CHAPTER 18

723 6 0
                                    

"Mr. Kupidooo... Sa kanya'y dead na dead akooo!!! Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso ko!!!"

Natawa si Tin nang malakas nang pumiyok si Slater. Pilit na inaabot kasi nito ang kanta pero hindi talaga kaya.

Huminto ito. "Ang sama-sama mo, pinagtatawanan mo ako," hinaluan pa talaga nito ng pagtatampo ang tono ng boses nito.

Nauwi na sa paghalakhak ang tawa niya at halos maluha na.

Mayamaya ay napansin niyang seryosong tumitig ito sa kanya. Sa paraan ng pagtitig nito ay parang napakarami nitong gustong sabihin.

Natigilan siya. Nagsimula na naman kasing tumahip nang malakas ang dibdib niya.

"W-why?"

Matagal bago ito nagsalita habang titig na titig sa kanya. "Nothing. Gusto ko lang sabihin na gustong-gusto kong nakikita kapag tumatawa ka nang ganyan. Ang tagal kong hiniling na sana ay makita kita ulit na ganyan. Hindi mo lang alam kung gaano ko na-missed ang tawa mong 'yan. At higit sa lahat, na-missed kita Tin-Tin, sobra."

Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. Missed na missed din niya ito.

"Slater..."

Mararahang pagtapik sa balikat ang gumising kay Tin. "Tin..."

Nagmulat siya ng mga mata. "J-jerico?!"

Nasorpresa siya. Honestly, hindi niya inaasahang ito ang bubungad sa kanya pagmulat niya.

Akala ko pa naman totoo na, nananaginip lang pala ako.

Pero bakit ganun ang panaginip ko? Hindi naman ganun ang nangyari ah.

Nang maalalang nandun si Jerico ay pilit na itinuon na lang niya ang atensiyon dito. Naroon ang boyfriend niya pero si Slater ang iniisip niya. Dahil sa napagtanto ay nakonsensiya siya.

Napansin niya nang pilit na ngumiti ito. "Mukhang maganda ang panaginip mo ah, pasensya na, naudlot yata dahil sa 'kin."

Bakit parang malungkot ito?

"Hindi, hindi naman ako nananaginip nung gisingin mo 'ko," kaila niya. "Hmm... Bakit nga pala ang aga mo?"

"Yayayain sana kitang manood mamayang gabi, may fashion show kami," sinabi nito ang oras at lugar. "Sana makapunta ka."

Tinatamad man ay nakangiting tumango siya. "Sige, pupunta ako."

"Sige, alis na 'ko. See you later." Hinalikan siya nito sa noo saka umalis na.

"Good afternoon, Fretziebabes!" masiglang bungad ni Ivan nang pagbuksan ito ng pinto ni Fretzie.

"Yuck! Ang corny mo talaga Ivan!" kunwari'y nakasimangot pero kinikilig na sabi niya.

"Corny? Edi ibig sabihin pala 'nun corny ka rin kasi sinagot mo 'ko?" todo ngiting biro nito. Inakbayan siya nito.

"Pinilit mo lang kaya ako 'no," nakaingos na biro din niya.

Naalala na naman tuloy niya nang gabing sagutin niya ito.

Wala pa man isang oras pagkatapos maghiwa-hiwalay ng apat galing sa pamamasyal ay nagtext na si Ivan kay Fretzie.

“fretz, pls labas ka muna.. i'll b w8ing outsyd.”.

“bkt? gabi na ivan.. 2m nlng..”

“bsta w8 kta d2, d ako aalis..”

Nagpasya na lang siyang lumabas ng bahay upang puntahan ito. Nadatnan niya itong nakaupo sa tapat ng gate nila.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon