CHAPTER 30

851 5 1
                                    

Matapos mag-ayos ng sarili ay nagtungo si Tin sa kwarto ng mga magulang niya para silipin ang ina.

"Wow Mommy, ang ganda-ganda mo! Manang-mana ka talaga sa'kin."

Natawa ang mommy niya sa sinabi niya. "Oo nga anak, buti na lang."

Hinila na niya ang ina palabas ng kwarto. "Tara na po sa baba, at nang makita ka ni Daddy."

Pagbaba nila sa sala ay nandoon na rin ang ama niya.

"Dad," tawag niya sa ama na nakatayo patalikod sa kanila.

Nang humarap ito sa kanila at makita sila ay mukhang nasiyahan ito.

"Whoa! Ang ganda ng mag-ina ko ah." Lumapit ito sa kanila saka hinalikan ang mommy niya.

"Happy anniversary honey!"

"Happy anniversary!"

Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga tao. Humiwalay na rin siya sa mga magulang na naging abala na sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa isang kakilala nang biglang may umakbay sa kanya. Nang lingunin niya iyon ay napangiti siya.

"Slater."

Matapos humalik sa kanya sa pisngi ay nakangiting bumaling si Slater sa kausap niya. "Pwede ko ba siyang mahiram muna sandali?"

"Yeah, sure."

Hinila na siya nito sa kamay at dinala sa may tagong bahagi kung saan walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya habang inaayos ang neck tie nito.

Nakangiting umiling ito saka siya hinalikan sa labi.

"Yun lang?" natatawang tanong niya nang matapos ang halik.

"Gusto mo isa pa?" Ngumuso ito at akmang ilalapit ulit ang mukha sa kanya nang iharang niya ang kamay dito.

"Heh! Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

Inakbayan siya nito saka pa-cute na ngumiti. "Awkward naman kasi kung doon ko gagawin no, baka kung ano pa sabihin nila. Saka gusto ko rin masolo ang wifey ko siyempre."

"Weh?" Umirap siya.

"Anong weh ha?" Kiniliti siya nito sa tagiliran. "Halikan ulit kita diyan eh."

Tumatawang umilag siya dito. "Tama na, oo na, naniniwala na 'ko."

Kinabig siya nito palapit. "Ikaw talaga, pasalamat ka mahal kita."

Yumakap siya sa baywang nito. "Salamat."

Mayamaya ay seryosong tumitig ito sa kanya.

"Bakit?"

"Ang ganda-ganda mo Tin-Tin."

Lumabi siya. "Kahit mataba ako?"

Pinisil nito ang ilong niya. "Ilan beses ko bang kailangan sabihin sa'yo na hindi ka mataba?"

"Eh totoo naman eh."

Tinitigan siya nito nang masama. "Tin-Tin!"

"Oo na, oo na."

"Ikaw ha, bakit kung anu-ano ang iniisip mo? Basta para sa'kin, perfect ka nang ganyan. Mataba man o payat, mahal kita."

"Naku, bola!" Ngumiti siya. "I love you Slater."

Mayamaya pa ay nagkayayaan na silang bumalik sa pinagdarausan ng party. Nang makita sila ng mga magulang niya ay tinawag siya ng mga ito. May kasamang babae ang mga ito. Kahit nakatalikod ay parang kilala na niya kung sino iyon.

“Tin, halika muna dito.”

“Sandali lang ha,” paalam niya kay Slater saka bumitaw sa pagkakahawak dito.

Lumapit na siya sa mga magulang.

“Tin, nandito ang Tita Emerald mo,” nakangiting sabi ng daddy niya.

Nakangiting lumingon sa kanya ang babae. “Hello dear!”

Ang Tita Emerald niya ay ang naging kapitbahay at kaibigan ng pamilya nila noong mag-migrate sila sa States. Mabait ito kaya naging malapit na rin ito sa kanila, maging ang kaisa-isang anak nitong lalaki.

Nang maisip ang anak nito ay lihim siyang napailing.

Pilit na ngumiti siya saka bumeso dito. “Hi Tita, kailan pa po kayo dumating?”

“Ngayon lang actually.”

“Sa atin muna sila maglalagi since matagal na nilang naibenta ang bahay nila dito,” imporma ng mommy niya.

“Sila?” nabiglang ulit niya.

Nakangiting tumango ang mommy niya. “Yes sweetie, silang dalawa ng anak niya. Wouldn’t it be great? Makakasama natin sila habang nagbabakasyon sila dito.”

“Y-yes, of course.”

“Teka, eto na pala ang anak ko.” Sumenyas ang Tita Emerald niya na parang may pinapalapit sa kanila.

Nagkunwari siyang kinakalikot ang dalang pouch.

“Say hi to them,” nakangiting sabi ng ginang kapagkuwan.

“Hi Tito! Hi Tita! Happy Anniversary po.” Iniabot ng lalaki ang dalang regalo sa mga magulang niya. “Ivan, dude!”

“Dude!” masiglang bati ni Ivan dito.

Hindi nagtagal ay umakbay sa kanya ang lalaki. Lalo siyang natigilan.

“Hi Tinney! It’s good to see you again.”

Napalunok siya.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon