CHAPTER 27

752 5 0
                                    

"Jerico..."

Huminto sa paglalakad si Jerico nang tinawag ito ni Tin.

Lumingon ang kaibigan.

Tinapunan ng tingin ni Tin si Slater. Nang tanguan niya ito ay kumalas sa pagkakaakbay niya ang girlfriend saka nilapitan ang kanilang kaibigan.

Nasa airport silang tatlo upang ihatid si Jerico. Ngayong araw na ang lipad nito patungong New York para asikasuhin ang naghihintay na kontrata dito. Tulad ng sinabi ng kaibigan sa kanya dati, tuluyang tinanggap na nito ang offer ng isang modeling agency doon.

Nakita niyang niyakap nang mahigpit ni Tin ang kaibigan. Nang mapansin niyang parang inaalo ni Jerico ang girlfriend ay lumapit siya sa dalawa.

"Ano ka ba? Sabi ko naman sa'yo okay lang ako 'di ba? Don't worry about me," narinig niyang sabi ng kaibigan kay Tin.

"Salamat talaga, Jerico. Napakabuti mong tao." Umiiyak na sabi ni Tin.

"Oh huwag ka na umiyak, baka mamaya magbago pa ang isip ko." Bumaling ito sa kanya. "Basta bro, ikaw na ang bahala dito ha. Huwag na huwag mo siyang sasaktan."

Nakangiting tumango siya. "Oo naman, mag-iingat ka dun ah. Tawagan mo lagi kami."

"Sige," humiwalay na ito kay Tin. "Sige na princess, male-late na ako sa flight ko." Muli itong tumingin sa kanya. "Balitaan nyo 'ko kung kelan ang kasal ah."

Bagamat nalulungkot para dito ay natawa pa rin siya sa sinabi nito. "But of course! Matutuloy ba ang kasal kung wala ang best man?"

Napangiwi ito. "Sakit naman nun pero para sa inyo, sige." Tumawa ito sabay hawak ulit sa maleta. Kumaway ito sa kanila. "Mamimiss ko kayo."

"Kami rin."

Nang tuluyang makalayo na ito sa kanila ay inakbayan niya si Tin. Yumakap naman ito sa kanya.

"Ang swerte natin sa kanya," narinig niyang sabi ni Tin.

Hinalikan niya ito sa ulo. "I wish him well."

Sabado ng hapon...

Nagising si Tin nang makarinig ng malalakas na pukpok ng martilyo. Matapos maghilamos at magsepilyo ay nagtungo siya sa likod-bahay kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita niya doon ang daddy at kapatid niya, kasama si Slater. Nagkukwentuhan ang mga ito habang may ginagawa na kung ano.

Napangiti siya dahil halatang at home na at home talaga sa kanila ang boyfriend at kasundo nito ang pamilya niya. Lumapit siya sa mga ito.

"Good afternoon!" bati niya sa tatlo.

"Oh, gising na pala ang prinsesa ko," nakangiting sabi ng daddy niya habang naglalagari.

"Hello Tin-Tin." Kumindat sa kanya ni Slater, ito ang pumupukpok.

"Ano yan?"

"Rocking chair, regalo daw ni Daddy kay Mommy," sagot ni Ivan na abala sa pagkikiskis ng kahoy.

"Oo anak, gusto ko kasi ako ang gumawa para mas ma-appreciate ng Mommy nyo."

"Ahh..." tumango-tango siya.

Ang sweet talaga ng Daddy ko!

"Huwag kang magtampo sa'kin kung pinagod ko 'tong boyfriend mo ah. Siya naman 'tong mapilit eh, alam mo na, nagpapalapad siguro ng papel."

Napakamot sa ulo si Slater sa biro ng daddy niya. "Hindi naman po, Tito."

Natawa siya. "Nasaan po si Mommy?"

"Ayun, nag-shopping kasama ang mama nitong si Slater. Bibili daw ng damit para sa anniversary namin."

Oo nga pala.

Next week na ang 25th anniversary ng parents niya at maghahanda daw ang mga ito ng party.

Nagpaalam siya sa mga ito at nagtungo sa kusina at naghanda ng merienda.

"Kain muna kayo," inilapag niya ang dalang tray sa mesa.

"Naku ang prinsesa ko, pwedeng-pwede na talagang mag-asawa."

"O Tin-Tin, narinig mo ang sabi ni Tito ha."

Umingos siya sa nakangising Slater. "Daddy naman, ayaw mo na ba sa'kin? Parang pinamimigay mo na 'ko eh."

"May sinabi ba 'ko? Ang sabi ko, pwede ka nang mag-asawa...” parang nag-isip ito, “mga after 10 years siguro."

"Ten years pa po, Tito?!" nakangiwing tanong ni Slater.

"Oo, ayaw mo?"

Napansin niyang napalunok ang boyfriend niya.

Tumawa ang daddy niya. "Hindi hijo, ang pag-a-asawa, hindi naman natin masasabi kung kelan ba dapat yan eh. Ang importante, kapag naisipan na ng dalawang tao yang tungkol sa ganyan, dapat ay siguradong-sigurado na sila sa nararamdaman nila para sa isa't isa. Hindi naman kasi biro yan eh. Saka kung bang mahal na mahal ninyo talaga ang isa’t isa, sino ba naman ako para tumutol ‘di ba?"

"Sabagay," nakangiting sang-ayon ni Slater.

Mayamaya ay iniwan muna niya ang mga ito para maligo. Matapos maligo ay nagtuloy siya sa study room at kumuha ng isang libro. Tutok na tutok siya sa binabasa kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Slater doon.

Nagulat pa siya nang yumakap ito mula sa likod niya.

“Ano yan huh?” malambing na tanong nito.

Napalingon siya dito. “Hala, nagulat naman ako sa’yo. Hmm… Wala, true to life chorva lang.”

Tumawa ito. “Anong true to life chorva?”

Sinara niya ang libro. “Basta,” nakangiting sabi niya.

Hinigpitan nito ang yakap sa kanya saka siya hinalikan sa cheeks.

“Eww… Slater kakaligo ko lang eh, ‘wag mo muna ‘ko dikitan, pawis na pawis ka pa naman,” pang-aasar niya dito.

Ang totoo ay mukha at amoy fresh pa rin ito kahit pawisan.

Sumimangot ito. “Grabe ka naman, para naglalambing lang eh.”

Bumitaw ito sa kanya saka tuloy-tuloy na lumabas ng study room.

Naku, lagot!

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon