CHAPTER 43

686 8 4
                                    

"Kahit ano palang gawin ko, hindi ka sasaya."

Nilingon ni Tin si Cocoy. Nagbibiyahe na sila pauwi. Pilit siyang isinama nito sa isang musical play kung saan kasama sa casts ang isa sa pinakapaborito niyang stage actress. Maganda ang play. Kung naiba-iba lang sana ang sitwasyon ay maa-appreciate niya iyon nang husto.

"I'm sorry, sinayang ko lang ang effort mo. Ikaw kasi, ang kulit mo."

Napakamot ito sa ulo.

"Hindi ako magsasawang kulitin ka maging okay ka lang ulit."

Nang malapit na sila sa kanila ay nakita na naman niyang nakaparada sa tapat ng bahay nila ang sasakyan ni Slater.

"Cocoy..."

"Bakit?"

"I need your help."

Bumaba ng sasakyan si Slater nang makitang may paparating na kotse at lulan si Tin. Napatiim bagang siya nang makilala kung sino ang kasama nito.

Cocoy na naman?!

Pinagbuksan ng pinto ng lalaki si Tin. Nang makababa ay umakbay si Cocoy dito. Lumapit siya sa dalawa.

"Tin-Tin bakit ka nagpapaakbay dyan ha?" angal niya.

Parang walang narinig, nilampasan siya ng mga ito.

Hinablot niya ang kamay ni Cocoy na nakaakbay kay Tin.

"Pare bitawan mo yan!"

Nagulat na lang siya nang bigla siyang itulak ni Tin.

"Ano ba, Slater!" sigaw nito. "Sinong nagbigay ng karapatan sa'yong umasta nang ganyan ha?"

"May karapatan ako dahil fiance kita!"

"Baka nakakalimutan mong break na tayo?"

Nagtangka siyang hawakan si Tin.

"Please Tin-Tin, mag-usap tayo nang maayos."

"Lasing ka Slater kaya ang mabuti pa ay umuwi ka na," mahina pero seryosong sabi nito.

"Hindi ako uuwi hangga’t hindi mo ako pinapakinggan!"

"Bahala ka!"

Hinarap nito si Cocoy.

"Sige na Coy, huwag mo na 'kong ihatid sa loob. Baka nag-aalala na rin si Tita sa'yo."

"Are you sure?"

Nakita niyang tumango si Tin saka biglang hinawakan ang mukha ni Cocoy.

"Ingat ka."

Naikuyom niya ang kamao niya nang bigla na lang nitong halikan ang lalaki sa labi.

Nanggagalaiting lumapit ulit siya sa dalawa saka sinuntok si Cocoy.

"Slater!"

Galit na galit na napamura ang lalaki saka gumanti ng suntok.

Nagpambuno silang dalawa.

"Tama na please!"

Pilit na pumapagitna sa kanila si Tin.

"Please lang, tama na! Tulong!"

"Ano na naman 'to?!" tanong ng humahangos palabas na ama ni Tin.

Pilit silang inawat ng ama at kapatid ni Tin na si Ivan.

"Ipasok mo muna sa loob yang anak mo," baling nito sa asawa. "Kami na ang bahala dito."

Nang tuluyang mapaglayo sila ng dalawa ay binalingan nito si Cocoy.

"Umuwi ka na, Cocoy."

Mukhang gusto pa siyang sugurin ni Cocoy pero humarang ang ama ni Tin.

"Sige na, umuwi ka na muna!"

Wala na itong nagawa kundi ang tumalima.

Nang makaalis si Cocoy ay pinapasok na rin nito sa loob ng bahay si Ivan.

"At ikaw naman, hindi ka ba makaintindi?" baling nito sa kanya nang sila na lang dalawa. "Parang anak na rin kita pero nakikiusap ako sa'yo, hayaan mo muna ang anak ko."

"I'm sorry Tito but I can't. Mahal na mahal ko siya."

"Kung talagang mahal mo siya, hindi ka gagawa ng isang bagay na alam mong makakasakit sa kanya.."

"Pero Tito, wala po talaga akong ginawang masama." Nafu-frustrate nang sabi niya. "Mahal na mahal ko po siya kaya ni minsan ay hindi ko naisipang magloko. Kilala nyo po ako Tito, hindi ako sinungaling."  

Mukhang nalilito na ito.

"Magloko? Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ganun na lang ang galit niya sa'yo?"

Kahit papaano ay medyo nakahinga siya nang maluwang na malaman na hindi pa ikinukwento dito ni Tin ang nangyari. Kahit papaano ay naisip niyang baka kahit galit ito sa kanya ay hindi pa rin ito nagsalita ng kahit na anong ikakasira niya sa pamilya nito.

"Akala po niya niloko ko siya. Pero sa maniwala po kayo o hindi, wala po talaga akong ginawang masama. Na-set up lang po ako."

Nangunot ang noo nito.

"What do you mean?"

Nagdesisyon siyang ikwento dito ang buong pangyayari.

"Princess..."

Mula sa pagtitig sa kawalan ay nilingon ni Tin ang daddy niya. Inakbayan siya nito.

"Hindi mo ba talaga kakausapin si Slater?"

She sighed.

"Ewan ko Dad, hindi ko na po alam. Everytime I see him, lalo lang akong nasasaktan."

As much as possible ay ayaw niyang ikwento sa pamilya niya ang ginawang panloloko sa kanya ni Slater. Kahit ganun kasi ay ayaw pa rin niyang masira ito sa mga ito.

"Bakit? Sa ginagawa mo bang pag-iwas sa kanya ngayon, hindi ka nasasaktan?"

Hindi siya nakaimik. Kahit yata anong gawin niya, masasaktan at masasaktan pa rin siya.

"Why don't you give him a chance to explain himself? Kung anuman ang nangyari, hindi ba mas maganda kung pag-uusapan ninyo yun kesa sa mag-iwasan kayo?"

"Ang sakit-sakit lang kasi Dad," naiyak na naman siya. "Natatakot ako na kapag hindi ko siya iniwasan, makalimutan ko na lang ang nangyari."

"Kung talagang mahal mo ang isang tao, kahit ano pa ang nagawa niya sa'yo, papatawarin at papatawarin mo pa rin siya."

"Yun na nga Dad eh," pinahid niya ang luha niya. "Nasaktan ka niya once, okay lang, papatawarin mo. The second time, pwede pa. Pero what if dahil pinatawad mo siya twice, maisipan niyang 'ahh okay lang tong gagawin ko kasi papatawarin naman ako nyan eh’? Ang hirap Dad, I never expected loving someone could be this painful."

"Alam mo anak, kapag nagmahal ka, dapat handa kang tanggapin na sa ayaw at sa gusto mo,  dadating at dadating din ang time na masasaktan ka. Loving someone means being willing to take risks. If you're not willing to take chances, parang sinabi mo na rin na hindi mo binigyan ang sarili mo ng pagkakataon para maging masaya." Niyakap siya ng ama. "Ang sa akin lang, sana huwag mong hayaan ang relasyon ninyo ni Slater na matapos nang ganun-ganun na lang. Nandiyan naman siya so why not talk about it? Pakinggan mo ang paliwanag niya, if in the end you still don't find him telling the truth, then dun ka mag-decide. Mga bata pa lang kayo, magkasama na kayo kaya alam kong kilalang-kilala mo na siya. Kung nagsisinungaling man siya o hindi, I know, mararamdaman mo yun.”

“Dad…”

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon