Skyler Pov
Tumalikod muli ako. Ayoko na rito.
"Miguel gutom na ako" pagpapalusot ko.
Tumango lang sya at naglakad na nga kaming dalawa papalayo.
"Miguel"
"Hmmmm?"
"Naalala mo nong unang beses nating nagkita. Sa may waiting area nong panahong sinabihan mo ko ng 'maganda ka sana kaso tanga ka'."
"Maganda ka Sky maniwala ka"
Umupo ako sa may bermuda grass.
"Maganda ako?"
Umiling ako.
"Sky..."
"Tanga ako diba?"
"Lahat naman tayo nagiging tanga pagdating sa pag-ibig"
Lumingon ako sa kanya.
"Hindi lang ikaw ang naging tanga pagdating sa pag-ibig. Marami... kasama ako doon. Sa tingin mo hindi ako naging tanga sayo?"
"Pero iba naman kasi eh. Hindi naman ako naging tanga, hindi ko lang talaga magawang magmove-on"
"Tim---"
"Sasabihin mo na naman oras. Ilang beses na ba akong nagbilang ng panahon? Gustung-gusto ko ng makawala. Ilang buwan na ba ang lumipas? 7 months? Pero bakit hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on. Miguel nagblack ako kasi bitter ako pero bakit parang hindi tugma sa nararamdaman ko ngayon? Hindi ako nabibitter sa mga magcouple na nandyan. Naiinis ako kasi hindi ako makamove-on sa feelings ko"
Bumuntong hininga lang sya.
"Mapaglaro ang pag-ibig diba?"
"I miss..."
"Daniel yan pustah---?"
"myself... I badly miss myself not this one but the old one. I miss my old self."
"Ha? Miss mo na sarili mo?"
"Aniyo. I miss my old self, the bitter one. Miss ko na yong dating ako na walang pakialam sa pag-ibig. Miss ko yong old na Skyler. Sana bumalik na sya sa lalong madaling panahon"
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017