"What will you say if I ask you to marry me?"
Namimilog ang matang napalingon si Tin sa katabing si Slater. Pareho silang nakahiga sa kama, nakaunan ang ulo niya sa dibdib nito.
"Seryoso?"
Hinalikan siya nito sa ulo.
"Serious if you'll gonna say yes."
"What if I say no?" tudyo niya dito. Masyado siyang nabigla sa sinabi nito.
"Then consider it as a joke," half-smiling na sagot nito.
Ngumiti lang siya at sumiksik dito.
"Ano na, are you gonna say yes?" mayamaya ay muling tanong nito.
"Ano ba gusto mong maging sagot ko?"
"Anything..." huminto muna ito ng ilang segundo bago dinugtungan ang sinasabi. "Except no."
Napahalakhak siya.
"No, seriously, I am hoping you'll say yes."
Nang tumingin siya dito ay nakita niyang seryosong-seryoso ang mukha nito.
Sumeryoso na rin ang mukha niya.
"Of all people, why me? Ang daming iba diyan, mas maganda, mas sexy, mas matalino..."
"Hay naku Tin-Tin, ayan ka na naman. Pinapairal mo na naman ang insecurities mo," pumalatak ito.
"Eh bakit nga ako?"
"Bakit hindi?" balik tanong nito. "Aanhin ko ang mas maganda, mas sexy, at mas matalino kung hindi naman ikaw yun?"
Na-touch siya sa sinabi nito kaya naluha siya.
"O, bakit ka umiiyak?" pinahid nito ang luha niya. "Kung ayaw mo naman talagang magpakasal sa'kin, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo. Naiintindihan ko naman yun kasi syempre bata ka pa, marami pang gustong ga---"
Marahang tinampal niya ito.
"Nagtalumpati ka na diyan." Naluluha pa rin na natatawa siya, pero mayamaya ay sumeryoso din. "Ano ka ba, masaya lang ako! I love you, Slater. And yes, I will marry you."
"Really?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.
Natawa siya sa hitsura nito.
"Oo!" ginulo niya ang buhok nito. "Gusto mo bawiin ko?"
Sunud-sunod na umiling ito.
"Uy huwag! Touch move, okay?"
"Ano bang meron at niyaya nyo kami dito?" tanong ng daddy ni Tin sa kanilang dalawa.
Nasa isang restaurant sila kasama ang mga magulang at kapatid nila. Niyaya nilang dalawa ang mga ito na mag-dinner.
"Hmm..." lalong na-tensed si Slater sa tanong nito. "Actually po Tito, Tita..."
Sumulyap din siya sa mga magulang niya.
"Mommy, Daddy… Fretz, Ivan... B-balak na po namin magpakasal ni Tin-Tin."
Sabay-sabay na lumipad ang tingin ng lahat sa dalawa.
"What?!"
"Ano?!"
"Huh?!"
"Ano daw?!"
"OMG Kuya!!!"
"Cool!"
Halos mabingi siya nang sabay-sabay na bumulalas ang mga kasama. Pinagpawisan pa siya ng malamig nang mapatayo ang daddy ni Tin.
Ginagap ng katabing si Tin ang kamay niya. Nang sulyapan niya ito ay mukhang tensed din ito.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)