"Sir?"
Napakurap si Slater nang iwagayway ng secretary niya ang kamay nito sa harap niya.
"O bakit?" matamlay na tanong niya.
"Okay lang kayo, Sir? Kanina pa po kayo tulala."
"Yeah, okay lang ako."
Sino'ng niloko mo, Slater?
Paulit-ulit pa rin na bumabalik sa isip niya ang huli nilang naging pag-uusap ni Tin. It's been almost a week since it happened pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam nga niya ay mas lalo iyong tumitindi bawat araw.
"Bakit ba?"
"Nasa labas po si Ma'am Jessica."
"Sige, let her come in."
What's with Jessica?
Simula nang araw na hindi sinasadyang magkita sila nito kasama sina Carlo at Wendy ay lagi na itong pumupunta sa office niya o kaya naman ay tumatawag. Madalas, nakikipagkwentuhan lang naman ito sa kanya.
"Hello, Jan Slater!" todo ang ngiting bati nito sa kanya pagkapasok pa lang nito sa opisina niya.
Pinilit niyang ngumiti. "Jess." Tumayo siya at nakipag-beso-beso dito.
Tulad ng dati, nakipagkwentuhan lang ito sa kanya.
Inabot na sila ng lunch break. "Would you mind if I ask you to have lunch with me?"
Ayaw sana niya pero hindi naman niya gustong ipahiya ito. "Sure."
Sa isang classy na restaurant napadpad sina Slater at Jessica.
Habang hinihintay ang order nila ay nagkwentuhan muna sila.
"Hmm... Slater, can I ask you something?"
"What is it?"
"I know it's quite personal but I'll ask it anyway." Tumingin ito nang diretso sa mga mata niya. "Do you have a girlfriend?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong nito. "Why did you ask?"
Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "It’s because I like you. I know this is not a lady-like thing, pero gusto ko pa ring malaman."
"Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi mo Jess."
"Why? Meron na?"
"Wala. I don't have a girlfriend."
"But, are you in love with someone else?"
Nagkibit-balikat lang siya.
Malungkot na ngumiti ito. "I get it."
Iniba na nito ang topic. Mayamaya ay dumating na ang order nila. Habang kumakain ay tuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan. Hindi sinasadyang napalingon siya sa may entrance at natigilan sa nakita.
Natigilan sa paglalakad si Tin nang mapalingon siya sa isang mesa habang papasok sila ni Jerico sa restaurant. Nakita niya si Slater, may kasama itong isang magandang babae. Nang mapatingin ito sa gawi nila ay iniiwas niya ang tingin dito. Ayaw man niya, nasaktan pa rin siya sa nakita.
Wala kang karapatang masaktan, Tin! Nandiyan ang boyfriend mo, sa kanya ka mag-focus.
"Oh, nandito rin pala si Slater eh." Hinila siya ni Jerico sa kamay at lumapit sa mga ito.
"Hello, bro. Hello Miss...?" inabot ni Jerico ang isang kamay sa kasama ni Slater.
Nagkamay ang dalawa. "Jessica. I'm Slater's---"
"Girlfriend ko," sabad ni Slater. Nagtinginan ang dalawa.
Girlfriend?
Daig pa niya ang sinampal nang pagkalakas-lakas sa narinig. Muli, nagyuko siya ng ulo.
"Well... Hello, Jessica. I'm Jerico and this beautiful lady over here is my princess, Tin." Inakbayan siya ni Jerico saka hinalikan sa noo. "Loko ka bro, naturingan kang kaibigan pero ni hindi mo nabanggit sa amin na may girlfriend ka pala."
Hindi niya narinig magkomento si Slater.
"Pleased to meet you, Tin."
Napilitan siyang ngumiti at makipag-beso-beso kay Jessica. She seemed so nice. "Same here, Jessica."
Tumingin siya kay Jerico, tingin na nagyayaya nang iwan ang dalawa.
Nakuha naman ng kasintahan ang nais niyang iparating. "Sige, maiwan na namin kayo. Gusto akong masolo nitong prinsesa ko eh. Nice meeting you, Jessica. Bro?" tinanguan nito si Slater.
"Sige."
Magkaakbay na iniwan na nila ang dalawa.
Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Tin ang hindi mapasulyap sa pwesto nina Slater, at sa tuwina ay nahuhuli niyang nakatingin din ito sa gawi nila. Lalo na sa kanya.
Whatever!
Itinuon na lang niya ang atensiyon kay Jerico at pilit pinasigla ang sarili.
"So, Tin is the one you love."
Napatingin si Slater sa nagsalitang si Jessica.
"Halata ka kasi masyado 'no. Dumating lang sila, bigla girlfriend mo na ako? Ni hindi pa nga ako nakakapagsimulang manligaw."
Natawa siya dito. "Iba ka talaga. Nakuha mo pang magbiro."
"What do you expect, magmumukmok ako porke't nalaman kong may iba ka nang mahal? I'm still lucky kaya dahil taken na pala ang minamahal mo." Tumawa ito. "If you want, I will help you so you could forget her."
Sumeryoso ang mukha niya sa huling sinabi nito.
"Just kidding, ano ka ba? But if you want to take it seriously, then, much better." Muli, tumawa ito.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)