"Good morning!"
Lumipad ang tingin ni Tin sa dulong bahagi ng hagdan. Nakabihis na siya para mag-aral at pababa na sa sala. Nakita niyang naghihintay doon ang ngiting-ngiting si Slater. Bihis na bihis na rin ito.
Ang gwapo talaga ng lalaking 'to!
Ngumiti rin siya dito. "Morning!"
Nang tuluyang makalapit dito ay sinalubong siya nito ng yakap saka hinalikan sa pisngi.
Inakbayan siya nito.
"Bakit nandito ka?"
"Sabay na tayo pumasok." Humalik ito sa ulo niya. "Ikaw talaga parang 'di ka na nasanay."
Mahigit isang buwan na silang magkasintahan nito at sa loob ng mahigit isang buwang iyon ay wala silang naging problema. Lagi lang silang masaya at sa bawat araw na magdaan ay lalo siyang nai-in love dito.
Tinungo nila ang garden kung saan nagkakape ang mga magulang niya at nagpaalam. Alam na ng mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa.
"Sige pasok na 'ko. Salamat ah," paalam ni Tin kay Slater pagparada nila sa tapat ng university na pinapasukan niya. Hinalikan niya ito sa pisngi pagkatapos ay pinunasan ng daliri ang kumapit na lipstick dito.
Nakangiting hinawakan nito ang kamay na ginamit niya saka hinalikan iyon. "Sige, sunduin kita mamaya ha. Hintayin mo 'ko."
Tumango siya. "Ingat ka. I love you Slater!"
"I love you more." Ito naman ang humalik sa pisngi niya. "Ingat ka din."
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na si Tin sa waiting shed malapit sa parking lot upang hintayin si Slater. Tumawag ito kanina upang sabihin na doon na lang siya nito pupuntahan.
"Hi, Christine!"
"Sir David!" bati niya sa lalaki. Professor niya ito sa isang subject.
Naupo ito sa tabi niya. "Sino ang hinihintay ng favorite student ko?"
Nahihiyang ngumiti siya. Simula nang malaman nito na may crush siya dito noon ay tinawag na siya nitong favorite student. Natutuwa daw kasi ito sa kanya dahil sa lahat ng estudyante nito na may crush dito ay siya pa lamang ang naglakas-loob na sabihin iyon dito. Gwapo naman kasi talaga ito at nasa mid-twenty's lamang kaya marami talaga ang humahangang estudyante dito. Ang totoo ay naglalaro lang sila ng mga kaklase niya ng Truth or Dare noon at ang naging dare sa kanya ay ang umamin nga na may crush siya dito --- na totoo naman.
Noon yun, syempre. Nang hindi pa siya nai-in love kay Slater.
"Boyfriend ko po, Sir."
"Ang sama, pinagpalit mo na pala ako."
Natawa lang siya sa sinabi nito. Alam naman niyang engaged na ito kaya alam niyang nagbibiro lang ito.
"Ikaw kasi Sir eh, binasted mo 'ko."
Napahalakhak ito. "Akalain ko bang susuko ka agad."
Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan ng lalaki nang magawi ang tingin niya sa may bandang kaliwa. Nakita niya sa di kalayuan si Slater na nakasandal sa labas ng kotse nito at nakapaloob sa magkabilang bulsa ng suot na pants ang dalawang kamay.
Nakangiting kumaway siya dito.
"Sige Sir, nandito na po ang sundo ko." Binitbit na niya ang gamit niya.
"Okay. Ingat kayo," marahang tinapik nito ang balikat niya.
Nilapitan na niya ang kinaroroonan ng nobyo.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)