Skyler Pov
"Pwede namang utak eh"
"Depende pero halos lahat puso ang pinairal"
"Ah ewan ko. Basta ayoko. Hindi ako naniniwala sa love love na yan"
"Ako? Naniniwala ako. Nung una kitang nakita doon ako naniwala sa love na sinasabi nila"
"Ang OA mo Miguel"
"Seryoso ako Skyler. Mahal kita."
"Paano?" pagtatanong ko.
Niyakap nya lang ako ng bigla pero syempre medyo matangkad sya kaya nakatapat ako sa dibdib nya.
"Pakitanong sa puso ko kung bakit ikaw yung minahal nya"
"Ang corny mo"
Kumalas na sya sa yakap.
"Sabi mo kasi paano. Eh hindi ko rin naman alam. Baka yung puso ko alam nya kung bakit ikaw"
"Ang corny mo talaga." inis kong saad.
"Edi corny basta mahal kita"
"Kadiri ka." at siniko ko sya.
"Masakit ha! Teka paano ba napunta doon?"
"Ewan ko sayo. Tara na iuwi mo na ako sa amin" at hinila ko na agad ang braso nya sa paglalakad.
Makalipas ang limang minuto nasa harap na kami ng bahay.
"Skyler sana magkita ulit tayo"
"Oh yes! Ikaw pa ba. Hahaha. Basta wag mo nalang isama si Hello. Alam mo namang takot ako sa pusa"
Tumango sya. Pagkatalikod nya biglang sumigaw si Mommy.
"Hoy! Lalaki! Pumasok ka! Kailangan nating mag-usap"
Ang OA na naman ni Mommy. =_=
Humarap ulit si Miguel tapos nagkakamot sa ulo.
"Pumasok kayo" saad ni Daddy.
Pagkapasok namin pinaupo agad kami sa sofa. Problema ba ng magulang ko?
"Iho anong ginawa mo sa anak ko?"
"OA ka naman Mommy eh. Wala syang ginawa"
"Pero bakit sya na ang kasama mo?"
"Kasi nagakasidente po si Kylie."
"You mean iniwan ka nya?"
"Opo buti nalang nakit ako ni Miguel"
"Ah. Unang tingin ko palang talaga kay Daniel na yan mukhang hindi na mapagkakatiwalaan. Iho pagpasensyahan mo si Mommy ha!"
"Teka lang! Anong mommy?" malakas kong giit.
"Halata namang may gusto sya sayo anak. Pero hindi pa pwede okay? Study muna kayong dalawa. Don't worry boto na ako sa'yo"
"Daddy ang OA na naman ni Mommy"
"Tama lang yung Mommy mo. Iho pwede mo kaming tawaging Mommy and Daddy"
Ngumiti lang si Miguel'tot.
"Nakakain na ba kayo? Kain muna kayong dalawa."
So yun nga kumain kaming apat. Nakakainis kasi yung bukang bibig nila puro pag-ibig.
"Iho gabi na. Dito ka na kaya matulog"
"Ah wag na po. Alis na po ako"
"Anak ihatid mo si Miguel sa labas. Babye ingat"
Nagbeso-beso pa sila tapos pumasok na sina Mommy at Daddy sa kwarto.
"Skyler ang swerte mo sa mga magulang mo."
"Oo naman. Kahit naman ganun yung mga iyon alam kong mahal nila ako"
"Salamat at kahit sa kaonting oras lang nalaman ko ang feeling ng magkaroon ng magulang. Salamat una na ako sayo"
Medyo malayo na sya sa akin.
"Ingat ka!" malakas kong sigaw at nagtatakbong pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017