CHAPTER 20

690 5 0
                                    

Habang rumarampa si Jerico at naririnig ni Tin ang malalakas na tilian ng mga manonood ay hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti.

Ang layo na nga talaga ng narating nito at proud na proud siya dito. Alam kasi niyang bata pa lang sila ay pangarap na nitong maging isang model.

Mayamaya ay napansin niya ang isang guwapong lalaki malapit sa kinaroroonan nila na patingin-tingin sa kanya.

Ano'ng problema nun?

Hindi na sana niya papansinin ang lalaki pero hindi nagtagal ay lumapit ito sa kanya.

"Hi miss, may I know your name? I'm Anthony by the way," nakangiting inilahad nito ang kamay sa kanya.

Bago pa siya makakibo ay bigla na lang siyang inakbayan ng katabing si Slater at kinabig palapit. "Saying something, pare?"

Napansin niyang matalim ang tingin dito ng kaibigan.

"Ooops, sorry dude!" nakataas ang dalawang kamay na sabi nito saka tumingin sa kanya. "Sorry miss, forget I asked."

Nagpapaunawa ang ngiting tinanguan na lang niya ito.

"Ang lakas ng loob ng lalaking 'yun," parang bumubulong lang na sabi ni Slater.

Natawa siya. "Eh bakit ba ang sungit mo diyan?”

“Iba kasi siya makatingin eh, parang may… argh! Never mind!”

 “I think he's just being friendly."

"Oh shut up, Tin-Tin!"

Mukhang bad trip ito kaya nanahimik na lang siya.

Teka nga muna, bakit ba nagagalit sa’kin 'to? Bahala ka nga sa buhay mo! Hmp!

Pagkatapos ng fashion show ay tinawagan ni Jerico si Tin para sabihing magkita na lang sila nito sa may parking lot.

Hanggang sa parking lot ay nakasunod lang sa kanya si Slater bagamat hindi sila nag-uusap.

Ni minsan ay hindi siya nagtangkang pansinin o kausapin ulit ito dahil sa totoo lang ay nagdamdam siya nang biglang sungitan din siya nito at sabihan ng "shut up" gayong wala naman siyang ginagawang masama dito.

"Tin-Tin, sorry kanina."

Hindi siya kumibo. Nakasandal lang siya sa sasakyan ni Jerico at nakatingin sa kawalan.

Lumapit ito sa kanya. "Tin-Tin sorry na, nabigla lang ako kanina."

Wala pa rin itong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nagulat na lang siya nang walang anu-ano ay humiga ito sa daan. De-deadma-hin na lang sana niya ito kung hindi lang ito pinagtitinginan ng mga dumadaang tao. Merong iba na nagbubulungan at meron rin iba na pinagtatawanan ito.

"Sayang, ang guwapo pa naman kaya lang parang may sayad."

"Ay! Ano'ng problema nito?"

"Ano ba 'yan! Hinahayaan lang ng babaeng 'to na magmukhang tanga ang boyfriend niya, hindi na naawa!"

WTH?! Pati tuloy ako nadamay!

Nagpasya siyang lumayo nang kaunti dito.

Nang humakbang siya ay sumigaw ito.

"Sorry na, Tin-Tin!!! Patawarin mo na ako, please???"

"Uy miss, iiwan mo na lang ba 'to basta-basta dito? Maawa ka naman sa boyfriend mo. Patawarin mo na para tumayo na siya!"

Padabog na binalikan niya ito saka pilit hinila ang kwelyo ng polo nito. "Ano ba, Slater? Nasisiraan ka na ba? Tumayo ka na diyan."

"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo 'ko pinapatawad."

"Tumayo ka muna kasi!"

"Ayoko! Halata naman kasing inis na inis ka pa rin eh."

Para lang silang nagta-tag of war dahil pilit niyang hinihila ito samantalang ito naman ay ayaw magpahila.

"Utang na lo--- Ay!!!" nanlaki na lang ang mga mata niya nang bigla siyang ma-out of balance at bumagsak mismo kay Slater. Saktong-sakto ang mga labi niya sa mga labi nito.

Dala ng sobrang pagkagulat sa nangyari ay hindi kaagad siya nakakilos at ganoon din ito.

"Eskandalosa naman 'tong dalawang 'to!"

"Ay anak, huwag kang titingin sa kanila! Bilisan mo ang paglakad."

“Bakit, Mommy? Ano’ng ginagawa nila?”

“Basta anak, Rated PG! Sige, lakad lang.”

Dahil sa mga narinig ay parang napasong humiwalay siya dito. Tumayo na siya at ganoon din ito.

"Tin-Tin, sorry about what hap---"

Pilit na ngumiti siya. "Okay na, aksidente lang ang nangyari. Wala kang kasalanan."

"Oh, nandito rin pala si Slater eh. Hi bro, hi princess!"

Sabay pa silang napalingon nang biglang magsalita si Jerico. Naglalakad ito palapit sa kanila.

Nang tuluyan makalapit ay tinapik ni Jerico ang balikat ni Slater. Pagkatapos ay in-smack siya nito sa lips.

"Hmm... Sige bro, tutal nandito ka na rin. Maiwan ko na kayo. Ingat kayo." Pagkasabi ay tumalikod na si Slater at walang lingun-lingon na sumakay na ito sa sariling sasakyan saka pinaharurot iyon.

"Damn!" iritadong sambit ni Slater nang muntik na niyang mabangga ang van sa harapan niya. Bigla kasi iyong huminto.

Sa halip na dumiretso sa bahay ay sa isang bar siya nagtungo.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon