CHAPTER 39

614 6 2
                                    

Nang matapos ang graduation ni Tin ay kumain lang sila nina Slater kasama ang buong pamilya niya at kapatid nitong si Fretzie sa labas dahil ayaw na niyang maghanda pa sila sa bahay.

"Congratulations ulit wifey! I'm so proud of you." Bati na naman nito nang nasa sasakyan na sila.

Humiwalay ng sasakyan ang mga magulang niya kasama sina Ivan at Fretzie.

"Naku, kanina mo pa 'ko binabati dyan pero yung gift ko parang nakalimutan mo nang ibigay." Lumabi siya at nagkunwaring nagtatampo.

"Pwede ba naman yun?" May inilabas itong jewelry box mula sa bulsa nito at iniabot sa kanya.

"Ano 'to?" Nakangiting kinuha niya iyon. "Engagement ring?"

"Buksan mo para malaman mo."

Nakangiting dahan-dahan na niyang binuksan ang box. Literal na napanganga siya nang makita kung ano ang laman niyon.

Susi?

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.

"Hala, mukhang ayaw mo naman sa gift ko." Parang nagtatampong sabi nito. "Akin na, ibalik mo na lang sa'kin."

Nakonsensiya naman siya kaya pilit na lang siyang ngumiti.

"Heh! Wala akong sinabing ayaw ko neto." Pinisil niya ang ilong nito. "Sige na, drive na."

Tumalima naman ito saka nagmaneho pauwi.

Lihim siyang napangiwi.

Nyay! Ano naman ang gagawin ko sa susi?

Hindi naman sa materialistic siya pero kanina kasi habang binubuksan niya ang box ay talagang nag-expect siya na necklace ang laman niyon or engagement ring.

Dalawang kanto mula sa bahay nina Tin ay biglang huminto ang sinasakyan nila ni Slater.

"Bakit?" tanong niya sa nobyo.

"Nasiraan yata tayo."

Nang bumaba ito ay bumaba na rin siya.

Ininspeksyon nito ang sasakyan pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"Hingi ka naman ng tulong diyan oh," itinuro nito ang bahay sa likod niya.

Alam niya na bagong gawa lang iyon dahil noong mga nakalipas na buwan ay nakikita niyang ginagawa pa iyon tuwing mapapadaan siya.

Bagamat nahihiya ay napilitan siyang lumapit doon. Habang papalapit siya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdang mabuti ang bahay at noon lang niya na-appreciate ang kagandahan niyon. Simple lang ang pagkakagawa pero classy at unique, napaka-homey ng dating.

Nakailang pindot na siya sa doorbell pero walang lumalabas.

Nilingon niya si Slater na nakamasid lang sa kanya.

"Wala yatang tao eh," napakamot siya sa ulo. "Tara, sa iba na lang tayo humingi ng tulong."

"Wait lang!" Lumapit ito sa kanya. "Nasaan yung binigay kong susi?"

Binusisi niya ang hawak na pouch. "Andito, bakit?"

"Try nga natin, baka pwede."

"Ano ka? As if naman possible yun!"

"Malay natin 'di ba?" Marahang itinulak siya nito palapit sa gate. "Sige na."

Sunod-sunod na umiling siya.

"Ayoko nga! Baka makasuhan pa tayo ng Tresspassing no."

"Hindi, ako ang bahala."

Nagmatigas pa siya pero nagpumilit ito. Sa huli ay pinagbigyan na lang niya ang nobyo.

"Basta wala akong kinalaman dito ah."

Sinubukan niyang ipasok ang mas maliit sa dalawang susi sa gate.

"Oh my gulay!" bulalas niya nang bumukas iyon.

Narinig niyang tumawa si Slater.

"O, yung door naman."

Tulad ng sinabi nito ay ang pintuan naman ang nilapitan nila at sinubukan niyang buksan gamit ang mas malaking susi.

"Oh my gulay!"

Nang itulak nito pabukas ang pinto ay biglang sumindi ang ilaw.

"Surprise!!!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nandoon ang mga magulang at kapatid niya, pati ang mga magulang nito at kapatid.

Sa harap ng mga ito ay isang mesang puno ng pagkain.

Naluluhang nilingon niya ang nobyo na nakaakbay sa kanya.

"Do you like it?" ngiting-ngiting tanong nito.

Nayakap niya ito sa sobrang tuwa.

"Thank you, hubby!"

"Tara, let's eat!"

"Happy anak?" nakangiting tanong ng mommy ni Tin habang kumakain sila.

Iniwan sila sandali ni Slater para kumuha ng dessert.

"Yes mommy." Bigla siyang may naalala. "Nasaan po pala ang may-ari ng bahay? Magpapasalamat lang ako."

Nakakahiya, kabago-bago pa lang ng bahay pero pumayag ito na ipahiram sa kanila.

"Wait, tawagin ko."

Nang bumalik ang mommy niya ay kasama na nito ang nobyo niya.

"May sasabihin ka daw?" ani Slater.

"Oo, pero hindi sa'yo."

"Anong hindi sa kanya?" tanong ng mommy niya. "Eh tinawag ko nga siya para sa'yo 'di ba?"

Nang makuha ang ibig sabihin ng mga ito ay sunod-sunod na naman ang naging pag-iling niya.

"No... way!"

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon