Palabas na si Tin ng bahay ng umagang iyon para pumasok sa eskwelahan nang biglang may makasalubong siyang Shih Tzu.
"Whoa!" nakangiting sambit niya sabay buhat sa aso. "Ang cute!"
Pinanggigilan niya iyon, bata pa lang kasi siya ay mahilig na talaga siya sa aso. Binasa niya ang nakadikit na note sa damit nito.
Adopt me.
Nang magawi ang tingin niya sa gate nila ay nakita niyang nakatayo doon ang nakangiting si Slater.
"Adopt him daw," nakangiti pa ring sabi nito.
Yakap-yakap ang aso na lumapit siya dito.
"Sa'yo 'to?"
Umiling ito.
"Kanino?" nagtatakang tanong niya.
"Atin."
Atin.
Nang makuha ang nais ipahiwatig nito ay namilog ang mga mata niya. "Seryoso?"
"Oo." Tumawa ito. "Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Wala lang." Lalo siyang napangiti.
"O, ngingiti ka lang ba diyan?"
"Thankey Slater," nasisiyahang sabi niya.
Lumabi ito. "Ay ayoko niyan."
Mabilis na lumapit siya dito saka ito hinalikan. Yumakap naman ito nang mahigpit sa kanya.
Tumahol ang aso dahil naipit ito sa kanilang dalawa.
Natawa siya. "Ayan, nagreklamo tuloy." Hinaplos-haplos niya ang aso. "Sorry baby..."
Nakihaplos na rin si Slater. "Ingatan mo 'tong baby natin ha."
"Baby natin talaga ha?"
"Tinawag mo siyang baby eh, edi baby ko rin siya. Although para sa 'kin, ikaw talaga ang pinaka-baby ko." Inakbayan siya nito saka kinuha ang aso sa isang kamay. "Hello baby, ako ang daddy mo."
Napapailing na natatawa siya dito. "Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo ha, may pagka-corny talaga yan eh." Ginulo niya ang buhok ni Slater. "May pangalan na ba siya?"
"Gusto ko sana Zap," ibinalik nito sa kanya ang aso. "Pero ikaw pa rin naman ang masusunod."
"Zap is fine with me. O, dun ka na muna kina lola, male-late na sina mommy at daddy." Siya mismo ay napahalakhak sa sinabi niya.
"Hintayin kita dito wifey ah," sabi ng ngiting-ngiting si Slater.
"Sige hubby."
Dahil maagang natapos ang klase ay naisipan ni Tin na sorpresahin si Slater at puntahan sa opisina nito. Bago magtungo doon ay dumaan muna siya sa isang restaurant at in-order lahat ng paborito nitong pagkain.
"Good afternoon, Mel. Nandiyan ba si Slater?" tanong niya sa secretary ng nobyo.
Magkakilala na sila nito dahil kahit noong hindi pa sila ni Slater ay madalas na siyang magpunta doon.
"Yep Ms. Tin." Ngumiti ito saka akmang babalingan nito ang intercom.
Pinigil niya ang kamay nito. "Oooops, isu-surprise ko sana siya eh."
"Ahh sige, gora na."
Matapos magpasalamat dito ay tuluy-tuloy na siyang pumasok sa mismong opisina ni Slater.
Nabungaran niya itong nakaupo sa swivel chair habang nag-a-ayos ng mesa nito.
"Ang sipag naman ng hubby ko." Napangiti siya.
At talagang pinangatawanan mo na ang pag-hubby sa kanya ha!
Napalingon ito sa kanya. Napalitan ng ngiti ang pagkakakunot ng noo nito. "Whoa! Ang ganda namang surprise nito."
Nang tumayo ito para salubungin siya ay lumapit na rin siya dito.
Nagyakap sila nang mahigpit.
"Ano yang dala mo?" tiningnan nito ang paper bag.
"Your favorite for my favorite," nakangiting sabi niya.
Natatawang pinisil nito ang ilong niya. "Naku, narinig ko na yan ah. Ano nga bang commercial yun?"
Sinundot niya ito sa tagiliran. "Oo na, ako na ang walang originality," tumatawang sabi niya. "Tara na, kainin na natin 'to bago pa lumamig."
Magkatulong na inayos nila ang mga pagkain.
"Mukhang masasarap ha," puri nito nang maayos na ang lahat.
"Siyempre." Ipinag-serve muna niya ito bago siya kumuha ng sariling pagkain.
“Thanks wifey!”
“Taralets eat!” Grabe, takam na takam siya sa pagkain.
Habang kumakain sila ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nito saka sinundan ng pagpasok ng isang babae.
“Oh, I’m so sorry! I didn’t know you’re with someone right now.”
“Bakit ka bumalik?” tanong ni Slater sa babae.
Dinampot nito ang isang folder sa side ng mesa ni Slater saka ngumiti nang matamis dito. “Nakalimutan ko ‘to. Sige, I’ll go ahead.”
Napataas ang kilay niya nang bumeso ito sa nobyo niya.
“’Till next time, Slatey.”
Slatey?
Parang napipilitan na bumaling ito sa kanya saka tumango. “Sige ha.”
“Sige,” labas sa ilong na sagot niya dito.
Habang papalayo ang babae ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pasadahan ito ng tingin.
Hmm… Perfect figure. Maganda rin.
Bigla niyang naikumpara ang babae sa mga naging girlfriend ni Slater. Maihahanay ito sa mga yun.
Napailing siya.
Walang dahilan para mag-isip siya ng kung anu-ano.
Pero parang bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain.
Napansin iyon ng lalaki. “Bakit ang hina mo yatang kumain ngayon?” nagtatakang tanong nito.
“Diet ako.” Ewan lang niya kung bakit iyon ang naisagot niya dito.
Nanunuksong tumingin ito sa kanya. “Bakit mo pa kailangan mag-diet kung fit and right ka na para sa akin?”
Natawa siya sa sinabi nito at nawala na sa isip niya ang babae.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)