"Mom, Dad... Alis po muna saglit kami nitong si Jerico. Kukunin ko lang po mga gamit ko kina Tita."
"Sure, Christine."
Nagsalita ang daddy ni Slater. "Why don't you help them, Slater?"
Walang pa ring imik na tumayo ang kanina pa nananahimik na si Slater.
Hinila na ni Tin ang kamay ni Jerico. "Halika na."
"Sayang, wala sina Mommy't Daddy. Hindi tuloy nila alam na dumating ang family mo." Bakas sa tono ni Jerico ang panghihinayang. Matagal na kasing lumipat ng tirahan sa Pampanga ang mga magulang nito, samantalang ito ay may nabiling condo unit at doon namamalagi.
"It's okay, Jerico. Tawagan na lang natin sila."
"Yeah right. I'm sure matutuwa ang mga 'yun 'pag nalaman na nila." Binalingan nito si Slater. "Problem, bro? Kanina ka pa tahimik eh."
"Just don't mind me. Nalulungkot lang siguro ako na aalis na dito si Tin-Tin." Sinulyapan siya ni Slater na dinedma lang niya.
"Kuya."
"Fretzie?"
Lumapit si Fretzie sa tabi ni Slater. "Umiinom ka na naman?"
"Nagpapaantok lang."
"Kuya may problema ba kayo ni Ate Tin?"
"Bakit? May nabanggit ba siya sa'yo?"
"Ang sabi kasi niya..."
Nilingon niya ang kapatid. "Ano'ng sabi niya?"
"Sabi niya konting misunderstanding lang daw. Totoo ba 'yun?"
He sighed. "Yeah, konting misunderstanding lang."
Talaga lang, Slater? You wish!
"Kung ganoon lang 'yun, bakit kung umasta kayo ay parang grabe ang nangyari sa inyo? Napansin ko kay Ate Tin, parang madalas napipilitan lang siyang pansinin ka." Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Kung alam mo lang kung gaano ko siya nasaktan Fretz, maiintindihan mo kung bakit.
"Kuya, sila na ba ni Kuya Eco? Akala ko ba kayo? Hindi man ninyo inamin noon, kitang-kita naman kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. So, why the sudden change? I don't understand."
Inakbayan niya ang kapatid. "Alam mo Fretz, sa buhay, may mga bagay talagang mahirap intindihin at ipaliwanag. Masyado ka pang bata para maintindihan mo kaya sige na, matulog ka na."
Mukhang may gusto pa itong sabihin kaya inunahan na niya ito. "Please, Fretzie. I don't want to talk about it."
"Okay. 'Night, Kuya."
Nang muling mapag-isa ay kumuha pa siya ng isang bote ng beer saka nagtungo sa kwarto na ginagamit ni Tin noong nasa kanila ito.
Malungkot na binalikan niya sa alaala nang gabing dumating si Tin sa kanila...
Matapos maghapunan ay excited na niyaya ni Slater si Tin na pumanhik sa taas para ipakita dito ang magiging kwarto nito sa bahay nila na siya ang personal na nag-ayos. Kakarating lang nito galing States. Siya at ang kapatid na si Fretzie ang sumundo dito mula sa airport.
"Whoa! Ang ganda!" bulalas nito nang makita ang ayos ng kwarto.
Nasiyahan siya nang makita ang reaksiyon nito. "Do you like it?"
"Superb! Ang sabi ko nga maganda, 'di ba?"
Ginulo niya ang buhok nito. "Aba, ang taray mo na ngayon ah!"
Malakas na tinapik nito ang kamay niya. "Heh! Sinabi ko na dati sa'yo na huwag na huwag mo nang gagawin 'yan eh."
Excited na nahiga ito sa malambot na kama. "Sige na, layas na at nang makapagpahinga na 'ko."
"Ang taray talaga oh! Hindi man lang marunong mag-thank you sa taong nagpagod lang naman nang husto para lang sa pag-aayos nitong kwarto." Nagkunwari siyang nagdaramdam.
"Edi thank you! You're the best talaga! Hayaan mo, ipapagawa kita ng monumento as a sign of my appreciation. Sige na, makakaalis ka na."
"Okay. Okay. Paligiran mo na lang ng unan ang sarili mo kapag matutulog ka na ha, may nakikitulog kasing duguang matanda diyan 'pag gabi eh." Tinungo na niya ang pinto.
Sa sinabi niya ay mabilis pa sa alas-kwatrong bumangon ito at tumakbo papunta sa kanya. Yumakap ito nang mahigpit sa kanya.
"Wala naman ganyanan uy!" takot na takot na sabi nito.
Natawa siya dito. "Hanggang ngayon pala matatakutin ka pa rin, Tin-Tin. Joke lang 'yun!"
"It's not funny!"
"O sige na, sorry na."
Nang hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya...
"Sige na, labas na 'ko para makapagpahinga ka na."
"Slater."
"Bakit?"
"Samahan mo muna ako, kahit hanggang sa makatulog lang ako. Please?"
"Bakit?"
"Nakakatakot eh."
"Joke nga lang 'yun. Wala naman talagang ganun."
"Kahit na, natatakot pa rin ako. Ikaw kasi eh."
Natatawang bumalik na nga siya sa loob upang samahan ito.
"Huwag na huwag kang magtatangkang gapangin ako okay, kung hindi, sisigaw ako."
Sa sinabi niya ay hinampas nito ang braso niya. "Walang gapangan na magaganap kaya manigas ka!"
Nahiga na sila sa kama at nagkwentuhan muna bago parehong tuluyang hilahin ng antok.
He smiled bitterly. Ngayon, wala na si Tin sa bahay nila, at ang mas higit na nagpapalungkot sa kanya ay ang isiping maging sa buhay niya ay unti-unti na rin itong nawawala. Inisang-lagok niya ang laman ng boteng hawak.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)