Skyler Pov
Madaling lumipas ang mga araw. Biruin nyo isang linggo na ang nakakalipas magmula na ng nasaktan ako. Simula nun umiwas na ako sa kanya.
Umiwas na ako sa baklang yun. Marami akong tiniis habang kasama ko sya. Nagpaubaya ako kahit ayoko. Kasi ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba?
Tama kayo. Nainlove ako sa taong hindi na pwede. Kasi mahal nya yung bestfriend ko. Kasi hindi nya ako kilala. Hindi nya kilala ang kababata nya.
Totoo dati hindi ako naniniwala sa love pero bakit ngayon? Nakikita ko lang sya tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Kapag katabi ko na sya kinikilig ako. Pero diba hindi na pwede? Kaya nga hanggang maaga pa lalayuan ko na sya. Para matigil na 'tong sakit na nararamdaman ko.
Recess ngayon. At asan ako? Nagtatago sa likuran ng lamesa nina Kylie at Daniel. Yes tama talaga kayo. Lagi silang magkasama. Baka nga sila na.
Daniel's Pov
"Daniel libre mo ako ng lolipop mamaya"
"Oo naman. Sayang lang kasi si Skyler ayaw ng ganun"
"Yeah! Nakakamiss yung babaitang na yun. Meron nga syang boyfriend eh ayaw nyang sabihin sa akin"
Ano raw? May boyfriend si Tanga?
"Paano mo nalaman?"
"Nasa fb nya"
At nagpipindot-pindot sya sa phone nya tapos inilagay sa harap ng mukha ko ang phone nya.
"Ayan oh! Kita mo na. Ang gwapo nung lalaki"
Kinuha ko ang phone nya at pinakatitigan ito.
"Sino 'to?" inis kong pagtatanong sa kanya.
"Ewan ko. Di ko yan kilala"
"Bakit yung caption Go Miguel? Ano bang meron sila?"
"Hindi ko talaga alam Daniel"
Nakakainis. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang ako" at ibinigay ko na agad sa kanya ang phone nya.
Bakit ba ako naiinis? Bakit ba ako nagagalit? Bwesit naman oh!
"Hoy! Pusa ka! Umalis ka nga sa harapan ko" rinig kong may nagsasalita sa hindi kalayuan.
"Tu-tumigil ka na. A-a-a-yaw ko sayo"
Boses yun ni tanga ah! Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na yun para makumpirma na si tanga nga iyon.
Nasa may likod nya na ako pero sya walang pake. Nakapikit ata 'to.
"Meow" akmang dadambahan sya pero agad syang humarap sa likod it means humarap sya sa akin tapos bigla akong niyakap.
La? Dejavu.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017