"Okay lang ba get up ko, Ate? Do I look good?" tanong ni Ivan kay Tin isang araw.
Sinipat niya ito nang tingin. Naka-jersey ito. "Where are you going?"
A naughty smile curved on his lips. "Kina Fr... I mean, I'll just meet some old friends... basketball daw kami."
Naghihinalang tiningnan niya ito. Mata sa mata. "Really? Basketball lang pero ang bango-bango mo. May pa-do I look good-do I look good ka pang nalalaman diyan? Para ka lang aakyat ng ligaw eh."
Naging mailap ang mata nito. "Ate naman..."
Napansin niya ang di-kalakihang box na hawak nito. "Ano 'yan?" Curious na sinilip niya ang laman niyon. "Palaka?" Napatili pa siya nang biglang tumalon ang palaka, mabuti nalang at kaagad niyang naisara ang kahon.
Tumalikod na ang kapatid sa kanya.
"Aasarin mo na naman si Fretzie, 'no? Ikaw talaga, baka mamaya magsumbong na 'yun sa parents niya."
"What can I do? Ang sarap niyang asarin eh. Sige na, bye Ate!"
Iiling-iling na iniwan na siya nito.
"Hi, Kuya Jan! Where's Fretzie?" masiglang bungad ni Ivan kay Slater.
Bahagya pa siyang nagulat dito dahil medyo nakatulala siya. "At the pool side, nagpapa-araw."
"Thanks, Kuya Jan!"
Hindi niya napigilan ang magtanong dito. "Your sister?"
Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. "She's at home, alone."
Alone.
Nagdalawang-isip pa siya kung pupuntahan ito o hindi. Sa huli ay tumayo rin siya upang puntahan ito. Bago tuluyang makalabas ng bahay ay narinig pa niya ang malakas na tili ng kapatid na sinundan ng malutong na tawa ni Ivan.
"Sumosobra ka na talaga, Ivan! I hate you! Layas! Neeeerd!"
"Hindi na kaya ako nerd ngayon. Hahaha! Takot sa frog!"
"Layas, bwisiiiiiit!"
"Really? Sige, magpapaalam ako. Bye, Eco."
Ibinaba na ni Tin ang telephone saka sumandal sa sofa. Tinawagan siya ni Jerico para imbitahang sumamang um-attend sa victory party dahil naging matagumpay ang katatapos lang na fashion show ng mga ito. Overnight at sa Subic daw gaganapin iyon. Tamang-tama, sembreak na nila next week.
Naramdaman niyang parang may tao sa likod niya kaya napalingon siya. Ganoon na lang ang pagkakakunot ng noo niya nang malaman kung sino. "What are you doing here?" Napatayo siya.
Lumapit si Slater sa kanya. Napansin niyang medyo pumayat ito, nanlalalim ang mga mata, at halatang hindi pa nakakapag-ahit. "Please Tin-Tin, let's talk." Nakikiusap ang tono nito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Alam ko na ang lahat, nasabi mo na." Naiinis siya sa sarili niya dahil nakaramdam siya ng pag-aalala sa nakikitang hitsura nito.
It's been a month since that incident happened, at aminin man niya o hindi, walang araw na hindi niya ito nami-miss. Kahit nga 'pag magkasama sila ni Jerico, madalas natitigilan siya kapag may ginagawa silang nakakapag-paalala sa mga bagay na ginagawa din nila dati ng binatang kaharap.
"Please, kausapin mo ako. Ayusin natin 'to." Tinawid nito ang distansyang namamagitan sa kanila saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. Nagsusumamo ang mga mata nito.
Don't be stupid, Tin! Huwag kang magpadala.
Nagpumiglas siya. "Bitiwan mo 'ko. Ayoko nang makita ka pa kaya tantanan mo na 'ko!" Hindi niya mapigilan, tulad nito, namamasa na ang mga mata niya.
"I know I've hurt you, and I'm so sorry. Please, forgive me. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."
Pinili niya ang magmatigas at huwag magpadala sa sinasabi nito. "Kaya mo, Slater! May kapatid ka, hindi mo na kailangan ng isa pang kapatid sa pamamagitan ko."
Bahagyang natigilan ito at tila may inisip. Mukhang nag-atubili pa ito pero sa huli ay nagsalita rin. Malungkot na umiiling ito. "I never meant it nung sinabi kong kapatid lang ang tingin ko sa'yo. Tama ka, kailangan kita sa buhay ko pero hindi bilang isang kapatid lang. Yes, I need you. I need you so bad that it hurts knowing you are asking me to stay out of your life."
Naguguluhan na siya dahil sa sinabi nito. Hindi daw talaga kapatid ang tingin nito sa kanya? Parang may something na nagsasabi sa kanya na may pag-asa pa sila.
Could it be...?
Naputol ang pag-iisip niya nang dahan-dahan ay hawakan nito ang mukha niya hanggang sa unti-unti ay bumaba ang mga labi nito sa labi niya.
Nang una ay parang nananantiya pa ang paraan ng paghalik nito. Oh, how she missed his kisses! Even Jerico wasn't able to give her the feeling Slater is giving her everytime they kiss. Slater's kiss makes her feel complete, parang wala na siyang mahihiling pa. Gone were all her defenses, tuluyan na siyang natangay nito. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa ulo nito at tinugon ang halik nito.
Hindi pa sila maghihiwalay kung hindi pa sila parang kakapusin sa hangin. Ngumiti si Slater sa kanya, then he kissed her again.
"Have you heard about the term 'kissing friends'?"
"Have you heard about the term 'kissing friends'?"
"Have you heard about the term 'kissing friends'?"
Pauli-ulit. Sa naalala ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig. She pushed him away.
Labis na nabigla si Slater nang bigla siyang itulak ni Tin.
"What's wrong, Tin-Tin?" malambing na tanong niya dito sabay punas sa luha nito gamit ang daliri.
"Umalis ka na, Slater" seryosong sabi nito.
Hindi niya maintindihan ito. "But why? Akala ko okay na tayo?"
"Humanap ka na lang ng babaeng willing magpahalik sa'yo kahit kailan mo gusto. Hindi ako cheap katulad ng inaakala mo."
What she just said gave him a hint. "Tin-Tin, it's not what you think it is. Listen to me, I lo--"
"Please Slater, tigilan mo na 'ko. Boyfriend ko na si Jerico, and I love him. Sana matuto ka namang rumespeto."
"Boyfriend ko na si Jerico, and I love him."
Umiling-iling siya. "I don't believe you. Kung totoong mahal mo siya, then why did you respond to my kisses?" He swear, he felt something very special with the way she kissed him back.
Handa na siyang magpakatotoo sa nararamdaman niya. Saka na lang niya po-problemahin ang tungkol kay Jerico.
Natawa ito nang pagak. "Hindi sa lahat ng oras, tama ka Slater! Oo na, nadala ako kaya tinugon ko ang halik mo. But, that didn't change anything. I love Jerico at sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari sa atin a while ago."
"But you also told me before that you love me."
"Yeah right! Pero akala ko lang pala 'yun, masyado lang siguro akong nadala sa mga ipinakita mo sa akin noon. But now I know better, si Jerico ang mahal ko."
Ang sakit-sakit ng salitang binitiwan nito. How he wished na sana ay isang masamang panaginip lang iyon. "Tin..."
"Umalis ka na, Slater." Itinulak siya nito. "Alis!" malakas na sabi nito.
Noon biglang dumating si Ivan. "What's going on? Are you two fighting?" bakas ang pagtataka sa mukha nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang umalis na.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)