CHAPTER 3

938 10 0
                                    

Dahil sa kakaibang ikinikilos ni Slater ay hindi mapakali si Tin. Kanina pa niya pinipilit makatulog pero mailap talaga ang antok sa kanya. Mayamaya ay bumangon na siya at nagpasyang bumaba sa kusina upang uminom ng gatas. Nang madaanan niya ang sala ay nakita niyang nakaupo sa sofa ang taong laman ng isip niya. Sa halip na tumuloy sa kusina ay nilapitan niya ito.

"Slater."

Bahagya pa itong nagulat. "Tin-Tin? Bakit gising ka pa?"

Naupo na siya sa tabi nito. "Hindi ako makatulog eh. Ikaw, bakit gising ka pa?"

"Wala lang," matamlay na sagot nito.

Nang hindi na ito muling umimik ay hindi na niya napigilan ang sariling usisain ito.

"Slater, may problema ka ba?"

"Ako? Ano naman ang poproblemahin ko?"

"May problema ka nga."

"Wala 'no. Matulog ka na."

Padabog na tumayo na siya. "Fine. Hmp!"

Nagulat pa siya nang hawakan nito ang braso niya at marahang hinila siya paupo. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "Matutulog ka na nga?"

"'Yun ang sabi mo 'di ba? Kaya babu!"

"Teka lang, tototohanin mo naman?"

"Hay, Slater... Naloloka na 'ko sa'yo ha. Halos buong araw ka nang ganyan ah. Why so strange?"

"Hmm... Dito ka muna, samahan mo 'ko."

"Akala ko ba pinapatulog mo na 'ko?"

"Sinabi ko lang 'yun."

"Ang weird mong lalaki ka. Pati kapatid mo, nag-aalala na sa'yo."

"What about you? Hindi ka ba nag-aalala?"

"Syempre naman, nag-aalala din. Kasi naman no, bigla ka nalang nananahimik diyan. Ano ba kasi ang pinagkakaganyan mo? May sakit ka ba?" Dinama niya ang pisngi at leeg nito. "Wala ka namang lagnat. May masakit ba sa'yo?"

"Walang masakit."

"Eh, bakit ka nga ganyan?"

"I don't know! Ikaw kasi eh."

"Huh?! Bakit ako?!" nagtatakang tanong niya.

"Ang bias mo kasi."

"Ano?!"

"I mean... Between me and Jerico, halatang maka-Eco ka."

"I don't get it. Ano ba kasi talaga ang gusto mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"Pakiramdam ko lang kasi mas matimbang si Jerico sa'yo kaysa sa'kin eh."

"Ngee?"

Kung hindi ko lang kilala ang lalaking 'to, I would have thought he has a thing for me. Parang boyfriend lang na nagseselos ah. Pero magkaibigan lang kami kaya imposibleng mangyari 'yun!

"Eh kasi simula pa kaninang kumakain tayo sa resto, hanggang makabalik tayo dito, Jerico ka nang Jerico. Nakalimutan mo yatang kasama nyo rin ako."

'Yun ba 'yun? "Hindi naman sa gan---"

"Tapos lagi mo pa siyang sinasabihan na ang guwapo talaga niya. Samantalang ako, kailangan pa kitang pilitin para lang sabihan mo ng ganun."

Natawa siya nang malakas sa narinig. Nagtatampo na nga, nakukuha pang magbiro! "Halika nga dito." Inakbayan niya ito. "Huwag ka na magselos kay Jerico. Minsan na lang kasi natin siya nakakasama kaya siguro unintentionally, na-feel mo na mas matimbang siya sa'kin. Pero pareho kayong malapit sa puso ko at pantay lang pagtingin ko sa inyo, okay?"

"Pero pakiramdam ko talaga mas masaya ka 'pag nandyan siya."

"Hindi 'no! Na-miss ko lang siguro siya kaya ganun. Kahit naman kung ikaw, matagal din kitang hindi makakasama, magiging ganun din ako sa'yo 'no. Oh, smile na diyan!"

Ngumiti na nga ito saka siya niyakap. "Okay. I'm sorry for acting childish. It's just that, I... I don't know."

"Sorry din." Ngumiti siya dito. "Sorry for making you feel that way."

Naramdaman niyang hinalikan ni Slater ang ulo niya.

"Okay na tayo huh?"

"Yeah."

Ilang sandali rin silang nanatiling magkayakap na sinabayan pa ng nakabibinging katahimikan. Hindi naiwasan na nakaramdam ng pagkailang si Tin.

"Hmm... Sige, I'll go upstairs na," kumalas na siya sa pagkakayakap dito. "Akyat ka na rin, Slater."

"Tara, sabay na tayo."

Inihatid pa siya ng kaibigan hanggang sa tapat ng kwarto niya kahit mas nauna nilang madatnan ang sariling kwarto nito. "Goodnight, Tin-Tin." Hinalikan ulit siya nito sa noo, at muli, nakaramdam na naman siya ng pagkailang. "Sleep tight."

What is the meaning of this???

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon