Skyler Pov
Hindi ko alam kung ano yung tama at mali.
Susundin ko ba yung nararamdaman ko o yung iniisip ko?
Nalilito ako. Nahihirapan na rin ako.
*ringg*
Nalipat ang atensiyon ko sa phone kong tumutunog.
"Hello po" magalang kong bungad.
[Iha si Tita mo 'to maaari ka bang magbantay muna kay Daniel dito sa hospital?]
"Sige po Tita. Magpapalit lang po ako ng damit"
[Sige. Salamat iha. Pasabi na rin sa Mommy at Daddy mo sana kumain naman kami sa labas kahit isang beses lang.]
"Okay po"
Agad akong nagpalit ng damit. Nagripped-jeans lang ako tapos v-neck na white tapos adidas na sapatos. Maganda na ako.
"Anak saan ka naman pupunta?"
"Sa hospital mo. Babantayan ko lang po si Daniel."
"Si Daniel? Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Next time ko nalang po ikukwento Daddy."
Tatakbo na akong papalabas ng bahay namin ng biglang may pumasok sa utak ko.
"Mommy at Daddy next time raw po kumain kayo sa labas. Pinapasabi po ni Tito Neil" malakas kong sigaw.
Pumara na ako ng taxi. Mabilis rin naman ang naging byahe. Nakarating na agad ako sa hospital.
"Iha buti naman nakarating ka. Kailangan lang naming makipagmeeting sa isang investor. Sorry talaga iha kung nadamay ka pa."
"Okay lang po Tita. Ako nalang po ang bahala kay Daniel kapag nagising sya."
"Salamat iha"
Tumango ako. Pagpasok ko sa kwarto nya. Nagtaasan ang balahibo ko.
Waaaaah~ Ano ba 'to? Natatakot ako? La? Sa pusa ka lang natatakot Sky. Sa pusa lang.
Umiling ako. Dahan-dahan ako maglakad papalapit sa nakahigang Daniel.
Hinaplos ko ang buhok nya.
Tatlong beses. Tatlong beses na ko ng nahawakan ng ganto ang buhok mo.
Una noong bata pa tayo. Pangalawa noong tinanong kita kung mahal mo talaga ang bestfriend ko at pangatlo ngayon. Ngayong nakahiga ka at mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017