ang kilay niya nang may inilabas itong jewelry box mula sa bulsa ng longsleeves na suot nito. Binuksan nito iyon at tumambad sa kanya ang isang napakagandang white gold necklace na may pendant na heart. Sa gitna niyon ay ang birthstone niya.

Nagtatakang tumingin siya dito. "Ano 'yan?"

"Necklace...?" kiming ngumiti ito.

"Alam ko necklace 'yan. What I mean is, para saan 'yan?"

"Para sa'yo...?"

"Utang na loob Jerico, seryoso ako."

Humugot muna ito nang malalim na hininga bago nagsalita. "I don't know how to properly say it Princess, but I'll say it anyway." Halata sa boses nito na kinakabahan ito. "I love you, I really do."

Nabigla siya sa sinabi nito kaya hindi kaagad siya nakapagsalita.

"Galit ka?" bakas ang pag-aalala sa tinig nito.

"I-I don't know what to say. You are my bestfriend and---"

"You don't have to say anything. I told you what I just told you because I can't hide it anymore. I've been trying to ignore my feelings for you but I just can't. Mga bata pa lang tayo alam kong nagsisinungaling na ako sa sarili ko na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit papalit-palit ako ng girlfriends?"

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"It's because I thought I could find someone who'll help me forget what I feel for you. Hindi sa dahil ayoko sa nararamdaman ko para sa'yo, it's just that... natatakot ako..."

Namalayan na lang niyang tulad nito, naluluha na rin siya. "Natatakot?"

"Natatakot akong kapag nalaman mo ang totoong nararamdaman ko para sa'yo ay baka layuan mo ako. All this time, all I'm trying to do is preserve our friendship. But what can I do? Hindi ko na talaga kayang magpanggap na kaibigan ka lang talaga sa buhay ko."

"I'm sorry, I didn't know..."

"Ssshhh... It's okay. Nakayanan ko ngang magtiis sa loob ng mahabang panahon, ngayon pa ba hindi? All I'm asking is for you to consider giving 'us' a chance. Hindi naman ako nag-e-expect ng sagot agad-agad eh, I'm willing to wait."

Ramdam niya ang sincerity sa bawat katagang sinabi nito. Maswerte siya dahil may isang taong tulad nito sa buhay niya. Sa naisip ay tuluyan na siyang napaiyak.

Pinunasan ni Jerico ang luha niya gamit ang daliri nito. "Please, stop crying. Kung ayaw mo talaga sa akin, kalimutan mo na lang na may sinabi ako."

Napayakap na siya dito. "Ano bang mabuting nagawa ko para biyayaan ako ni God ng isang tulad mo?" Suminghot siya. "Yes, Jerico. I'm willing to give us a chance."

Kumalas ito sa kanya at hinarap siya. Nanlalaki ang mga mata nito. "Y-you mean... tayo?"

Natawa siya sa ekspresyon ng mukha nito. Tumango-tango siya.

Sa sobrang galak nito ay paulit-ulit na hinalikan nito ang halos yata lahat ng part ng mukha niya. "Thanks, Princess! You just don't know how happy you made me. I love you! I promise, hinding-hindi kita sasaktan."

Matapos isuot sa kanya ang kwintas ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"I love you... I love you..." paulit-ulit na sabi nito.

"I love you too. Oh, 'wag ka na umiyak."

"I can't help it, masaya lang talaga ako."

Tulad ng mga nagdaang araw, nagkukubli lang si Slater sa likod ng kurtina sa kanyang kwarto habang nakasilip sa labas ng bintana niya. Kitang-kita niya ang eksena sa pagitan nina Tin at Jerico. Hindi man niya alam kung ano ang pinag-usapan ng mga ito, malakas ang pakiramdam niyang nagkakaunawaan na ang mga ito base sa nakikita niya.

"Shit! Shit! Shit!"

Nagkalas sa pagkakayap sina Tin at Jerico nang may isang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nina Tin, tatlong bahay ang layo mula sa bahay nina Slater. Kasunod niyon ay ang pagbaba ng tatlong mahahalagang tao sa buhay ni Tin.

"OMG, sina Mommy! Jerico dumating na sila!" nagagalak na sabi niya.

Matapos ayusin ang mga sarili ay sabay silang bumaba at magkahawak-kamay na tinungo ang mga bagong dating.

"Mom! Dad! Ivan!"

"Christine!"

Matapos magyakapan at magkamustahan ay pumasok na silang lahat sa loob ng bahay. Alam na din ng pamilya ni Tin ang tungkol sa kanila ni Jerico.

"Hindi namin hahadlangan ang relasyon ninyong dalawa. Basta make sure hijo, you'll never make my princess cry."

"I promise, Tito. She's safe with me. Hinding-hindi ko siya sasaktan."

Nang malaman ng pamilya nina Slater ang pagdating ng pamilya ni Tin ay dali-daling nagtungo ang mga ito sa bahay nila para mangamusta.

"Hi, Fretzie!" nakangiting bati ni Ivan sa dalaga.

Kumurap-kurap lang si Fretzie.

"Don't tell me nakalimutan mo na'ko? I'm Ivan, the nerd. Remember?"

Makahulugang nagpalitan ng tingin sina Tin at Jerico.

Nakangiting bumulong si Jerico sa kanya. "I smell something."

Natawa siya. "Really?"

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon