Chapter 51: Coat

734 21 0
                                    

Skyler Pov

"Baby" tawag sa akin ni Miguel.

Ngumiti ako sa kanya hanggang sa makarating sya sa harapan ko.
Niyakap nya lang ako.

"Ang ganda mo ngayon Skyler. I wish maging masaya ka rin in the near future. Ingatan mo yung sarili mo. Alam kong nasasaktan ka. Pwede kang umiyak sa akin"

"Sira ka talaga Miguel. I'm okay inside and out. Dejoke lang. Ganun naman talaga diba? Magiging masaya ako o magiging masaya yung bestfriend ko? Masasaktan ako o masasaktan yung bestfriend ko? Matagal ko ng pinag-isipan yung desisyon ko. Paninindigan ko hanggang huli."

Tinapik nya lang yung likod ko tapos iniharap ako sa kanya.

"Smile baby. Mas maganda ka kapag ngumingiti"

"Okay Baby" natatawa kong saad tapos ngumiti.

Nag-usap pa kami ng kung-ano-ano hanggang sa lumalalim na yung gabi.

"Tawag lang ako ni Mommy. Gusto mo sumama?"

"Hindi na. Okay lang ako. Baka umuwi narin kami mamaya"

"Bago kayo umuwi magpapaalam ka sakin ha!"

"Opo" at natatawang nagsalute ako sa kanya.

"Daddy anong oras tayo uuwi?"

"Mamaya pa nak. Bakit gusto mo na ba umuwi? Ipapahanda ko na yung kotse sa driver. Mauna ka na"

"Sige Daddy. Antatan ko nalang sya sa labas."

Umalis na ako sa harap nya tapos naglakad ako papapunta sa labas.

Ang lamig. Pwe. Asan na ba yung driver? Antagal naman. Nagyeyelo na yung katawan ko rito.

Nirub ko yung dalawa kong palad.

Naramdaman kong biglang may nagpatong ng mainit na bagay sa likod ko.

"Dapat kasi hindi ka nagtutube lalo pa't gabi naman. Alam ko namang may maganda kang katawan pero ang magtube sa gabi sigurado akong lalamigin ka talaga. Kaya naman kung maaari huwag kanalang lumabas sa bahay nyo kapag gabi kasi uso yung mga nakawan at patayan sa gabi"

"Ano bang pinupunto mo? Na dapat hindi na ako magtube? Well para sa ikakatahimik ng kaluluwa mo. Hinding-hindi na po ako magtutube kahit kailan. Tandaan mo yan" inis kong saad sa baklang 'to. Bwesit.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon