Chapter 19: Anong date?

912 28 0
                                    

Skyler Pov

O_O

"Hoy! Miguel alis na!" inis kong saad.

Biruin nyo nahawakan nya yung bewang ko kaya ayun yung pwesto namin parang sumasayaw kami.

Ngumiti lang sya.

"Gwapo ko diba?" pagkatapos ay umayos na kami ng tayo.

"Takot ka pala sa pusa."

"Sino ba namang hindi matatakot sa pusa. Yung mata palang nila nagpapataas na agad ng balahibo ko ano pa kaya kung yung kulay nilang black." at umirap ako.

"Sometimes gusto kong maging mataray ka pero mas gusto ko parin yung pagiging bubbly at masayahin mo. Yung personality na kahit andaming problema okay ka lang. Parang wala ka"

"Ang weird mo Miguel. Ano bang problema ang sinasabi mo? Wala akong ganun nun. Tara na nga maglalakad. Wag mo lang ilalapit yang pusa mo"

"May problema ka kaya. Doon sa bestfriend mo diba?"

Napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya. Bigla akong natawa.

"Anong sinasabi mong problema? Yung sa amin ni Kylie? Lt ka hindi no! Okay na kami" utas pa rin ako sa pagtawa.

"Hindi nakakatawa yung pagtawa mong ganyan." seryoso nyang saad na nagpatigil ng pagtawa ko.

"Edi hindi na tatawa sabi mo eh" nakapout kong saad.

"Wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko lang wag kang tatawa kung ganyan yung mata mo"

"Bakit ano bang mali sa mata ko? May muta ba?"

"Seryoso ako Skyler"

Nagbuntong-hininga lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang mapagod ako sa paglalakad umupo ako sa may bus station.

Ganoon rin naman ang ginawa ni Miguel.

Sobrang tahimik. Yung tunog lang ng bus yung maririnig mo tapos kokonti narin yung tao.

Lumingon ako kay Miguel'toto at nakitang seryoso syang nakatingin sa akin.

"Miguel please wag ngayon. Ayoko." pagmamakaawa ko.

Ngumisi lang sya.

"Okay sabi mo eh. Tara muna sa bahay. Malapit lang yun dito. Ibabalik ko muna 'tong si Hello para magdate tayo" narinig ko yung huli nyang sinabi kahit mahina.

Nang makatayo kami siniko ko sya.

"Kapal mo. Anong date?"

"Ano pa bang date? Alangan naman maghabol-habulan tayo. Tanga ka talaga. Tara na nga sa bahay"

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon