Hindi pa man nagtatagal nang iwan na sina Tin at Slater nina Ivan at Fretzie ay may lumapit na babae sa kanila. Nasa mid-fifty's na siguro ito, kulay blue ang kulot na kulot na buhok, makapal ang make-up, at hanggang sakong ang suot na bestida. Puno rin ito ng burloloy sa katawan.
Naglakad paikot sa dalawa ang babae habang tinitingnan sila mula ulo hanggang paa, pabalik-balik. Mayamaya ay tumapat ito kay Tin.
"Ikaw!" mariin na sabi nito.
Nasindak siya sa paraan ng pagtitig ng babae. "A-ako po?"
"Oo! Ikaw!" hindi pa rin nagbago ang tono nito. "Akin na ang palad mo." Hinablot nito ang palad niya.
Natitilihan na siya sa babae.
"Teka, Manang. Ano pong ginagawa nyo sa kanya?" Tinangkang hilahin ni Slater ang kamay niya pero iniiwas iyon ng babae.
"Sssshhhh! Huwag kang maingay! Hindi ako makapag-concentrate!" Inikot-ikot nito ang hintuturo sa palad niya. "Nakikita kong maswerte ka sa buhay pag-ibig mo..."
Manghuhula?
"Ano po?"
"Katahimikan!" saway ulit nito. "Maswerte ka dahil may dalawang lalaking nagmamahal sa'yo nang tapat."
Dalawa? Baka si Jerico yung isa. Pero sino yung isa?
"Bakit dalawa po? Isa lang ang alam ko."
"Sinabi nang katahimikan eh!"
"Sorry po."
"Isang lalaking handang maghintay no matter how long it would take, at isang lalaking handang magparaya alang-alang sa pagkakaibigan."
Alang-alang sa pagkakaibigan?
"Parehong guwapo. Parehong mayaman. At parehong malapit sa'yo."
Hindi kaya si ---? No! No! No! Imposible!
"Kung gusto mong maging masaya, sundin mo ang puso mo."
Binitawan na ng babae ang kamay niya.
"Ikaw! Akin na ang palad mo!" baling nito sa nananahimik na si Slater.
"Huwag na po! Ayoko sa mga ganyan."
Nanlisik ang mga mata ng babae.
"Hehe... Joke lang po. Eto oh..." ibinigay na ng napapalunok na si Slater ang sariling palad.
Tulad ng ginawa ng babae sa kanya ay pinaikot din nito ang hintuturo sa palad ng binata. "Hmm..." tumango-tango ito. "Isa kang lalaking tapat magmahal pero mapagparaya. Ayaw makasakit pero lumalabas pa rin ang tunay na nararamdaman."
Isa kang lalaking tapat magmahal pero mapagparaya.
"Ano po ang dapat kong gawin?" interesadong tanong ni Slater.
"Wala. Sa huli ay tadhana pa rin naman ang magdidikta kung ano ang mga mangyayari." Tumalikod na ang babae.
"Ang labo naman po nun."
"Iyon lang ang nabasa ko, binata. Paalam na!" kumaway na ito sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa ni Slater.
Weird.
Magsasalita sana si Slater pero naunahan niya ito. "Hindi naman totoo ang hula 'di ba?"
"I don't know."
Hindi na ulit sila nakapag-usap dahil bumalik na sina Ivan at Fretzie. Ibinida ng mga ito ang mga nangyari sa loob ng horror trail.
Gabi na nang makauwi ang apat. Inihatid na nina Slater sina Tin sa bahay ng mga ito.
"Thank you, Kuya Jan. Nag-enjoy kami."
Ngumiti si Slater. "Same here Ivan." Binalingan siya nito. "Thanks, Tin-Tin."
"Thanks din."
Mukhang wala pa itong balak bumalik ng sasakyan. "Hmm..."
"Bakit?"
"Okay na ulit tayo?"
Matagal bago siya nagdesisyong tumango. Naisip niya, sayang din naman kasi ang friendship nila kung magtatapos na lang sa isang iglap. After all, tao lang din naman ito, nakakagawa ng pagkakamali. At siguro, partly ay kasalanan din niya dahil tama rin ito na binigyan lang niya ng ibang kahulugan ang mga ginagawa nito para sa kanya. "Sige, basta huwag mo na ulitin mga ginawa mo dati ha. Kalimutan na rin natin."
"Hmm... Okay," tila hindi siguradong sabi nito.
"O sige, gabi na. Salamat ulit!" kumaway na siya sa magkapatid.
"Okay. Goodnight." Sumakay na si Slater sa kotse nito.
"Bye, Fretz! I love you! See you in my dreams."
Natatawang pinisil niya ang pisngi ng kapatid. "Naku, ang baby brother ko talaga..."
Madaling araw na nang makatulog si Tin. Kahit hindi siya naniniwala sa hula, pilit pa ring pumapasok sa isip niya ang naging hula sa kanya.
Sa huli ay tadhana pa rin naman ang magdidikta kung ano ang mga mangyayari.
"Argh!"
Inis na tumayo si Slater. Kanina pa siya nakahiga para matulog pero inabot na siya nang madaling araw na gising na gising pa rin.
Kasalanan 'to ng manghuhulang yun!
Sumilip siya sa labas ng bintana kung saan matatanaw niya ang bintana ng kwarto ni Tin.
Patay na ang ilaw sa kwarto ng dalaga. "Tulog ka na ba, Tin-Tin?"
Matagal din siyang nakatanaw lang sa kwarto ni Tin bago muling nahiga. "Sweet dreams, Tin-Tin. I love you so much!"
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)