Chapter 1: BAKLA

4.2K 86 3
                                    

Skyler Pov

"Skyler first day late ka." pagpapansin sa akin ni Kylie.

Lumingon ako sa kanya at na
pakamot sa batok.

"Walang bago roon Kylie" ngiting aso kong saad.

Napatango lang sya at lumapit sa akin ng nakangiti.

"Bestfriend ko namiss kita" at niyakap nya agad ako ng mahigpit.

Sarap hambalusin ng gagang 'to.

Sino sya? Sya lang naman si Kylie
Tamara ang bestfriend kong sobrang lamig. Ewan ko ba dyan at bakit cold pero syempre sa akin hindi sya cold sa mga strangers lang.

Bumitaw narin sya sa yakap.

"Nalimutan ko tinatawag nga pala ako ni Sir. Una na ako sayo Skyler" kumaway pa sya sa akin hanggang mawala sya sa harapan ko.

Bumuntong hininga muna ako bago maglakad ng nakangiti.

Ako nalang mag-isa ang nasa labas ng room.

Syempre kasi late ako.

Teka! LATE NA NGA AKO?

Tatakbo akong naglakad patungo sa room ko.

Bwesit malayo pa naman iyon.

"Ouch" ungol ko.

Ang sakit ng pwet ko tsaka yung noo ko.

Kahit masakit tumayo pa rin ako.

"Hoy! Ikaw! Anong karapatan mo para banggain ako? Ha!" gigil kong saad pero yung kamay ko himas-himas ang pwet ko.

Kasi habang tumatakbo hindi ko nakitang may tao pala na haharang sa daan ko kaya ayun napaupo ako sa lakas ng impact ng pagtama ko sa kanya sabay ng noo ko na tumama sa balikat nya.

Tumingin lang sya sa akin.

"Tanga" saad nya pagkatapos ay nagrolled-eyes pa sa akin. Nilagpasan nya na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakla" bulong ko sa sarili ko.

Nakakainis. Gwapo sana kasi maputi kaso bakla. Mag-rolled-eyes daw ba?

Nakakainis talaga yung baklang iyon. Hindi naman ako tanga ah!

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon