CHAPTER 42

708 5 6
                                    

Maagang-maaga pa ay nagtungo na si Slater sa bahay nina Tin. Masakit man ang ulo dahil sa kawalan ng tulog ay hindi na niya iyon alintana.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ivan please, kailangan namin mag-usap ng ate mo."

"Please din kuya, ayaw ka niyang makausap."

"Pero kailangan. Kailangan nyang malaman na mali ang iniisip niya. Kailangan niyang makinig sa'kin. Please Ivan."

Napailing ito.

"Pasensya na Kuya pero wala akong magagawa. Ito ang bilin niya sa'kin."

Nang talikuran siya ni Ivan ay wala na siyang nagawa. Bagsak ang balikat na bumalik siya ng bahay.

"Kuya naman, ang aga-aga umiinom ka na naman. Gusto mo bang magkasakit?"

Nagtangkang agawin ni Fretzie ang bote ng beer mula sa kanya pero iniiwas niya iyon.

"Please Fretzie, hayaan mo muna akong mapag-isa."

"Ayoko Kuya. Akin na yan! May trabaho ka pa, late ka na oh..."

"Fretzie please!"

"Kuya naman, ilang araw ka nang ganyan! Sisirain mo ba ang buhay mo?"

"Sirang-sira na ang buhay ko Fretzie!" Ngumiti siya nang mapait.

"Please Kuya, take it easy."

"Don't tell me to take it easy. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!"

Napayuko ang kapatid niya.

Bigla naman siyang nakonsensiya sa pagtataas niya ng boses dito.

"I'm sorry." Napabuntong-hininga siya. "Ang hirap lang kasi ang babaeng mahal na mahal ko ayaw akong kausapin. Ayaw niya akong pakinggan, Fretz. Ayaw niya nang magpakasal sa'kin!" Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.

Hinagod ng kapatid ang likod niya. Umiiyak na rin ito.

"Susubukan ko siyang kausapin kuya. Ayoko ring magkahiwalay kayo nang ganun-ganun lang."

"Thank you, Fretz."

"Mahal na mahal kita, Kuya. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan."

Magang-maga man ang mata ni Tin dahil sa kaiiyak ay bumaba pa rin siya para pakiharapan si Fretzie.

"I'm sorry Fretzie pero hindi kita mapagbibigyan ngayon. Mahal kita alam mo yan pero masyado akong nasaktan sa ginawa ng kapatid mo."

"Pero Ate, maawa ka naman kay Kuya. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho." Umiiyak na ito. "Araw-araw na lang siyang umiinom. Nag-aalala na ako sa kanya."

Sa narinig ay binaha ng pag-aalala ang dibdib niya.

Bakit ganun? Sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay may malaking bahagi pa rin ng puso niya ang nagsasabi na puntahan ito? Ang pakinggan ito? Ang patawarin ito?

Sa huli ay napailing siya.

"I'm sorry, Fretzie."

Bandang alas-singko ng hapon nang puntahan siya ni Cocoy. Mahigit isang linggo na mula nang lumipat ito at ang ina nito sa isang apartment dahil na-extend ang bakasyon ng mga ito at nahihiya na rin daw ang mga itong makitira sa kanila.

"Please Tinney, bumangon ka na diyan." Pilit siyang hinila nito patayo.

Nagtakip siya ng unan sa mukha.

"Ayoko nga sabi, ang kulit naman eh!"

"Bibilang ako ng tatlo, pag hindi ka pa bumangon diyan, bubuhatin talaga kita."

Nagkunwari na lang siyang walang narinig.

"Isa... Dalawa..."

"Tantanan mo muna 'ko, Cocoy!"

"Tatlo..."

Napatili na lang siya nang buhatin na nga siya nito.

Kahit anong pakiusap niya ay ayaw siyang bitawan nito. Ibinaba lang siya nito nang nasa banyo na sila.

"Maligo ka na, aalis tayo."

Nagpapadyak siya.

"Ayoko!"

"You decide..." sabi nito. "Maliligo ka na ngayon din o ako ang magpapaligo sa'yo?"

"Another glass please," sabi ni Slater sa bartender.

Dahil sinasaway siya ng mga magulang at kapatid niya sa pag-inom ay minabuti na lang niyang umalis ng bahay at magtungo sa bar.

His life is a mess. Ilang beses na niyang sinubukang puntahan si Tin pero ayaw siya nitong harapin. Kapag naman tinatawagan niya ito sa phone ay hindi siya nito sinasagot. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Ilang araw ka nang hindi pumapasok, ilang araw na rin kitang hindi ma-contact... dito lang pala kita makikita."

Naupo sa tabi niya si Honey.

Hindi niya pinansin ang babae.

"Magkano?"

"Nine hundred twenty-nine Sir."

Inabot niya ang isang buong 1000 peso bill sa cashier saka umalis na.

"Uy Slatey, teka lang!"

Sumabay sa paglakad si Honey sa kanya.

"Honey please, pabayaan mo muna 'ko."

Ayaw muna niyang makita ang babae dahil nalaman niya mula kay Ryan na ito ang may pakana ng lahat ng nangyari kaya nagalit sa kanya si Tin. Ipinagtapat sa kanya ni Ryan ang pagkausap ni Honey dito para i-set up sila ni Tin kapalit ng pangako nito sa lalaki na sasagutin na ito sa panliligaw nito dito. Ngunit hindi tumupad ang babae kaya nagdesisyon ang lalaki na sabihin na lang sa kanya ang lahat saka ito humingi ng tawad.

"Slatey naman... Kung ayaw na sa'yo ng girlfriend mo, pabayaan mo na! Nandito naman ako eh."

Nilingon niya ito. "Hindi ikaw ang kailangan ko!"

Maarteng tumawa ito.

"Pero ako ang nandito. C'mon, Slatey!"

Nagtangka itong halikan siya sa labi pero umiwas siya.

Pumalatak ito.

"Ano bang pinakain sa'yo ng babaeng yun ha? Kumpara naman sa'min dalawa---"

Hinablot niya ang braso nito.

"Aray! Ano ba?!"

"Don't you dare compare yourself to her dahil hindi mo siya katulad! At kahit ano pang pang-aakit ang gawin mo, hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa'yo!"

Marahas na binitawan niya ito.

"Alam mo..." dinuro niya ito. "Pasalamat ka marunong akong rumespeto ng babae dahil kung hindi, hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa mo!"

Naging mailap ang mga mata nito.

"W-what do you mean?"

"You know exactly what I mean!"

Naiwan na itong natitigilan.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon