CHAPTER 41

622 5 4
                                    

Daig pa ni Tin ang ipinako sa kinatatayuan dahil sa eksenang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto. Si Slater nakaupo sa sofa habang nakikipaghalikan sa nakakandong dito na si Honey in her bikinis! Natutop niya ang bibig.

"Patay!"

"Shit! Si Christine!"

Nang marahil ay marinig ni Slater ang pangalan niya ay bigla itong napatayo, dahilan para bumagsak sa sahig si Honey.

"Ouch!"

"Tin-Tin!"

Hindi na niya alam kung sinu-sino pa ang mga nagsalita sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan.

Nang makitang papalapit sa kanya ang nobyo ay para siyang natauhan. Patakbong umalis siya sa lugar na iyon.

"Tin-Tin sandali!"

Tinungo niya ang elevator saka pumasok doon. Bago pa sumara iyon ay naabutan pa siya ng tumatakbo ring si Slater.

"Tin-Tin please, let me explain."

Tinulak niya ito.

Nang tuluyang sumara ang elevator ay parang nanghihinang napasandal siya saka nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha niya.

Nang bumukas iyon ay dali-dali na siyang lumabas. Sa nanlalabong paningin ay tinakbo niya ang kinaroroonan ng kotse niya.

Bago pa niya marating ang sasakyan ay may tumawag sa pangalan niya.

"Tinney!"

Patakbong lumapit si Cocoy sa kanya. Umiiyak na yumakap siya dito.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito.

"Ilayo mo 'ko dito please..." umiiyak na sabi niya.

Iginiya siya nito pasakay ng kotse. Ito na ang naupo sa likod ng manibela.

Bago pa nito mapaandar ang sasakyan ay nakalapit na si Slater sa kanila. Kinatok nito ang bintana sa gawi niya.

"Tin-Tin please, open the door. Mag-usap tayo!"

"Please Cocoy, umalis na tayo."

Nakita pa niya sa side mirror ang tangkang paghabol ni Slater sa sasakyan.

Sa pakiusap na rin niya ay hindi muna sila umuwi. Sa halip ay nagmaneho na lang ito nang nagmaneho bagamat walang tiyak na pupuntahan.

Habang nagbibiyahe ay iyak lang siya nang iyak. At kahit paputol-putol ay naikwento niya dito ang nangyari.

"Loko yun ah!"

Nakita niyang nagtagis ang bagang nito.

"Ang sakit-sakit lang."

Kinabig siya nito saka niyakap.

"It's okay," pang-aalo nito. "Iiyak mo lang yan."

Maghahating-gabi na nang iuwi siya nito.

Malayo pa sila ay nakita na niya ang sasakyan ni Slater na nakaparada sa tapat ng bahay nila.

Tumingin siya kay Cocoy.

"Don't worry, hindi ko siya hahayaang makalapit sa'yo."

Hindi pa man humihinto ang sasakyan nila ay lumapit na si Slater sa kanila.

Naunang bumaba si Cocoy saka siya pinagbuksan ng pinto.

"Tin-Tin."

Nagtangkang humawak sa kanya si Slater pero tinabig ito ni Cocoy.

"Huwag kang makialam dito pare!"

Tinulak ni Slater si Cocoy at gumanti din ang huli.

"Don't you get it? Ayaw niya makipag-usap sa'yo!"

"Huwag ka sabing makialam!"

Halos magsuntukan na ang dalawa kaya pumagitna na siya sa mga ito.

"Tama na!" sigaw niya. "Umalis ka na Slater!"

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako pinapakinggan."

Nagtangka ulit itong hawakan siya pero humarang si Cocoy.

"Ang kulit mo rin eh no?"

"Bakit ka ba nakikialam? Problema namin 'to!"

"Makikialam ako kung gusto ko!"

Bigla na lang sinuntok ni Slater si Cocoy kaya sumadsad ito sa daan.

"Oh My God, Cocoy!"

Itinulak niya si Slater.

"Umalis ka na! Ayoko nang makita ka pa!"

Dinaluhan niya si Cocoy. Nagdudugo ang pumutok na labi nito.

"Tin-Tin..."

Noon biglang bumukas ang gate at lumabas ang parents niya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng daddy niya.

"Tito please, pakisabi naman po kay Tin-Tin na makinig muna sa'kin."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil simula ngayon, break na tayo! Wala nang kasalang magaganap!"

"Anong ibig mong sabihin anak?" tanong ng mommy niya.

"Mom please, tulungan na lang natin si Cocoy."

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon