CHAPTER 1

1.4K 18 0
                                    

Matanda man ng halos apat na taon sina Slater at Jerico kay Tin ay naging matalik pa rin silang magkakaibigan. Magkakapit-bahay lamang sila at nagkataong pare-pareho ng interes, ang sports, kaya naman lumaki silang sila-sila lang ang magkakalaro.

May isang nakababatang kapatid si Tin na nagngangalang Ivan subalit mas gusto nito ang maglaro ng computer games sa loob ng bahay at bihira lang nila itong makasama.

Si Slater naman ay mayroon ding nag-iisang kapatid na babae, si Fretzie. Sobrang kikay naman nito at laging sinasabi dating "I'm not gonna join you kung hindi sasali si Ivan, the nerd!" kaya hindi rin nila ito nakakalaro.

Ang isa pa nilang kaibigang si Jerico ay solong anak lamang.

Nawalay lamang si Tin sa kanyang dalawang matalik na kaibigan noong 12 years old siya at magdesisyon ang parents niya na mag-migrate sa States. Bumalik lamang siya sa Pilipinas dahil pinakiusapan niya ang mga magulang na dito na lamang ituloy ang pag-aaral. Nang malaman ng dalawang kaibigan ang tungkol dun ay kaagad pinakiusapan ni Slater ang mga magulang nito na sa bahay ng mga ito na lamang siya mamalagi. Upang 'di na daw mag-alala ang parents niya ay sumang-ayon na rin ang mga ito nang mismong ang magulang ni Slater ang kumumbinsi sa mga ito. Ngayon ay graduating na si Tin sa kursong Tourism, samantalang si Slater ay isa nang Engineer. Si Jerico, sa kabilang banda, ay isa nang modelo.

"Good morning, Slater!" masiglang bungad ni Tin sa nadatnang si Slater pagkababa niya ng hagdan. Nakaupo ito sa sofa at nagbabasa ng paborito nitong libro.

Nilingon siya nito at nginitian.

"Oh, gising ka na pala, Tin-Tin." Lumapit ito at umakbay sa kanya, tulad ng nakagawian na nitong gawin. "Tara, kain na tayo."

"Wait lang, nasaan sina Tita?"

"Naku, maaga silang umalis. Inimbitahan kasi sila ng bestfriend ni Daddy na magbakasyon sa beach house na nabili daw nila. Alam mo naman parents ko, walang inuurungan pagdating sa mga ganyang bagay. Hindi ba nila nasabi sa'yo?"

"Ah, yun ba yun? Oo, nasabi nila. Akala ko kasi hindi pa ngayon ang alis nila. Eh, si Fretzie, sumama ba?"

"Nope. Actually halos kakaalis lang niya. May practice daw sila para sa cheer dance competition next month."

"Ahh... I see." Natakam siya nang makita kung ano ang nakahandang almusal --- sinangag, hotdog, sunny side up at... "Wow, may banana bread! Sarap nito!" Kumuha siya ng tatlong slice saka nilagay sa sariling plato. Tumusok din siya ng tig-dalawang hotdog at sunny side up.

"Naku, hija. Akala ko ba nagda-diet ka?" natatawang puna ni Slater. "Kung makakuha ka ng pagkain parang tag-gutom na mamaya ah."

Umirap siya. "Tse! Paano ako magda-diet kung ganitong parang kinikindatan ako ng mga pagkain dito?"

"Bakit mo ba kasi naisipang mag-diet? Hindi ka naman mataba eh, healthy ka lang tingnan."

Hay, heto na naman ang pang-aasar ng lalaking 'to!

Padabog na tumayo siya.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Magkakape na lang ako! Hmp! Ayan, sa'yo na lahat yan, ubusin mo!" Tinalikuran na niya ito at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

"Tin-Tin naman, nagbibiro lang ako eh. Halika na dito, tiniis ko nga ang gutom sa kakahintay sa'yong bumaba para lang saluhan mo 'ko tapos ganyan ka pa." Hinila siya nito pabalik sa mesa.

"Eh, lagi mo kasi akong inaasar eh," aniya sa tonong parang bata.

"Eh, ang cute mo kasing tingnan 'pag naaasar ka eh," panggagaya nito sa tono ng pananalita niya.

"Ah, so sinasadya mo talaga akong asarin? Hmp!" Muli siyang tumayo.

"Oh, saan ka na naman pupunta? Sige na, sorry na."

"Sorry ka diyan! Babalikan ko lang yung kape ko, nakalimutan ko pala."

Natawa nang malakas si Slater.

"Makatawa ka naman diyan, parang balak mong gisingin ang buong village. Gusto mo rin ng kape?"

"Yes, of course. Thanks, Tin-Tin!"

"Hay! Ang sarap talaga, busog na busog ako."

"Masarap talaga yan, ako ang nagluto eh."

"Slater talaga oh," pumalatak siya. "Ang yabang mo, dude!"

"Ngee? Ikaw kaya unang nagsabi na masarap, sinuportahan lang kaya kita sa sinabi mo."

"Aww... My ever supportive friend."

"But of course, number one fan mo kaya ako!"

"Ganun?"

"Oo naman! Ang swerte mo ah, ang number one fan mo, ang guwapo..."

"Ang kapal..."

"Macho..."

"Ubod ng kapal..."

"At ang hot --- teka nga Tin-Tin, bakit ba kinokontra mo ang sinasabi ko? Hindi ka ba naniniwalang guwapo ako?" kumindat ito sa kanya.

"Eww!"

"Smile ko pa lang ---"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang sapilita niyang ipasubo dito ang isang buong slice ng banana bread. "Oh, ayan. Kain ka pa nang magkaroon ka naman ng kahit konting kahihiyan man lang."

"Ang sama mo talaga!" reklamo nito nang wala ng laman ang bibig. "Ikaw na nga 'tong sinusuportahan..." pa-cute na sabi nito.

Natawa siya.

"Oo na, sige. Salamat sa pagsuporta guwapo ha. Sige na, ako na magliligpit dito." Inumpisahan na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila.

"Ano ka ba, ako na diyan. Baka sabihin ng Mommy't Daddy mo inaalila kita dito," inagaw nito ang mga plato sa kanya.

"Heh! Ako na sabi eh. Tutal ikaw na ang nagluto. At tutal din naman nasasayangan ako sa ka-macho-han mo kung gagamitin mo lang dito, kaya ako na dito. Tsupi na diyan!"

"Ok, fine. Pakihugasan na rin Tin-Tin. Salamat!"

Sira talaga 'tong mokong na 'to! Hmp! Pero in fairness ha, guwapo nga naman talaga siya. At totoo ding macho siya. Actually, hot talaga... ay! Ano ba 'tong naiisip ko? Erase! Erase!

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon