Chapter 9: Para kang yung childhood friend ko

1.2K 46 0
                                    

Skyler Pov

Binatukan nya lang ako.

"Aray ha! Masakit bakla"

"Crush lang kita hindi ako stalker at mahal? Duh! Kylie lang sapat na"

"Kadiri ka bakla"

"Tigilan mo nga ang kakasabi ng bakla. Hindi sabi ako bakla eh"

"Bakla ka sa paningin ko"

Nag-rolled eyes na naman sya.

"Bingo" at may pagpalakpak pa ako.

"Ano namang bingo? Yung tinapay? Gutom ka na ba?"

"Natatanga ka na rin. Hindi no! Sabi ko yang pagrorolled-eyes mo. Dahil dyan nagmumukha kang bakla"

"Never akong magiging katulad mong tanga. Tsaka pakialam mo kung mahilig ako umirap?"

"Wala" saad ko.

Natahimik kaming dalawa.

"Teka nga ilang taon ka na ba?"

"13" bored nyang saad.

"Ah. Advance ka siguro. 15 na kasi ako"

"Naniniwala ka talagang 13 na ako?"

Tumango ako.

"Tanga 15 na ako"

"Eh?"

"Ang hirap sayo agad kang naniniwala. Paano kapag sinabi kong tatalon ako aa bangin maniniwala ka ba?"

"Malamang"

"Tanga hindi ko kayang patayin sarili ko. Loko."

"Bakla"

"Tanga ka"

"Teka bakla. Bakla naalala ko na! Para kang yung childhood friend ko" masigla kong saad.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Ganyan rin kasi yung kuwento ng buhay nya. Sabi pa nga nya sa akin darating ang araw makikita nya ang kakambal nya tapos yun raw yung magiging kakampi nya sa lahat."

"Parehas lang kami ng kwento pero magkaiba kami ng hitsura nun. Sigurado ako mas gwapo ako sa kanya"

"Gago ka. Malamang bata pa. Uhugin pa nga yun eh."

"Nasaan ba sya ngayon?"

"Sino?"

"Tanga. Malamang yung childhood friend mo"

"Ewan ko. Wala na akong balita sa kanya. Kasi naman umalis na hindi nagpapaalam"

"Eh? Pero tanda mo parim yung mukha nya?"

"Hindi na no! Sobrang tagal na nun! Sampung taon na ang lumilipas pero kung bumalik sya o magpakita sa akin sisiguraduhin kong mahihirapan syang suyuin ako.'

"Bakit naman?"

"Papahirapan ko sya. Hindi sya nagpaalam so para fair lang papahirapan ko sya. Magpapanggap akong hindi ko sya kilala o kaya magbabago ako ng ugali. Magiging mataray ako"

Napangisi ako ng marealize at maging malinaw ang imagination sa utak ko.

Nyahahaha. Patay ka sa akin childhood friend ko.

"Ano bang meron sa pagitan nyo?"

"Malamang puno. Tanga" sagot ko.

"Naiinis na ako. Tanga ka talaga I mean anong relasyon nyo"

"Friends lang kami nun"

"Lalaki ba o Babae?"

"Lalaki."

"Friends lang talaga kayo? Walang promises? Kasi ganoon yung lagi kong alam. Promises na kapag nagkita na silang dalawa magiging sila o kaya magpapakasal. Like ganun"

"Meron pero hindi nya alam"

"Ano raw yun?"

"Nagpromise ako sa sarili kong kapag nakita ko muli sya magiging kami syempre ako ang manliligaw. Weird diba? Hahaha."

"Tapos?"

"Kapag naman masaya na sya edi let him go. Hindi naman talaga sya akin eh"

"Teka nga lang. Akala ko ba hindi ka naniniwala sa love?"

"Oo nga. Kaya ko lang naman nasabi iyon kasi first time na may nagsabi sa aking maganda ako. Eh kasi lagi nilang sinasabi tomboy ako. Mas maangas pa raw ako sa kanila. Pero sya iba sya"

"Tapos ano kinilig naman agad?"

"Kapal mo. Hindi no! Wala lang. Para nagpaboast ng confidence sa sarili. Kaya ayun nagkaconfidence ako dahil sa kanya"

"Tss. Hindi ka naman maganda eh. Cute ka"

"Ewan ko sayo. Pero miss ko na sya"

"Ano ba kasing pangalan nung childhood friend mo?"

Napaisip ako. Ano nga bang pangalan nun? Ah limot ko na.

"Ewan ko. Nakalimutan ko na pero may binigay sya sa akin. Titingnan ko nalang mamaya tapos sasabihin ko sayo"

"I'm not interested" bored nyang saad at nagrolled-eyes na naman.
Bakla!

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon