"Thanks for having lunch with me. Ako 'tong nagyaya pero ikaw ang nanlibre, gusto ko tuloy sana may next time pa." Ngiting-ngiting sabi ni Jessica. Naglalakad na sila papunta sa parking lot ng restaurant na kinainan nila.
Natawa siya dito. Ang kulit lang nito!
"Huwag mo 'ko daanin sa tawa, seryoso ako 'no!"
Ngumiti siya. "I know."
"So, may next time pa talaga? Could that mean that you are considering what I said a while ago?" nakangiting titig na titig ito sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya.
"I'll take that as a yes."
"I didn't say anything."
"That's it! You didn't say anything. Kasi kung ayaw mo talaga sa idea ko, you would tell it directly to my face. Maybe a part of you is hoping that you'll be able to forget Tin that's why. Don't worry Slater, if it won't work, I'm willing to let you go."
"You're really something!" naiiling na natatawang sabi niya dito. "Saan mo nabili ang 'good vibes' na 'yan? Meron pa ba? Mukhang pinakyaw mo na lahat."
Napahalakhak ito sa sinabi niya.
"Oh by the way, pwede mo ba 'ko samahan next week? Overnight lang naman. Ininvite kasi kaming dumalo sa isang victory party, eh, wala akong date. I don't take no for an answer."
"Bakit tinanong mo pa ako kung pwede gayong hindi mo naman pala tatanggapin kapag sinabi ko na hindi."
"Eh..." napakamot ito sa ulo.
"Ano'ng araw ba? Alam mo naman na may trabaho ako."
"Don't worry, hindi mo kailangang um-absent. Holiday naman gaganapin 'yun, kaya wala kang takas."
"You're crazy! Sige, sasamahan na kita."
Pumayag na siya tutal wala rin naman siyang gagawin sa darating na holiday. Kaysa magmukmok na naman sa bahay, susubukan nalang niyang mag-enjoy.
"And the grand champion for this cheer dance competition is none other than... the Amazing Kittens!"
Ngiting-ngiti si Ivan nang makitang kay Fretzie iniabot ng judge ang trophy. Nahawa na rin siya sa mga manonood at nakipalakpak.
Mga bata pa lamang sila ay alam na niyang nag-uumapaw na ito sa talento. Alam niya dahil noon, madalas ay patago na pinapanood niya ito habang naglalaro itong mag-isa sa isang bahagi ng park sa village nila na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Kung hindi ito naglalaro ay uma-acting, sumasayaw, o kaya naman ay kumakanta. Nalaman niya lang na doon ito naglalaro nang minsang palihim na sundan niya ito.
Naalala pa niya noon...
Enjoy na enjoy si Ivan sa pakikinig sa kumakantang si Fretzie. Nagkukubli siya sa isang malaking puno malapit sa pwesto ng batang babae.
"Who is that girl I see... Staring straight back at me..."
Inayos niya ang eyeglasses niya. Grabe, ang galing niya! Hindi niya namalayan na na-carried away na pala siya, pumalakpak siya nang malakas.
Biglang napalingon si Fretzie sa kinaroroonan niya. "Sino ka?" Lumapit ito.
Patay!
Nahuli siya nito. "Ivan?" Namula ito, malamang dahil nahiya.
Tabinging ngumiti siya dito at kumaway. "H-hi F-Fretzie. A-ang ga-galing mo palang ku-kumanta!"
Tumawa ito nang tumawa. "Ah, bulol si Ivan, the nerd! Ang tanda-tanda na, bulol pa rin!"
Simula noon ay nahiya na siyang magpakita dito kaya mas pinili niya ang magkulong na lang sa bahay at maglarong mag-isa.
Nang magawi ang tingin ni Fretzie sa pwesto niya ay dali-dali siyang nagkubli.
Si Ivan 'yun ah!
Nawala ang atensiyon ni Fretzie kay Ivan nang mayamaya ay lumapit ang best friend at kasamahan niyang cheerdancer na si Bret. Inakbayan siya nito. "Congrats, best! Ang galing-galing mo!"
Inakbayan din niya ito. "Congrats sa'tin!"
Nang lumingon ulit siya sa pwesto kung saan niya nakita si Ivan ay wala na ito.
Malapit nang makarating sa bahay nila si Fretzie nang biglang..
"Pssst!"
Na-paranoid siya. Gosh, help me! Ang dilim-dilim na pa naman.
Deadma na lang siya at binilisan ang paglakad.
"Hoy, duwag!"
Ivan?
Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. "Grabe, akala ko kung sino na, ikaw lang pala!"
Lumapit ito sa kanya. "Hala ka isusumbong kita sa parents mo, sasabihin ko may boyfriend ka na! Oooops! 'Wag mag-deny, ‘coz I saw you! Kaakbay mo 'yung isang cheerdancer."
Ay sus, si Bret lang pala! Akala ko naman kung sino.
Natawa siya at may naalala.
"Uy, nanood siya kanina," pang-aasar niya dito.
"Of course not! Kaibigan ko 'yung pinanood ko 'no." Defensive na sabi nito, namumula. Tulad noon, ang cute-cute talaga nito 'pag naaasar. Kaya nga kahit nerd ito noon, nagka-crush pa rin siya dito.
"Ngee? Bakit? May sinabi ba akong ako ang pinanuod mo?" dagdag pa niya. "Defensive ka masyado."
Matagal bago ito ulit nakakibo. "Oo na, ikaw talaga ang pinanood ko. I read your post on FB about the competition kaya nanuod ako."
OMG!!! Bakeeeeet???
Nagkunwari siyang hindi kinilig sa nalaman. "Okay."
"So, boyfriend mo nga 'yun?" ungkat ulit nito sa topic kanina.
Deadma lang, Fretz!
"Bakit?"
"Kasi selos ako."
Hanuhveeey???
"Bakit?"
"'Coz I like you a lot. Dati pa."
Ansaveeeeeh???
"Bakit?"
"I don't know! Basta alam ko gustong-gustong-gusto talaga kita kahit lagi mo ako inaasar at pinagtatawanan noon. Gustong-gusto pa rin kita kahit hanggang ngayon ay tinatawag mo pa rin akong nerd. Mahal na nga ata kita eh."
Waaaaaaaaaah!!!
"Ba---"
"Isa pang bakit mo, hahalikan na kita." Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya napaurong siya. "Pwede ba, wala nang maraming tanong. Basta mahal kita, period!"
Kinikilig akong talagaaaaa...
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)