EPILOGUE

999 13 10
                                    

After a year and a half…

“Look hubby,” natatawang sabi ni Tin kay Slater.

“Bakit?” tinabihan siya ni Slater sa couch.

Kasalukuyang tinitingnan niya ang mga pictures nila noong kasal nila.

“Ang gwapo ni Jerico dito oh. Mas gwapo pa ang best man kesa sa groom, ano ba yan!” biro niya dito.

Syempre sa paningin niya, ang asawa lang niya ang pinaka-gwapo sa lahat.

“Ahh ganun? Well sorry ka, kahit maisipan mo pang ipa-annul ang kasal natin ngayon din, hindi na babalik sa’yo si Jerico.”

“Sabagay, masaya na yun sa asawa niya.”

Five months ago nang ikasal sina Jerico at Yannie sa New York. Nakakatuwa lang dahil todo-todo sa pagdi-deny ang dalawa noon, kesyo friends lang daw, pero sa huli ay nagpakasal din.

“Ang sama-sama mo talaga.”

Natawa lang siya sa ginawang pagsimangot ni Slater.

“Kamusta naman ang titig ng kapatid mo dito kay Fretzie,” natatawang itinuro naman nito ang picture nina Ivan at Fretzie. “Parang ewan lang ah.”

Natawa rin siya.

“Oo nga, parang wala nang bukas kung makatitig kay Fretz.”

“Nakakatuwa nga eh, nagpapatulong sa’kin na kumbinsihin sina mommy at daddy na payagan na silang magpakasal na dalawa.”

“Naku, hindi naman sila papayagan sigurado. Siguro pag naka-graduate na sila parehas, pwede na.”

“Eto,” itinuro nito ang isang picture. “Ano kasing pangalan nito?”

“Si Candy yan, ang ganda no?”

“Yup. Parang ikaw lang.” Umasta itong kunwari ay nasusuka.

Pinalo niya ito.

“Ang sama mo.”

“Biro lang, syempre maganda ka.” Kinabig siya nito. “Ano nang balita sa kanya?”

“Ayun, exclusively dating na sila ni Cocoy.”

“Yeah, si Cocoy na first love mo.” Tumango-tango ito.

“Yeah right.” Tumawa siya.

Naikwento na niya dito noon ang tungkol sa kanila ni Cocoy.

“Bakit parang may halong kilig yang tawa mo?”

“Eh siyempre, may halong selos ang pagkakasabi ng great love ko ng “yeah, si Cocoy na first love mo’ eh.” Muli siyang tumawa.

“Feeler ka ha,” pinisil nito ang ilong niya.

“Totoo naman ah.”

“Tingnan mo naman ‘to,” tawa ito nang tawa. “Bakit iyak ka nang iyak dito? Buti na lang hindi kumalat ang make-up mo.”

Tiningnan niya ang picture. Iyon ay isa sa mga kuha nang nag-kiss na sila.

“Natatawa ka na dyan? Eh tingnan mo naman ‘to, mas pinakanakakatawa sa lahat,” itinuro niya ang isa pang picture na nag-kiss sila. Nakapikit ito doon habang nagki-kiss sila. “Feel na feel mo oh.”

Napakamot ito sa ulo.

“Heh!” Isinara na nito ang album.

“Bakit mo isinara? Tinitingnan ko pa oh.”

Ibinalik nito sa lalagyan ang album.

“Wifey, halika. May sasabihin ako.”

“Ano yun?” tanong niya.

“Lapit ka muna.”

Tumalima siya. Nang malapit na malapit na siya dito ay bigla siya nitong hinalikan. Napangiti siya. The kiss lasted for seconds. Nang hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa kanya ay nakaisip siya ng kapilyahan. Kinagat niya ang ibabang labi nito.

Mukhang nabigla ito kaya humiwalay ito sa kanya.

Natawa siya nang makitang nakangiwi ito.

“Tatawa-tawa ka pa diyan.”

“Eh ang cute-cute mo kasi eh, tingnan mo. Iniharap niya ito sa salamin na nasa likod nila.

“Okay, fine.” Tumitig na naman ito sa kanya saka pilyong ngumiti.

“Ano na naman ha?”

“Last na lang,” muli nitong hinawakan ang likod ng ulo niya.

Hindi pa man muling naglalapat ang mga labi nila ay nakarinig sila ng pag-iyak.

Nagkatinginan sila.

“Si Vince!”

Tinakbo nila ang connecting door patungo sa nursery room. Nadatnan nila ang five months old na anak nilang lalaki na umiiyak. Kakatapos lang nitong dumede kaya imposibleng gutom ito.

Ipinanganak niya ito noong araw ng kasal nina Jerico at Yannie. Mabuti na lang at sa reception na siya nagsimulang mag-labor at hindi sa mismong wedding ceremony. Tandang-tanda pa niya na nasa tabi niya ang hindi mapakaling si Slater habang nagle-labor siya. Ito pa mismo ang pumutol sa cord ng anak nila.

“Baby bakit?” kinarga niya ang anak.

“Ikaw naman baby, madalang na nga lang kaming mag-moment ng mommy mo, ini-spoil mo pa.”

Natawa siya sa sinabi ng asawa.

“Pasensya ka, wala tayong yaya.”

Natawa ito.

“Eh paano pa tayo kukuha ng yaya kung sa mga lolo’t lola pa lang, halos hindi na natin siya masolo?”

Kinuha nito sa kanya ang sanggol saka sinilip ang diaper.

“Ayun, sinasabi ko na nga ba at nagpupu eh.”

Ito na mismo ang naglinis sa anak. Palagi nito iyong ginagawa pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mangiti kapag nakikita niya itong ginagawa iyon. Ang sarap lang sa pakiramdam na makitang ang asawa niya ay sobrang hands on sa anak nila.

Matapos palitan ng diaper ay magkasamang pinatulog na nila ito.

“Ayan, wag ka nang maingay baka magising na naman ulit,” sabi nito.

Bumalik na sila sa sariling kwarto. Nahiga na siya para umidlip.

“Teka lang,” hinila siya nito sa kamay.

“Bakit?”

“Tapusin ko lang ‘to,” hinalikan na naman siya sa labi.

--- THE END ---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon