CHAPTER 40

640 3 0
                                    

"Excuse lang, iwan ko muna kayo."

"Sige po, Tita."

Nang silang dalawa na lang ang natira ay tinabihan ni Slater si Tin.

"Huy! Natulala ka na diyan." Nangingiti at napapapalatak na pukaw ni Slater sa kanya.

"So, sa'yo pala 'to?"

"Oo, sa'kin... at sa'yo."

"Huh?"

"Eh 'di ba nasa'yo yung susi?"

"Oo."

"Edi sa'yo nga rin." Natatawang sabi nito. "Ano bang gagawin mo sa susi kung hindi mo naman magagamit?"

Oo nga naman.

"Argh! Nababaliw na'ko!"

"Uy wag muna!Magpapakasal pa tayo." Kinabig siya nito. "At titira pa tayo dito."

"My gulay, hubby. Masyado mo na akong ginugulat." Humilig siya sa balikat nito. "Don't tell me concept mo din ang ginamit sa paggawa nito?"

"Actually, yes!"

"Oh my gulaaay!!!"

Mahigit isang buwan na lang at magpapakasal na sina Slater at Tin kaya puspusan na ang naging paghahanda nila.

Nakausap at napasukatan na nila ang lahat ng kasali sa entourage at naipamigay na rin nila lahat ng invitations. Napa-bless na rin nila ang magiging bahay nila kapag kasal na sila.

"Fretz, tumawag ba sa'yo ang kuya mo? Di ko kasi ma-contact eh," tanong ni Tin sa kapatid ni Slater.

Gabi na kasi kaya sinubukan niyang tawagan ang nobyo para tanungin kung bakit hindi pa ito umuuwi. Alam niya dahil tuwing uuwi ito ay dumadaan muna ito sa kanila.

"Hindi Ate eh. Na-try mo na ba tawagan sa office?"

"Hindi pa," sagot niya. "Sige try ko na lang tawagan dun. Thanks, Fretz."

"Okay Ate."

"Sir?"

Nag-angat ng ulo si Slater.

"Yes, Mel?"

"Si Ms. Tin po tumatawag."

"Ahh sige sagutin ko na. Thank you!"

Iniwan na siya ng secretary niya.

"Hi wifey!"

"Uy gabi na ah, di ka pa ba uuwi?"

Napangiti siya.

"Bakit? Miss mo na 'ko no?"

"Oo. Isa pa, tinatawagan kita sa cellphone mo pero di kita ma-contact kaya nag-alala ako."

"Aww! Ang sweet-sweet naman talaga ng wifey ko." Tiningnan niya ang cellphone. "Hala, low batt naman pala ako eh."

"Ganun?"

"Opo. Don't worry, tapusin ko lang 'tong ginagawa ko tapos uwi na din ako."

"Okay. I love you hubby!"

"I love you more!"

Hindi pa nagtatagal nang matapos niyang makausap si Tin nang biglang pumasok ang katrabaho niyang si Ryan.

"Dude!"

"O, bakit?"

"Tara muna sa office ko."

"Bakit?"

"Basta. Saka mo na tapusin yan. Nandun ang lahat, ikaw na lang ang wala."

Halos kakatapos lang makausap ni Tin si Slater nang may matanggap siyang text message mula sa isang hindi kilalang sender. Binasa niya iyon.

Punta ka sa office ng bf mo ASAP... May kelangan kang malaman!

Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda kaya dali-dali siyang nagpalit ng damit saka nagtungo sa pinagtatrabauhan ng nobyo.

"Hello Mel," bati niya sa secretary nito. "Si Slater?"

"Nasa office ni Sir Ryan."

Matapos itanong dito kung saan ang office ng lalaki ay tinungo na niya iyon.

Hindi inaasahan ni Slater ang bubungad sa kanya pagpasok niya sa office ni Ryan. Nandoon nga ang ilan sa mga katrabaho niyang lalaki. May mga nakahandang pagkain at alak.

"Grabe, ano 'to?"

Tinapik siya sa balikat ng kasamahang si Paco.

"Ilang linggo na lang magpapasakal ka na, kaya naisipan namin 'to. Actually suggestion 'to ni Ryan eh."

So, wala siyang kaalam-alam na naghanda ang mga ito ng Stag Party para sa kanya?

"Thanks mga bro, thanks for the effort."

Inabot ni Unad sa kanya ang isang bote ng alak.

Mayamaya ay biglang may pumatay ng ilaw at konting liwanag na lang ang natira. May tumugtog din na medyo maharot na tugtugin."Excuse lang, iwan ko muna kayo."

Noon biglang bumukas ang malaking box sa gitna saka lumabas ang isang naka-maskara at naka-bikining babae. Nagsayaw ito palapit sa kanya.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga kasama niya.

"Oh My God!"

Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya sa nangyayari.

Napaatras na lang siya nang pilit na dinidikitan siya ng babae habang patuloy ito sa pagsayaw. Nang wala na siyang maiaatras pa ay itinulak siya nito kaya napaupo siya sa sofa.

"Yeah!" sigaw ng isa sa mga kasama niya.

Pilit siyang tumatayo kaya naupo na ang babae sa kanya sabay alis ng suot na maskara.

"Honey?" kunot na kunot ang noong sambit niya.

Hindi agad siya nakahuma nang bigla na lang siya nitong halikan sa labi.

"Patay!"

"Shit! Si Christine!"

What?!

Nang marinig ang pangalan ng nobya ay bigla siyang napatayo. Bumagsak si Honey sa sahig.

"Ouch!" daing nito.

"Tin-Tin!"

Noon biglang bumukas ang malaking box sa gitna saka lumabas ang isang naka-maskara at naka-bikining babae. Nagsayaw ito palapit sa kanya.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga kasama niya.

"Oh My God!"

Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya sa nangyayari.

Napaatras na lang siya nang pilit na dinidikitan siya ng babae habang patuloy ito sa pagsayaw. Nang wala na siyang maiaatras pa ay itinulak siya nito kaya napaupo siya sa sofa.

"Yeah!" sigaw ng isa sa mga kasama niya.

Pilit siyang tumatayo kaya naupo na ang babae sa kanya sabay alis ng suot na maskara.

"Honey?" kunot na kunot ang noong sambit niya.

Hindi agad siya nakahuma nang bigla na lang siya nitong halikan sa labi.

"Patay!"

"Shit! Si Christine!"

What?!

Nang marinig ang pangalan ng nobya ay bigla siyang napatayo. Bumagsak si Honey sa sahig.

"Ouch!" daing nito.

"Tin-Tin!"

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon