"Tigilan mo na 'ko, Slater! Ayoko na!"
Malungkot na nag-angat ng tingin si Slater.
"Iyan ba talaga ang gusto mo?"
Walang kahit na anong emosyon ang mababasa sa mukhang tumango siya.
Narinig niyang napabuntong-hininga ito.
"Sige. Pero gusto kong malaman mo na lalayuan na kita hindi dahil hindi na kita mahal kundi dahil gusto ko maging masaya ka."
Tumalikod na ito saka humakbang palayo.
Habang pinapanood niya ang papalayong imahe nito ay biglang nag-flashback sa kanya ang lahat ng masasayang alaala nila, maging ang mga simpleng tampuhan na hindi nagtatagal ay naaayos rin nila.
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya nang ma-realize niyang karamihan sa mga naging tampuhan nila ay siya ang may kasalanan, o ito ang laging nagpaparaya.
Hindi na siya nakatiis, tinawag niya ito.
"Slater..."
Nang hindi siya nito nilingon ay pilit niyang hinabol ito habang panay rin ang pagtawag sa pangalan nito.
"Slater sandali! Please, hintayin mo 'ko!" Lalo pa niyang binilisan ang paghabol dito nang bigla ay may nakita siyang isang babae na naghihintay dito sa kabilang dulo.
Nakangiting inabot ng babae ang kamay kay Slater.
"Slater, huwag mo 'kong iwan!"
"Slater!!!"
Napabalikwas ng bangon si Tin, habol-habol ang hininga habang patuloy sa pagpatak ang luha.
Panaginip lang pala, pero parang totoo. Takot na takot siya dahil alam niyang ganoon na rin ang nangyayari sa kanila ni Slater.
Sinipat niya ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Pasado alas-onse na ng gabi.
Pinunasan niya ang luhaang mukha saka tumayo. Tinungo niya ang bintana kung saan mula doon ay makikita ang bintana ng kwarto ni Slater. Nakapatay na ang ilaw.
Tulog ka na ba? Kung gising ka pa, sana sindihan mo naman ang ilaw oh. Kahit anino mo lang ang makita ko Slater, kahit anino mo lang...
Lumipas ang mahabang sandali pero walang ilaw na sumindi. Walang anino ni Slater siyang nakita.
Umiiyak na naman na bumalik na lang siya sa higaan.
Mayamaya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Mabilis na sinagot niya iyon.
"Sla---"
"Hey Tin, this is Jessica. I’m sorry to call you up this late, but I just want to let you know na nakita ko si Slater.” Sinabi nito ang pangalan ng bar kung nasaan daw ang mga ito. “Mukhang problemado siya eh, lasing na lasing and he keeps on calling your name.”
“Ano?!” Bigla siyang napatayo saka kinagat-kagat ang mga kuko niya sa kamay. “Sige, pupunta na ako diyan.”
“Okay, bilisan mo ha. I’m with my boyfriend right now kasi and we’re just waiting for a friend tapos aalis na kami.”
Matapos makausap si Jessica ay hindi na nag-aksaya ng oras si Tin. Dali-dali siyang nagpalit ng damit saka nagmaneho patungo sa lugar na sinabi ni Jessica. She drove the car as fast as she could dahil na rin sa labis na pag-aalala.
“Lord please, huwag Nyo po munang hayaang umalis doon si Slater.” Kahit sanay itong uminom ay alam niyang kapag nalasing ito ay talagang lasing ito. Hindi nya alam ang gagawin nya kapag may nangyaring masama dito.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
ФанфикWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)